"PARE, good news! Good news!!!"
Kahit nasa kabilang bahagi ng mundo si Hector ay parang nasa harapan lang niya si Nate sa tono ng boses nito. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iinspeksyon sa isang oil drilling nang gambalain siya ng tawag nito. Mabilis siyang napangiti. Hindi ubrang hindi siya mahawa sa katuwaan nito.
"Magiging tatay ka na?" hula niya. Nate was already married. In fact, all his friends were now married. Siya na lang ang natitira kaya naman kapag umuuwi siya sa Pilipinas at nagkikita-kita sila ay siya ang nagiging sentro ng kantiyawan. Itinutulak na rin siya ng mga ito sa pag-aasawa.
Si Nate ang unang nag-asawa sa kanilang lahat bagaman si Joaquin ang unang nag-anunsyo noon ng engagement nito kay Trina. Nate and Hannah's story was whirlwind. Hannah even had a baby daughter in her previous relationship subalit lahat sila ay iginalang ang desisyon ni Nate na pakasalan ang babae. At sa nakikita naman niya ngayon, hindi nagkamali si Nate sa desisyon nito. Maligaya ito sa piling ni Hannah.
At hindi lang si Nate. Sina Joaquin at Pedro, maging sina Claudio at Isagani ay pawang masasaya na rin sa buhay pamilyado. Ang anim na magkakaibigan noon sa ampunan na nag-aaway-away din paminsan-minsan ay sumuong na sa pagpapamilya. Maliban nga lang sa kanya. And those five men were obviously happy in their married lives.
Sa ilang huling uwi niya sa Pilipinas, hindi na niya magawang ayain ang mga ito sa good time. Puro naging good boys! Kungsabagay, wala naman siyang maipipintas sa naging asawa ng mga ito bagaman may sari-sarili ring karakter sina Trina, Hannah, Sari, Celine at Bibi.
Tila sila naging isang malaking pamilya lalo at mayroon na ring anak ang iba sa kanila. Parang siya na nga ang naa-out of place. Lahat ng bata at tinatawag siyang Ninong. Napapangiti siya. Pero sa tingin niya ay walang kasingtamis ang ngiti nina Pedro, Nate at Isagani sa tuwing tinatawag ito ng matunog na Daddy ng mga anak nito.
Wala pang anak sina Joaquin at Trina at tila gusto pang mag-enjoy sa isa't isa. Si Claudio naman ay nagbibirong on marathon into conceiving si Celine. Kapwa sabik nang magkaanak agad ang dalawa.
"Hindi pa, pare," untag sa kanya ni Nate. "Hinihintay pa naming mag-four years old si Maggie bago sundan. Iba ito. Kailan ka uuwi?"
"Wala pang schedule. So, what's the good news? Kailangan pa bang umuwi muna ko bago mo ipaalam?" biro niya.
"Kailangan mong umuwi dahil hindi ako papayag na wala ka sa party. But I will tell you now. Nahanap ko na ang nanay ko, Hector! Nahanap ko na!"
Nalaglag ang panga niya. Labis siyang nagulat sa narinig niya. At hindi niya malaman ang sasabihin. Ni hindi nga rin niya malaman kung ano ang mararamdaman niya.
"'Langya, pare. Umiyak ako! Nang dalhin dito ng PI ang report, nakapagpigil pa ako. Pero nang sabihin ko kay Hannah, napaiyak na ako. Nagkausap na kami ng nanay ko. Everything is okay now. Shit, naiiyak na naman ako ngayon."
"Huwag kang gago," pinili niyang sa pabirong tono sa magsalita. "Bakit ka iiyak? Mabuti pa, eh, maglulundag ka sa tuwa."
"Ginawa ko na iyan. Pero naiyak pa rin ako. Magbibigay kami ni Hannah ng party. Ano, kailan ka uuwi? You have to come home."
Home? Where is home? he said to himself bitterly.
"Tawagan mo ako sa makalawa. Aayusin ko muna ang trabahong iiwan ko dito then I'll arrange my flight."
"Ayos, pare. Reunion na naman natin ito."
"O-oo nga. Congratulations! Masaya ako para sa iyo."
"Thanks, Hector. Come home soon."
Nang maputol ang kanilang pag-uusap ay tinungo ni Hector ang kanyang sasakyan. Doon siya nanahimik ng matagal na sandali. Yes, he was indeed happy for Nate. Pero hindi rin niya maiwasang managhili.
Nakita na ni Nathaniel ang magulang nito. But how about him?
Sa kanilang dalawa ay higit siyang may pag-asa sana na makita ang pamilya. Sa kanilang dalawa ay si Nate itong tila maghahanap ng karayom sa bunton ng dayami subalit mas una pa itong nakatagpo ng pamilya.
Hindi niya maiwasang pangiliran ng luha. Nangungulila pa rin siya sa tunay na mga magulang hanggang sa ngayon. Worst, hindi pa rin niya maalala ang kanyang pinagmulan.
Ilang paghinga ang ginawa niya. Gusto niyang maging magaan ang kanyang kalooban kahit na nga ba tila isang toneladang graba ang nakadagan sa kanyang dibdib. Pilit niyang itinulak palabas sa kanyang sistema ang pananaghiling nararamdaman. Pinili niyang tingnan ang positibong bahagi yaman din lamang at masaya siya para kay Nate.
Then it hit him.
Kung si Nate na tila naghahanap ng karayom sa bunton ng dayami ay nakita ang ina, di lalo na siya.
Binuhay niya ang makina ng sasakyan at tinungo ang main office ng kumpanyang nagmimina ng langis.
"LAGING bukas ang pinto ng kumpanyang ito para sa iyo, Matthew," sabi kay Hector ng matandang co-owner ng kumpanyang iyon na Filipino rin. Kilala siya bilang Matthew sa kumpanyang iyon. Nang umalis siya sa ampunan, binigyan siya ng ibang pangalan ng naging pangalawa niyang magulang. Nakasanayan na rin niyang Matthew ang tawag sa kanya ng marami subalit sa puso at isip niya, hindi niya nakakalimutang Hector ang totoong pangalan niya."Salamat, Boss," sabi ni Hector dito. "Babalik ako pero hindi ko masasabi kung kailan. This time, tututukan ko na talaga ang paghahanap." Parang ama na niya kung ituring si Engineer Ric Asuncion. At totoong nagulat ito nang ihayag niya ang biglaang pamamaalam sa trabaho. Magre-resign siyang talaga subalit pinigilan siya nito. Sa halip, isang indefinite leave ang ibinigay nito sa kanya. Nanghihinayang itong mawala siya sa kumpanya.
"Good luck, hijo. Balitaan mo na lang ako."
Tumango siya. Kinuha niya ang ilang pesonal na gamit sa opisina at nagpaalam sa mga kasamahan. Magkakahalo na roon ang Arabo at Asyanong empleyada. Karamihan ay mga Pinoy din. Nagulat ang mga ito sapagkat isa siya sa pinakamagaling na inhinyero sa kumpanyang iyon at malaki ang tsansa niyang ma-promote pa. Pero si Engr. Asuncion lang ang pinagsabihan niya ng totoong rason niya.
Pero malayo sa kanya ang pagsisisi. Anhin na lang niya ay makauwi na agad ng Pilipinas. Mabilis niyang inayos ang lahat ng iiwan niya. Ilang personal na gamit lang ang pinagkaabalahan niyang dalhin then he headed to the airport. He was so excited to come home.
Yes, I'm going home, he said to himself. I'm gonna find my true home.
--- itutuloy ---
Maraming salamat sa pagbabasa.
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals
BINABASA MO ANG
LA CASA DE AMOR - HECTOR
RomanceMahal na mahal nina Hector at Gemma ang isa't isa. Iyon nga lang, hadlang ang mama ni Gemma. Ayaw nito sa kanya dahil ang gusto nito para sa dalaga ay ay isang lalaking kapantay nito ang estado ng buhay. Mayaman, sa madali't sabi. At dahil naging co...