Chapter 7-Graciella

767 20 1
                                    

            Kahit na medyo hindi siya nakatulog kagabi ay maaga pa rin siyang nagising. May date sila ni Edwin ngayon at wala siyang ideya kung saan naman ang lakad nila ngayon. knowing Edwin, palagi itong naglalakwatsa. Parang walang patutunguhan ang buhay, palibhasa ay mayaman na kaya hindi na iniisip ang magiging future nito.

            Nasa parking lot na siya at patungo na sa kaniyang sasakyan nang maramdaman niyang mag-vibrate ang kaniyang cellphone. Binuksan niya ang kaniyang handbag at kinuha ang gadget at nakita doon ang text ni Edwin.

            :I’m sorry, I have an emergency. See you at your restaurant.:

            Iyon ang laman ng text ni Edwin na siyempre ay nakapagpalungkot sa kaniya ngunit ano bang magagawa niya kundi wala at didiretso nalang siya sa kaniyang opisina. Pero bago pa niya malagay ulit sa bag niya ang cellphone niya at nakatanggap muli siya ng text. But this time ay galing na sa kaibigang si Aldrich.

            :Hey, see me now. Nasa bahay ako nila Noreen. Dali, may sasabihin ako sa inyo at kailangan nandito ka.:

            Agad naman siyang nag-reply sa kaibigan na nakalimutan na naman niyang kamustahin.

            :Al, sorry. Sure, papunta na ako. Andami ko ng utang sa iyo.:

            Pagka-send niya niyon ay nagmadali na siyang sumakay sa kaniyang kotse at agad itong pnaandar. Maaga pa ay naroon na ang kaibigan kila Noreen. Ano naman kaya ang nakain ng isang iyon at nang-iistorbo sa mag-asawa? Pero napapaisip pa rin siya kung bakit kinailangan siyang i-text ni Edwin na nagka-emergency ito. Hindi niya tuloy malaman kung tatawagan niya o magte-text na lang din siya. Hindi pa kasi niya sinasagot ang text nito. Pero sa huli ay hinayaan na lamang niya at hindi na sinagot pa ang text nito.

            Mabilis lang siyang nakarating kila Noreen dahil hindi naman ganoon ka-traffic. Agad din siyang pinagbuksan ng gate ng guard at ipinasok niya ang sasakyan sa maluwag na bakuran. Pagkababa niya ay ibinigay niya ang susi sa isang guard na sumunod para i-park ito ng maayos.

            Hindi pa siya nakakalapit sa pinto ng malaking bahay nila Noreen ay nakita na niya ang paglabas ng kaibigan at malapad ang pagkakangiti.

            “Best. Na-miss kita.” Agad siyang niyakap ni Noreen at ganoon din siya.

            “I missed you too. Nasaan ang istobrong bisita mong si Aldrich? Ang aga-aga ini-istorbo ka.” Aniya dito.

            Ngumiti lang si Noreen sa kaniya at iginiya na siya papasok sa loob ng bahay. “Hindi siya istorbo. Actually, kagabi pa sana siya pupunta dito kaso busy siya sa alam mo na, bagong business.” Paliwanag ni Noreen sa kaniya na mas lalong nagpagulo sa isip niya. Ano naman ang gagawin nito dito?

            Hindi na lamang siya nagsalita ulit at malalaman din naman niya ang mga kasagutan sa mga tanong niya kapag nakita na niya ang kunwaring baklang kaibigan niya.

            Nang tuluyan na silang makapasok sa loob ng kabahayan ay dalawang tao ang nakita niya. Ang isa ay si Aldrich na hindi man lang napapansin ang pagdating niya at ang isa ay babae. Maganda ito at kung ide-describe, mukha itong manika. Bilugan ang mata nito na kulay itim, katamtaman ang tangos ng ilong nito at tama ang kurba ng mga labi nito na nilagyan ng kulay rosas na lipstick. Maputi rin ito at makinis dahil naka-sleeveless lang ito. Unang nakapansin sa kanila ay ang babaeng pinagmamasdan na niya.

            “Is she the reason why Aldrich is here?” tanong ng kaniyang isipan bago pa man sila makalapit sa kinaroroonan ng mga ito.

VEGA Siblings Series 2 (Cold Heart: Edwin)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon