Malakas ang music ng bar kung saan siya naroon. She’s out of the country. Yes, she’s alone. Alam naman ng kaibigan niyang si Noreen na nag-out of the country siya ngunit hindi nito alam kung anong bansa siya naroon. Two weeks after her best friend’s wedding and here she is. Iniabot na nga basta ni Noreen sa kaniya ang bouquet nito noong matapos ang kainan imbes na ipasalo ito sa lahat ng mga babaeng single na naroon.
Nalungkot siya sa ginawa ng kaibigan but still, she hopes. Kaya nga nandito siya ngayon. Hindi alam ni Noreen na sinundan niya si Edwin dito sa Italy. Last time she checked, may ka-meet itong kaibigan dito mismo sa bar kung saan siya naroon. She looks like a stalker of Edwin dahil alam niya lahat ang mga ginagawa nito.
“Hi, may I ask you to dance?” biglang may nagsalitang lalaki sa likod niya na nilingon naman niya. Sa pagsasalita palang nito ng Ingles ay halatang hindi ito ang wikang gamit nito. Nakita niya ang mga matang kulay asul nito kahit na paiba-iba ang ilaw sa kinaroroonan nila. Ang kutis nitong mas maputi pa sa kutis niya at ang buhok nitong blonde.
Nginitian niya ito ng matamis. “Sorry, I don’t do dancing. And I’m waiting for my boyfriend.” Pagsisinungaling niya upang maitaboy lamang niya ito.
Nailing na napangiti naman ang lalaki na mukhang hindi naniniwala sa sinasabi niya. “You’re lying. It’s almost 2 hours since I saw you sitting here.” Halos mahirapang sabi ng lalaki sa kaniya.
Umiling siya. “Thanks for watching over me but, I was waiting for my boyfriend to finish his business with the owner of this bar.”
Tatalikuran na sana niya ang lalaki ng bigla siya nitong hawakan sa braso ng mahigpit. Nasasaktan siya sa pagkakahawak nito ngunit ayaw nitong bitiwan ang kamay niya. Pero bago pa siya makasigaw ay may humila na sa lalaki at bigla nalang bumulagta sa sahig. Napatakip siya ng bibig sa sobrang gulat.
Pero mas nagulat siya ng mapagtanto kung sino ang lalaking naging dahilan ng pagkakabulagta ng mamang nangungulit sa kaniya.
Inawat ng mga lalaking malapit sa kinaroroonan nila ang mamang nangungulit sa kaniya at si Edwin. Ni walang kahit na anong salitang binigkas si Edwin kahit na halata na sa mukha nito ang galit. Ngunit ang lalaki namang ngayon ay hawak na ng mga tao ay kung anu-ano na ang sinasabi na hindi na niya naiintindihan.
Nawala yata ang kalasingan niya dahil sa nangyari. For the first time in history, may lalaking nag-away dahil sa kaniya. At dahil sa sobrang gulat ay hindi na niya namalayan na hila-hila na pala siya ni Edwin palabas ng bar.
Pagkarating nila sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan ni Edwin ay hinarap niya ito. “Wala ka man lang bang sasabihin? Magalit ka naman sa akin at pagsabihan mo ako. Minsan naman bigyan mo ang sarili mo ng oras para magsalita at sabihin ang totoong nararamdaman mo. Hindi ‘yong nanghuhula kami kung galit ka ba, kung masaya ka ba, kung anuman ang tumatakbo sa utak mo.” Singhal niya dito. Pero hindi naman siya galit. Natutuwa pa nga siya dahil sa wakas mukhang napansin na rin siya ni Edwin.
Ipinilig lang ni Edwin ang ulo nito matapos niyang magsalita ng napakahaba. Akala niya ay hindi na ito magsasalita kaya tumalikod na siya ngunit nagulat siya ng marinig niya itong magsalita. “Don’t do that again.” Matigas na utos nito. Pero hindi niya ito maintindihan kaya nilingon niya ito ng nakakunot ang noo.
“What? Don’t do what?” tanong niya.
Bumuntong-hininga ito at lumapit sa kaniya. Para siyang naghahabol ng hininga dahil masyado na silang close. “Flirting.” Anito at amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito. Napapikit pa siya dahil sa ginawa nito. Pero napamulgat siya ng may maramdaman siyang kung ano sa labi niya. “What? His lips are with mine…” “Assuming ka ‘te, soft drinks lang ‘yan.” Oo, dahil itinapat ni Edwin sa bibig niya ang malamig na coke in can. “Drink it.” Pagkasabi nito iyon ay nauna na nitong tinungo ang naka-park na kotse.
BINABASA MO ANG
VEGA Siblings Series 2 (Cold Heart: Edwin)-COMPLETED
RomanceEdwin Kiel Vega *Mahaba na ang sampung salita para sa kaniya. *Palaging out-of-the-country. *Bunsong lalaki sa VEGA siblings. *No girlfriend since birth.