Hindi sila mayaman at hindi rin naman mahirap, kumbaga nasa middle class family sila, may kaya ika nga ng ibang tao kaya maswerte pa rin siya sa buhay. Nag-iisa lamang siyang anak kaya wala siyang problema sa atensyon ng mga magulang. Maging sa kaibigan niya ay maswerte siya, sino ba naman ang maniniwala na kaibigan niya si Noreen Veronica Vega, ang isa sa pinaka-hinahangaang babae sa campus nila. Pero tulad ng kaibigan, iisa lang din ang lalaking isinisigaw ng kaniyang puso at literal na isinisigaw sa buong mundo.
Pero katulad din ng kaibigan hindi siya sumuko kahit palagi itong wala, as in palaging out-of-the-country. Minsan nilang pinag-planuhan ng kaibigan ang pagdating nito ngunit napurnada lang. Pero may isang bagay siyang ginawa na siya lang ang nakakaalam.
Sa pagkakataon kayang ito, makuha na niya ang minimithi o hindi na niya mapainit ang kaniyang Cold Hearted man?
BINABASA MO ANG
VEGA Siblings Series 2 (Cold Heart: Edwin)-COMPLETED
RomanceEdwin Kiel Vega *Mahaba na ang sampung salita para sa kaniya. *Palaging out-of-the-country. *Bunsong lalaki sa VEGA siblings. *No girlfriend since birth.