15

692 42 2
                                    

ILANG sandali na nakadagan lang si Hector kay Gemma, habol ang kanyang paghinga. His heart was beating fast. At sa buong katawan niya ay ramdam pa niya ang labis na kaligayahang nadama.

Lord, it was his very first time. And it was such a very delicious first time.

Pumikit siya at ninamnam pa ang sensasyong nadarama.

Nagitla pa siya nang maramdamang itinutulak siya ni Gemma. Bahagya siyang umangat. "Bakit?" tanong niya na muntik pang mapapiyok. Tila hindi niya tinig ang narinig. It seemed his voice was also affected in having such a powerful climax.

"Mabigat ka, eh."

Napatawa siya nang mahina at umusod sa tabi nito. Hindi siya humiwalay ng hawak sa dalaga. Yakap pa rin niya ito sa bewang at humilig siya dito.

"I love you, Gem," deklara niya. God, he indeed loved her more now. They shared a very special experience. It was both their first time and it was wonderful. "Masakit pa ba, Gem?" he asked her softly.

"Medyo."

"Galit ka ba?"

Umiling ito. "Bakit naman ako magagalit?"

"Nasaktan ka, eh. Saka baka sabihin mong pinilit kita."

"Matt, I love you too. I wanted it too." At pagkuwa ay ngumiti ito. "Sina Jillian nga, dati pa itong ginagawa. Ang dami nilang kinukuwento sa akin. I thought this was gross. But I found otherwise now." At nauwi sa paghagikgik ang ngiti nito.

Maluwang ang ngiting gumuhit sa mga labi niya. "Talking from first-hand experience now?" tudyo niya.

Tinampal siya nito nang mahina. "Ano iyan?" tanong nito at sinalat ang keloidal scar niya sa bandang kilikili.

"Peklat," kaswal na sagot niya. "Pangit, 'no?"

"Napaano iyan?"

"Ewan ko. Hindi ko na matandaan."

Totoong hindi na niya matandaan kung saan niya nakuha ang peklat na iyon. Noong bago siya sa La Casa De Amor ay tinatanong din siya ng mga kaibigan tungkol doon pero hindi siya makasagot. Hindi niya matandaan kung peklat na niya iyon bago siya kinidnap o naging peklat na lang niya iyon nang kidnapin na siya.

Sinalat pa ni Gemma ang peklat niya. "Look. Parang bakas ng daliri. Siguro hinawakan ka diyan."

"Malamang." Marahang pinalis niya ang kamay nito at niyakap ito. "I love you," he said again. At tiyak niya ngayong ulit-ulitin man niya ang salitang iyon ay hindi siya magsasawa.

"I love you, too, Matt."

He embraced her. Sasabihin na niya kay Gemma ang tungkol sa kanya. Malamang ay mas magiging masarap sa pandinig niya kung tatawagin siya nitong Hector. But he would wait for some time more. Masarap sa pakiramdam na ganoon lang ang ayos nila. Magkayakap, kuntentong-kuntento.

Mayamaya ay umisod palayo sa kanya si Gemma. Halos awtomatiko ang pagkabig niya dito. Anhin na lang niya ay huwag silang magkahiwalay kahit sa maliit na distansya lang. subalit mabilis nang bumaba ng kama si Gemma hila ang kumot upang ipantabing sa katawan.

"Saan ka pupunta?"

"Magsi-CR lang ako."

Mabilis siyang kumilos. "Samahan kita."

Bumungisngis si Gemma. "Ayoko nga. Diyan ka na lang."

Pero tila wala siyang narinig. Nakaibis na siya ng kama at balewalang humarap dito nang walang anumang saplot.

"Matt! Nakahubo ka," tila manghang tili ni Gemma.

Siya naman ang natawa sa pagkakataong iyon. "Pareho lang tayo. Ikaw din naman, ah." At walang babala na hinila niya ang kumot na nakabalabal dito.

LA CASA DE AMOR - HECTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon