ISANG linggo lang ang lumipas at sinabi sa kanya nina George at Rainier na napasagot na ng mga ito sina Kaye at Jillian. Hindi siya makapaniwala pero nakita naman niya ang ebidensya. Hindi na nakaingos ang dalawang babae. Bagkus, tila aabot na sa tenga ang mga ngiti.
Pero hindi pa rin dumikit si Hector sa mga ito. Sa sumunod pang mga araw ay naging constant sight na sa campus ang lima. Gemma looked like a fifth wheel. At habang hindi naman iniinda ni Gemma iyon, ang dalawang kaibigan nito ang problematic sa sitwasyong iyon.
"Pare, sumama ka sa amin," aya ni George sa kanya.
"Welcome na ba ako sa dalawang maldita?" pabirong sabi niya.
"Mababait din pala," sabi ni Rainier. "Sa una lang suplada."
"Kungsabagay, ang bilis ninyong napasagot."
"Siyempre, iba kapag tutok. Araw-arawin ba naman, eh," ani George, tila nagyayabang.
"'Tado ka, baka mamaya, sasamantalahin mo naman? Makakarma ka niyan," paalala niya dito.
"Pare, hindi! Actually, tinamaan din ako dito." Itinapat nito ang isinarang palad sa dibdib. "In love na ako kay Kaye."
"Ako man. Seryoso na ako kay Jillian," sabi ni Rainier.
"Iyong dalawa ba, seryoso sa inyo?" tanong niya.
"Oo naman. We talked about it," sabi ni George. "Goodbye na ako sa girls watching. Kami na ni Kaye palagi ang magkasama sa vacant period."
"Same with us," ani Rainier. "Problema nga tuloy ni Jillian si Gemma. Siyempre, walang partner si Gemma. Nagiging unwanted baggage siya."
"Ano?" napataas ang tinig niya. Mapait sa panlasa niya na tila itinataboy ngayon ng dalawang babae ang minamahal niya. But then, nakita niya agad ang bentahe niyon. "Kaya ninyo ba ako isinasama?"
"Originally, idea ko ito, di ba?" sabi ni Rainier. "Papapelan namin iyong dalawang babae para maka-score ka kay Gemma. It's happening now. Only, our feelings got involved. Okay na rin. Favorable pa rin sa atin ang end result, di ba?"
"Philosophy and logic ba iyan?' kantiyaw dito ni George.
"'Tado!" ani Rainier bago bumaling uli sa kanya. "Matt, pagkakataon mo na ito. Makakalapit ka na kay Gemma. Legal na legal kasi gusto nina Jillian na magkaroon din ng partner si Gemma."
"Saka gusto din nila na magkaroon din kami ng konting privacy. Palagi kaming lima kapag lumakad," Sali ni George.
"Dahil kay Gemma?" kunot-noong sabi niya.
"Yes, at huwag kang magalit, okay?" si Rainier uli at tinapik siya nito sa balikat. "By the way, congrats! Okay na kayo ni Gemma, di ba? Bilib din ako sa inyo. Ang galing ninyong magtago. Walang kaalam-alam iyong dalawa sa inyo. Ang akala nina Jillian, puro aral lang ang inaatupag ni Gemma."
Napangiti na siya. "O, sige, sasama na ako sa inyo. Pero teka, paano iyong mama ni Gemma? Baka naman trap lang iyan? Baka sina Kaye din ang magsusumbong sa mama ni Gemma na nakikipaglapit na si Gemma sa ibang lalaki?"
"Guwag kang mag-alala, pare. Hindi sila ganoon.besides, magde-debut na si Gemma. Kapag eighteen na siya, papayagan na siyang mag-entertain ng manliligaw. Medyo made-demote ka lang ng konti. From being a boyfriend down to suitor level but at least, puwede ka pa ring dumikit sa kanya."
"Sigurado kayo, ha? Baka mamaya si Gemma ang mapapahamak dito?"
Napapalatak si George. "Naks! Talagang si Gemma ang number one concern niya."
"Siyempre, mahal ko iyon!" nagmamalaking sagot niya.
BINABASA MO ANG
LA CASA DE AMOR - HECTOR
RomanceMahal na mahal nina Hector at Gemma ang isa't isa. Iyon nga lang, hadlang ang mama ni Gemma. Ayaw nito sa kanya dahil ang gusto nito para sa dalaga ay ay isang lalaking kapantay nito ang estado ng buhay. Mayaman, sa madali't sabi. At dahil naging co...