Naramdaman niyang tumayo si Edwin mula sa tabi niya nang umahon na si Graciella kasama si Aldrich mula sa swimming pool. Pero nagulat siya nang bigla siyang hinawakan sa kamay ni Edwin at kusa siyang napatayo.
Todo ang ngiti ni Graciella kay Edwin. “Hi! Surprise!”
Surprise? Pero nasagot ang tanong niya nang magsalita si Edwin. “She’s the girl I was talking to you. Frances, my girlfriend.” Siya yata ang na-surprise, akala niya ay next week pa ito uuwi.
Gusto niyang umiyak. Ngayon malinaw na sa kaniya ang lahat. Iyon ang tinutukoy ni Noreen sa kaniya kanina na hindi nito nasabi sa kaniya. At hindi lang dahil doon kung bakit gusto niyang umiyak, kundi dahil sa natuklasan. Hindi lang sa kaniya nagiging madaldal si Edwin, kundi pati kay Graciella.
Nakita niyang napatakip ng bibig si Graciella. “OMG! It’s you.” Yayakapin na sana siya ni Graciella ngunit pinigilan ito ni Aldrich.
“Love, you’re wet, remember.” Sambit ni Aldrich dito at nagtaas pa ng kilay.
“Oh, I almost forgot. Sorry, I might need to change first. Wait, Edwin, I knew it.” Anaman ni Graciella at kumindat pa kay Edwin bago ito pumasok sa loob ng bahay upang makapag-bihis na. Sumunod na rin si Aldrich dito na basing-basa rin.
“You met her.” Alam niyang nakatitig na sa kaniya si Edwin. Ngunit wala sa sarili ngayon. At isa pa, nasa plano nga niyang maging cold dito habang nagpapanggap sila sa harapan ni Graciella.
“Hindi mo sinabi sa akin.” May bahid ng pagtatampo ang boses niya.
Naramdaman niya ang pagbitaw nito sa kaniyang kamay na hawak pa rin pala nito. “Hindi ko din alam. She just texted me this morning and…” hindi na niya hinintay ang susunod pang sasabihin nito nang muli siyang magsalita.
“And you cancelled our date. Yeah, mas importante naman siya sayo, oh, well, I sound like a jealous girlfriend now. Hindi pa man, nagiging demanding na ako. Sorry, you know what I feel for you. Sige, pupuntahan ko lang si Noreen sa loob. Iko-kondisyon ko lang din ang sarili ko.” Mapait siyang ngumiti sa binata at walang lingon-likod na tinalikuran niya ito at pumasok sa loob.
Why can’t she pretend that’s its all okay? Akala niya kaya niya, pero bakit ngayon nag-iinarte ang puso niya?
Ngumuso si Noreen nang makita siya nito. Naroon ito sa kusina kasama ang katulong nila. Narinig pa niyang sinabihan ni Noreen ang katulong na hayaan na muna siya nito at hindi naman nag-dalawang salita si Noreen at tumalima na ito paalis ng kusina. Umupo siya sa isa mga upuan doon at nangalumbaba.
“I’m sorry. Nakalimutan kong sabihin. At hindi rin alam ni Kuya na dumating na si Graciella.” Nakalabing sambit ni Noreen sa kaniya at dinaluhan siya.
“It’s fine. Nagulat lang ako. And I don’t expect like we would met like this. She’s so sweet and it’s hard to admit but I like her.” Laglag ang balikat na sabi niya.
Natawa naman si Noreen sa kaniya. “Me too, I like her. But only if you see the truth.” Makahulugang sambit ni Noreen sa kaniya at kinuha na nito ang pagkain at inuming inihanda nito saka siya nito iniwan.
Naguguluhang sinundan na lamang niya ito ng tingin palabas ng kusina. Napanguso siya dahil sa isang palaisipan na iniwan sa kaniya ng kaibigan.
Limang minute siguro siyang mag-isang nagmumuni-muni sa kusina nila Noreen ng biglang may nagsalita sa likuran. “Join us outside. Nag-away ba kayo ni Edwin?”
BINABASA MO ANG
VEGA Siblings Series 2 (Cold Heart: Edwin)-COMPLETED
Roman d'amourEdwin Kiel Vega *Mahaba na ang sampung salita para sa kaniya. *Palaging out-of-the-country. *Bunsong lalaki sa VEGA siblings. *No girlfriend since birth.