3

894 55 2
                                    

"BIGLAAN yata ang pag-uwi mo?"

Nagulat pa si Hector nang tabihan siya nito sa inuupuan niya sa departure area. She was Irene, his officemate and his girlfriend. Isang taon na rin ang kanilang relasyon. Wala ito sa opisina kanina. At nawala rin sa loob niyang magpaalam dito. Masyado siyang nakatuon sa takdang pag-uwi at lalo na sa pakay niya sa pag-uwi niyang iyon.

"You're here," sabi na lang niya. Wala siyang balak na magpaliwanag pa dahil hindi naman bibilhin ni Irene iyon. Isa pa, guilty naman siyang talaga. "Akala ko nasa project ka?" kagaya niya ay engineer din ito. And she was a very good engineer para makapasok sa kanilang kumpanya bilang inhinyero din.

"Uuwi din ako," sabi nitong tumabi sa kanya. "Schedule ko naman talagang umuwi next week, di ba? Natapos na kami kagabi. I was dead tired kaya hindi na ko nakatawag sa iyo. Katatawag ko lang sa office at doon nga kita hinanap. Nalaman ko na lang na uuwi ka pala." Tiningnan siya nito na nanunumbat. "Bakit bigla kang nag-leave?"

"Tumawag si Mama. Mayroon daw kaming importanteng aasikasuhin," dahilan niya. Walang alam si Irene tungkol sa pagiging ampon niya. At hindi pa niya naiisip na dapat na niyang ipaalam dito ang tungkol doon. Para sa kanya ay maselan ang paksang iyon. Maski sa mismong bahay nila, hindi binubuksan ang tungkol doon.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Irene. "Ano iyon, Matt?" expectant ang naging anyon nito.

Paiwas siyang tumingin. "Hindi ko pa masabi, Irene."

"Hindi kaya tungkol sa kasal natin?" deirektang sabi na nito.

Noong isang buwan ay dinalaw siya ng kanyang mama sa kanyang trabaho. Bahagi iyon ng pribilehiyo niya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan. Naipakilala na niya ang dalawang babae sa isa't isa. At nagustuhan ni Barbara si Irene. Tinanong na siya noon ni Barbara ng tungkol sa kasal. Pero wala pa sa kanyang plano ang tungkol doon.

Pinagmasdan niya si Irene. Ngayon ay tiyak na niyang magkamali lang siyang magbanggit dito ng tungkol sa kasal ay tiyak na papayag ito. He wasn't allergic to that idea but he was not seeing himself married in the near future.

Kaswal siyang nagkibit ng balikat. "Honestly, I don't have any idea," sagot niya.

"Magkikita kami uli ni Mama," ani Irene na puno ng excitement ang mukha. Mama na rin ang tawag nito sa mama niya. She felt so at ease with Barbara. Isang bagay na hindi niya alam kung ikatutuwa o ikalulungkot. Ilang taon na ring ulila sa sariling ina si Irene at tiya na lang nito ang pamilyang iniwan sa Pilipinas.

"Sure. Sasabihin ko sa kanyang umuwi ka rin."

"Tiyak na matutuwa iyon. Nag-text kami noong isang araw. Sinabi ko sa kanyang pauwi ako. Pero magugulat iyon kapag nalamang maaga akong umuwi. At magkasabay pa tayo." She grinned.

Narinig nila sa public address system na dapat na silang sumakay. Tumindig na siya. At kusa na rin niyang binuhat ang hand-carry bag ni Irene.

"Too bad magkalayo ang upuan natin," sabi nito.

Fine with me, sabi na lang ni Hector sa sarili. Kahit girlfriend niya si Irene, mas pipiliin niyang mapag-isa sa pag-uwing iyon. He wanted a few hours of solitude to himself. Kung makakatabi niya si Irene, mauubos ang oras sa kanilang kuwentuhan.

"Paglapag ng eroplano, magkasama uli tayo. Ihahatid na kita sa Marikina."

"Sige."

Sa loob ng eroplano, pumirmi lang si Irene sa upuan nito nang lilipad na sila.



"MATTHEW, hijo. This is a surprise!" gulat na gulat na sabi kay Hector ng kinikilala niyang pangalawang ina. Bumuka ang mga matatabang bisig ni Barbara Lim at sinalubong siya ng yakap. "Hindi mo sinabing uuwi ka, anak. Sana'y nasundo kita."

LA CASA DE AMOR - HECTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon