Pagkaiwan sa kaniya ni Noreen sa condo unit ni Edwin ay agad siyang pumasok sa loob at inihanda ang dapat na ihanda. May dala siyang pagkain para sa kanilang dalawa na siya mismo ang nagluto. Mabuti nalang at kampi sa kaniya ang kapatid nitong si Noreen na kaibigan naman niya kaya heto siya at ginagawa ang lahat makuha lang niya ang pinakamamahal.
Kahit ano ay gagawin niya mapasakanya lang niya ito. Kaya naman heto siya at masayang inaayos ang sarili. Nagbihis siya. Isinuot niya ang damit na kakabili niya lamang kanina. It’s a red tube cocktail dress. Nagsindi siya ng kandila at inayos ang mesa sa gitna mismo ng silid. Candle light dinner ang set-up.
Inayos rin niya ang dalawang kopita sa magkabilang panig ng mesa at maging ang dalawang plato. Inilagay niya ang beef steak sa gitna ng mesa at pati na rin ang desert na buko pandan.
Siya mismo ang nagluto ng beef steak at siya mismo ang gumawa ng buko pandan. Paborito kasi ni Edwin ang buko pandan kaya iyon ang ginawa niya. Kahit na palaging nag-a-out of the country ito ay simpleng tao pa rin ang kaniyang sinisinta.
Nakangiting huminga siya ng malalim matapos maiayos ang lahat at umupo saglit sa paanan ng kama. Habang hinihintay ang pagdating ni Edwin ay pinagmasdan niya ang silid nito. Palibhasa ay hindi naman ito madalas maglagi dito kaya mukhang hindi natitirhan ang unit ni Edwin.
Ang alam niyang dating nito ay alas sais. Ngunit alas siyete na ay wala pa ring dumadating na Edwin.
Tumayo siya at nagtungo sa sala. Binuksan niya ang telebisyon at nanuod na lamang. Habang inuubos ang oras sa panunood ay biglang tumunog ang telepono ni Edwin. Nag-alangan siyang sagutin ito ngunit ng muling tumunog ay sinagot na rin niya.
“Hello?”
Pero tanging buntong-hininga ang kaniyang narinig. Naghintay siya ng ilang segundo ngunit hindi pa rin nagsasalita ang nasa kabilang linya.
“Edwin?” si Edwin lang kasi ang taong kilala niyang bilang ang mga salitang lumalabas sa bibig.
“Go home now.” utos nito at ni hindi man lang sumagot ng oo.
Lumabi siya. “Fine! How did you know I’m here?” tanong pa niya. Well, sira na nga ang plano nila ng kaibigan kaya wala na siyang magagawa.
“It’s getting late.” Imbes na sagutin siya ay iyon ang sinabi nito.
Bumuntong-hininga siya. “I know, sayang ang effort ko. Alam mo bang binili ko pa ang suot kong damit ngayon kanina lang? Alam kong wala kang pakialam, pero gusto ko lang naman na mas makilala mo pa ako, kaysa palagi mo nalang akong iniiwasan sa t’wing gumagawa ako ng paraan para makasama ka.”
Wala siyang narinig ni isang salita mula sa kabilang linya at tanging hininga lang nito ang naririnig niya kaya naman nagsalita na lamang siya ulit.
“Sige na nga, aayusin ko lang ang mga ikinalat ko dito bago ako uma…” he cut her off.
“Just leave.” Anito.
Napanganga siya. Kahit kailan talaga, walang mintis ang pananakit nito sa kaniya. Tumingin siya sa dingding kung saan naroon ang picture nito na siya din mismo ang naglagay. Ikinatutuwa niyang makita na hindi ito tinanggal ni Edwin. “Bakit ba, kahit ang cold mo sakin mahal pa rin kita?” nakalabing wika niya habang nakatingin sa larawan. Nakalimutan na niyang nasa kabilang linya pa din si Edwin.
“Tell Noreen to go home.” Sabi nito at in-end na nito ang tawag.
Muli na naman siyang napanganga. “Edwin… nakakaloka ka, ni hindi man lang nagwa-warning na nasa kabilang linya pa pala siya. Errr.” Muntik pa niyang maibato ang telepono. Mabuti nalang at naagapan niya.
“Hahalikan talaga kita ng bongga kapag dumaldal ka ng higit sa sampung salita in one sentence, Edwin. Pangako ko ‘yan.” Sumpa niya sa larawan nito bago niya idi-nial ang numero ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
VEGA Siblings Series 2 (Cold Heart: Edwin)-COMPLETED
RomanceEdwin Kiel Vega *Mahaba na ang sampung salita para sa kaniya. *Palaging out-of-the-country. *Bunsong lalaki sa VEGA siblings. *No girlfriend since birth.