Hindi mawala ang ngiti niya nang sabihin sa kaniya ni Edwin na simula ngayong araw na ito ay mine na ang magiging tawagan nila. Kahit na kasunduan lamang iyon ay sobrang natutuwa pa rin siya dahil kahit papaano, mararanasan niyang maging nobyo ang pinakamamahal niya.
Gusto siyang isama ni Edwin sa condo unit nito kanina pero tumanggi siya. May mga dapat pa siyang tapusin sa kaniyang opisina para na rin makapag-focus siya sa plano niya. Matagal na rin mula nang mayroong mangyari sa kanila ni Edwin. Para sa paningin ng ibang tao ay wala siyang dinadalang sakit sa dibdib, pero ang totoo ay sa tuwing nakikita at nakakausap ang lalaking tanging itinitibok ng puso niya ay halos gusto niyang magtatakbo palayo dito.
Oo totoong gusto niya itong makasama, pero ang makita mismo kay Edwin na wala silang pag-asa ay nadudurog ang puso niya. Lahat nagawa na niya. Ibinigay na niya dito ang lahat ngunit wala pa rin. Huling taya na niya ang pagkakataong ito. Kung ano man ang dahilan ni Edwin at siya pa ang kinakuntsaba nito para magpanggap na girlfriend nito sa harap ng childhood bestfriend nito ay wala na siyang pakialam. Ang importante ay ang kung ano man ang nasa isip niya.
Sa loob ng isang buwan, kailangan niyang makuha ang loob nito. May mga nag-improve na kay Edwin simula nang manggaling sila ng Italy. At magandang senyales iyon. Tulad nalang nang, nakakapag-salita na ito ng higit sa sampung salita in one sentence.
Lahat ng mga nakatambak na papeles sa kaniyang mesa ay inayos niya. Kailangan niyang pag-aralan ang lahat ng iyon. Lahat ng mga hiningi niyang document sa kaniyang assistant ay ibinigay naman nito at heto nga at kailangan niyang mabusising pag-aralan ito.
At dahil sa sobrang subsob siya sa kaniyang trabaho ay hindi na niya namalayan na alas-dos na pala ng hapon at kung hindi pa siya kinatok ng kaniyang secretary ay hindi pa niya malalaman na nalilipasan na pala siya ng gutom.
“Ms. Ces, may napapabigay po.” At agad na inilapag ni Anna, ang kaniyang secretary ang isang lunch box na may lamang pagkain. Transparent ang lunch box kaya kita niyang pagkain ang laman niyon.
Kumunot naman ang noo niya. Lalabas lang siya at konting lakad lamang ay makakakain na siya. “Sino naman ang may bigay nito?” tanong niya.
Ngumiti si Anna sa kaniya. “Ms. Ces, sino pa po ba? Edi ang boyfriend mo po.” Halata naman sa boses nito ang kilig.
Napanguso siya. Ano’ng ibig nitong sabihin? Na ikinalat na ni Edwin sa lahat na girlfriend na siya nito para maging makatotohanan ang pagpapanggap nila? “Si Edwin?” tanong pa niya dito upang makasiguro.
Sunud-sunod na pagtango ang natanggap niya mula kay Anna at todo pa ang pagngiti. “Sige po, enjoy your meal, Ms. Ces.” Anito at lumabas na ito ng opisina niya.
Pero bago pa man niya mabuksan ang lunch box at makita ang laman nito na alam naman niya kung ano ang laman kundi ang paborito niyang adobo ay tumunog na ang kaniyang cellphone. “Ces Miravelles.” Aniya nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang caller niya.
At dahil wala siyang narinig ni anuman sa kabilang linya kundi ang paghinga nito ay alam na niya kung sino.
“Thank you for the food. Ikaw ba ang nagluto?” masiglang sambit niya. Pero sa isip-isip niya ay huli na ito. Kailangan niyang maisagawa ang plano niya bago pa man siya maunahan ng balak ni Edwin sa kaniya.
Narinig niya itong tumikhim. “Yes.” Maiksing sagot nito.
Halos matawa siya. Balik na naman yata sa dati ang mahal niya. “From the heart pala ang pagkain ko ngayon. Thank you, Mine.” Hindi niya mapigilang hindi mapangiti. Nai-imagine niya kasi ang seryosong mukha ni Edwin.
![](https://img.wattpad.com/cover/26476677-288-k812713.jpg)
BINABASA MO ANG
VEGA Siblings Series 2 (Cold Heart: Edwin)-COMPLETED
Lãng mạnEdwin Kiel Vega *Mahaba na ang sampung salita para sa kaniya. *Palaging out-of-the-country. *Bunsong lalaki sa VEGA siblings. *No girlfriend since birth.