Pagkatapos ng kahihiyang pinaggagawa niya sa harap ng pagkain kanina ay hindi pa siya tumigil dahil naghanap pa siya ng kung ano sa mga laman ng ref nina Noreen. At dahil sanay na sa kaniya ang kaibigan ay pinabayaan nalang siya. Pero nagtataka nga siya sa inaasta, at naloloka na siya dahil nababaliw na yata siya kay Edwin. Hindi na niya magawa ng tama ang plano niya.
Mag-isa na lamang siya sa kusina nina Noreen dahil nanonood na ang mga kasama sa sala ng movie at naririnig pa niya ang mga tawanan ng mga ito. May nahanap siyang mango ice cream sa ref at iyon ang pinapapak niya ngayon. Sa itsura niya ngayon, aakalain ng makakakita sa kaniya na naglilihi siya dahil kanina pa siya kain ng kain. Sabagay, ikaw ba naman ang malipasan ng kain kanina?
Lahat ng balahibo sa katawan niya ay nagsitayuan ng biglang may mga brasong yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. Ayaw naman niyang lumingon dahil ramdam niya ang labi nitong hinahalikan ang kaniyang batok. Halos mapapikit siya sa ginagawa nito. “E-Edwin…” halos hindi niya mabigkas ng maayos ang pangalan nito.
“You turn me on when you call my name like that.” He murmured between his kisses. At dahil naalala niya na naroon sila kina Noreen at agad siyang lumayo at hinarap si Edwin.
“Edwin! What are you doing?” sa wakas ay naitanong na din niya.
Ngumiti lang ito at heto na naman ang mga tuhod niyang nanghihina sa simpleng ngiti lang nito. “I am doing the right thing. We should do what real couples do, right?” right! They need to pretend in front of Graciella. Pero ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit kailangan nilang magpanggap kung alam naman ni Aldrich ang totoo?
“Oh yeah? You know what? I don’t get the point. Akala ko, napakalaking dahilan kung bakit kailangan mong magpanggap ng may girlfriend pero sa nakikita ko, kahit hindi mo naman gawin ‘to matutuwa pa rin naman sayo ang kaibigan mo. I don’t really get you.” She burst out. Mabuti nalang at hindi gaanong malakas ang boses niya at sigurado naman siyang hindi narinig ng mga mga kasama ang sinabi niya.
He sighed. At alam niyang nairita ito sa sinabi at mga tanong niya. Sino ba siya para tanungin ang mga iyon sa kaniya? In the first place siya din ang may kasalanan dahil pumayag siya sa alok nito. Ngayon ay nagiging possessive na siya ng wala naman sa lugar. “Because you don’t really get it.” Narinig niya ang sinabi nito kahit na bulong lang iyon.
Mas lalo siyang nairita. Naiinis siya sa sagot nito. Sa dami ng sinabi niya, iyon lang ang sagot nito. Tinulak niya ito ng bahagya dahilan para mas makahinga siya ng maayos at makalayo ng bahagya sa presensiya niya. “Hindi ko alam hanggang kailan ako magpapakatanga sa’yo. Dahil alam kong alam mo kung ano ang totoong nararamdaman ko para sayo at hindi ko iyon kayang itago sayo, pero sana naman, irespeto mo ang nararamdaman ko. I want answers to my questions, pero kung hindi mo kayang sagutin, mabuti pang itigil nalang natin ang larong ito.”
Wala siyang narinig na kahit anong salita mula kay Edwin. Tanging mabibigat na paghinga lang ang narinig niya. Walang saysay kung patuloy niyang pahihirapan ang kaniyang sarili. Ang sabi nga niya, kung wala pa rin patutunguhan ang lahat ng mga pinaggagawa niya, dapat na siyang tumigil. Nakaka-isang araw palang siya sa usapan nila bumibigay na siya, paano pa kaya ‘pag nagtagal pa? Baka mabaon na siya sa pagmamahal niya dito kaya mabuti pang habang maaga pa ay tumigil na siya.
“You need to tell the truth, because I can’t do it anymore. Akala ko noong una kaya ko hindi pala. I should go. May trabaho pa ako.” Aniya. Naghintay siya sandal at umaasang pipigilan siya nito pero wala itong ginawa at tahimil lang na nakatingin sa kaniya. Heto na naman ang puso niya. Sa simpleng titig lang ni Edwin sa kaniya ay bumibigay na siya. Pero kailangang manaig ang utak niya niya ngayon kaysa sa puso niya. Kailangan niyang protektahan ang puso niya mula sa lalaking paulit-ulit na nananakit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
VEGA Siblings Series 2 (Cold Heart: Edwin)-COMPLETED
Storie d'amoreEdwin Kiel Vega *Mahaba na ang sampung salita para sa kaniya. *Palaging out-of-the-country. *Bunsong lalaki sa VEGA siblings. *No girlfriend since birth.