Chapter 4-Mine

962 25 0
                                    

Napanganga siya sa sinabi nito. “Ano?!” napalakas ang boses niya na nanlalaki ang mata. Hindi sa ayaw niya pero dahil sa kilala niya ito ay nakakapagtaka talaga ang hinihingi nitong pabor sa kaniya. Besides, iniisip niya na baka pinagtri-tripan lang siya nito.

            “You can’t say no.” sabi pa nito na hindi sinagot ang OA niyang tanong.

            Mas lalo siyang napanganga. “At bakit hindi?” balik-tanong niya dito at tinaasan pa niya ito ng kilay.

            “Because I know you like the idea.” Sabi pa nito na siyang totoo naman. Oo, gusto niya ang ideyang iyon, pero paano kung sa bandang huli talo na naman siya? Sa totoo lang ay may naisip na siya sakaling pumayag nga siya sa alok nito, pipilitin niyang mapaibig ito sa loob lamang ng isang buwan.

            “Okay, sige, aaminin ko na gusto ko nga ang idea na ‘yan, pero bakit mo nga ba gustong ako ang magpanggap na maging girlfriend mo? May iniiwasan ka bang babae? O baka naman nakabuntis ka at ayaw mong panagutan kaya heto ka at naghahanap ng ipapakilala mong girlfriend para hindi ka na niya habul…”

            He cut her with a kiss. “The right move to shut your mouth up.”

            Bumilis na naman ang pintig ng puso niya. Nakakailan na siya ng halik kay Edwin ngayon? Achievement! Dati pangarap lang niya ang mapansin nito, ngayon sobra-sobra na ang ibinigay ng Diyos sa kaniya.

            At dahil sa hindi na siya nakapagsalita ay ito na muli ang nagsalita. “Before I’ll tell you the reason, treat me tonight.”

            Hindi na yata matatapos ang gulatan sa pagitan nila. Kanina pa siya napapanganga dahil sa mga hirit nito. “Treat? S-saan?” takang tanong naman niya.

            “Dinner.” Maiksing sagot naman nito.

            Ngumuso siya. “Fine, pero hindi ako mayaman tulad mo kaya ako ang mamimili kung ano ang kakainin natin. So ano nga ang rason? Dapat kapani-paniwala iyan para sulit naman ang pagpapanggap ko.” Hirit pa niya kahit na, kahit wala naman itong dahilan ay kakagatin niya ang pabor na hinihingi nito.

            Ilang sandaling hindi nagsalita si Edwin. At naiinis na siya dahil binibitin pa siya nito. Magsasalita na sana siya ng tumikhim ito at magsimulang magsalita. “You’ll pretend to be my girlfriend para ipakilala ka sa childhood bestfriend ko. Uuwi na siya next week from Canada and I told her that I have already a girl. The thing is, she’s expecting me to introduce my girlfriend once she arrived. Two weeks lang naman daw siya dito kaya isang buwan lang ang hihingin ko sayo.”

            Wow, ang haba n’on, pero nasaktan siya sa sinabi nito.Ano’ng ibig nitong sabihin? Bakit hindi niya alam ang tungkol sa childhood bestfriend nito? At ano ang malaking papel nito kay Edwin at nanghihingi pa ito ng tulong sa kaniya?At bakit siya pa? Para ba ipamukha nito sa kaniya na wala na talaga siyang pag-asa dito? “Huminga ka naman, ang haba ng sinabi mo.” Biro pa niya kahit na kulang nalang ay humagulgol siya sa iyak dahil sa sakit na nararamdaman niya.

            “Do you understand what I’m saying?”Kumunot ang noo nito.

            Ngumiti siya ng pilit dito.“O-oo naman. Ah, Edwin, puwede bang bukas nalang kita i-treat? Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko eh.” Palusot niya. Hindi kasi puwedeng makita ni Edwin na nasaktan siya dahil sa sinabi nito.

            Nakita pa niya ang nag-aalalang mukha ni Edwin. “Are you okay?” hahawakan pa sana siya nito ngunit umatras na siya.

            Ngumiti siyang muli dito. “I’m fine, pagod lang siguro ako. Ngayon lang naman, bukas, magsimula na tayo.” Pagsisinungaling niya.

VEGA Siblings Series 2 (Cold Heart: Edwin)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon