Chapter 14-Adik sayo

941 25 4
                                    

Wala siyang ibang ginawa kundi ang manood na lamang ng TV hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog na siya sa sofa. Nang magising siya ay may kumot ng nakapulupot sa katawan niya at naka-off na rin ang TV. Sinulyapan niya ang kaniyang wrist watch at alas siyete na pala ng gabi.

            Bumangon siya at inayos sandali ang kumot bago nagtungo sa labas, nagbabasakaling naroon si Edwin na kani-kanina lang ay nagtatampo sa kaniya. Ngunit wala siyang nakitang ni anino ni Edwin. madilim na rin kasi. Wala siyang choice kundi ang muling pumasok sa malaking bahay at hintayin nalang ito.

            Muli siyang naupo sa kama at kinalikot na lamang ang kaniyang cellphone. Ngunit agad na bumungad sa kaniya ang kaninang larawan nila ni Edwin na magkalapat ang mga labi na nanlalaki pa ang kaniyang mga mata. Imbes na mainis ay napangiti siya. Pinakialaman nito ang kaniyang cellphone at ginawa ni Edwin na screen saver ang larawan nila. “Baka maisipan kong hindi na talaga tumuloy sa France.” Maya-maya’y sambit niya kausap ang sarili.

            Ngunit nagsawa din siya sa kakakalikot sa kaniyang phone at muli siyang tumayo mula sa sofa. Tinahak niya ang daan patungo sa may kitchen. May nakita kasi siyang daan kanina doon. Ngunit bago pa man niya mabuksan ang pintuan na naroon ay may narinig na siyang boses. Si Edwin. Mukhang may kausap yata ito sa telepono.

            “I just need more time.” Halata sa boses nito ang iritasyon. Kaya mas lalo niyang inilapit ang tainga sa pinto upang malinaw niyang marinig si Edwin. It’s wrong, pero may pakiramdam kasi siyang involve siya sa usapan ito.

            “I’ll tell her the truth, don’t worry…okay…bye…I love you…” halos tumakbo siya papunta sa kinaroroonan ng kaniyang bag. Kinuha niya iyon at wala anu-anong lumabas ng bahay. Tuluy-tuloy ang buhos ng kaniyang luha. Halos hindi na niya makita ang kaniyang dinadaanan dahil nanlalabo na ang kaniyang mga mata sa luha.

            Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaibigan. “Hello, what time’s my flight? I need to be there early tomorrow.” Aniya sa kausap.

            “Three o’clock in the morning ang flight mo, Ces. Wait, are you okay?” nag-aalalang tanong nito.

            Umiling pa siya na akala mo’y nakikita ng kausap ito. “No, but I will be. Okay, thanks, bye.” Aniya at ini-end na niya ang tawag. Mabilis siyang nakarating sa labas ngunit naramdaman na niya ang kamay ni Edwin na pinigilan siya sa kaniyang braso.

            “Where are you going?”

            Hinarap niya ito. Kita niya ang madilim nitong ekspresyon. “Let go, Edwin.” iyon lang ang nasabi niya kahit na gusto na niyang sampalin ito dahil kahit na anong gawin niya sa puso niya, ito pa rin ang isinisigaw nito.

            “No!” mariin nitong sabi. “…not until you tell me why should I let you go.”

            “Because you’re hurting me so much.” Pinunasan niya ang kaniyang luha gamit ang isang kamay na hindi hawak ni Edwin.

            Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak ni Edwin sa kaniyang braso. Malungkot ang mga matang tumitig ito sa kaniya. “I’m sorry…” pagkasabi nito iyon ay bigla nalang itong lumuhod. “I’m sorry, I just can’t let you go. Please, stay. Stay with me, Frances.” Mas lalo tuloy nag-alburuto ang puso niya. Seeing Edwin like this, hindi niya kaya. Hindi niya kayang baliwalain, pero paano naman ang puso niya?

            Umiling siya. “Edwin, no. I also need to learn how to love myself. Dahil kung ako lang ang nagmamahal sa relasyong ito, talo ako. Talong-talo ako, Edwin.”

VEGA Siblings Series 2 (Cold Heart: Edwin)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon