20

695 45 3
                                    

Twelve years ago...

NAALIMPUNGATAN si Gemma sa kung anong ingay. Hahabulin pa sana niya ang nararamdamang antok nang maulinigan ang boss ng ina. Kagyat na gumapang ang takot sa buong katawan niya. Tila namanhid siya at hindi agad nakakilos. Namataan niya ang mga damit niyang nagkalat sa silid. Pero bago pa siya ganap na makakilos upang pulutin iyon at isuot ay bigla nang bumukas ang pinto.

"Punyeta!" malutong na tungayaw nang mama niya at pasugod nang pumasok sa loob.

Parang lalo siyang namanhid. Mabilis na hinila ng mama niya ang buhok niya at saka siya pinagsasampal. Nakagat niya ang kanyang mga labi. Masakit ang bawat pagdapo ng palad nito sa kanyang pisngi subalit mas masakit ang pagkakasugat ng kanyang puso.

Hindi siya masyadong makapag-isip subalit mayroong isang solidong tanong sa isip niya. Nasaan si Matthew? Bakit bigla na lang na naririto ang kanyang mama?

"Punyeta kang bata ka!" galit na galit na sabi ng kanyang mama. "Anong kaletsehan ito? Nasaan ang utak mo? Nag-isip ka ba nang matino bago mo ginawa ito?" at muli ay ang hindi mabilang na pagsampal at pagsabunot nito sa kanya.

Hindi siya lumaban. Ni hindi siya umiwas sa bawat pananakit ng kanyang ina. Panay lang ang tulo ng kanyang luha. At ang sinikap lang niyang gawin ay huwag matanggal sa kanyang katawan ang kumot na itinatabing niya sa kanyang kahubaran.

"Magbihis ka!" hininaaan ng kanyang mama ang tinig. "Dalian mo!" at itinulak siya nito kung saan nakakalat ang damit niya.

Wala ring kibo na dinampot niya ang mga damit. Halos manginig ang mga kamay niyang habang isinusuot iyon. Hindi siya iniiwan ng kanyang mama. At sa mahinang tinig ay puro pagmumura pa rin ang lumalabas sa bibig nito.

"Ayusin mo iyang buhok mo," padaskol na sabi nito.

Bahagya lang niyang sinuklay iyon at mabilis na itinali. Ni wala ang isip niya doon. Si Matthew ang hinahanap niya. Natulog siyang si Matthew ang kayakap niya. She was even having a beautiful dream with him.

Bakit ang mama niya ngayon ang naririto?

At alam niyang hindi doon lang matatapos ang galit ng kanyang mama.

"Tara na," wika ng mama niya.

Halos ayaw niyang humakbang. Matt, where are you?

Kinaladkad siya ng mama niya patungo sa pinto. "Umayos ka, Gemmalyn, kung ayaw mong mapahiya sa harap ng ibang tao," banta nito sa kanya.

Napapikit siya nang mariin. Para bang hindi pa siya mapapahiya sa sitwasyong iyon. Damn you, Matt! Nasaan ka? Akala ko ba magtatanan tayo? Akala ko ba hindi tayo maghihiwalay? Akala ko ba mahal mo ako?

Hindi niya nagawang isatinig ang alinman sa mga salitang iyon. Napaiyak na lang siya uli. At nang lumabas sila ng pinto ay nakita niyang napapagitnaan si Matthew ng mga magulang nito marahil.

"Gem." He called her.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang galit na sumulak sa kanya pagkarinig sa tinig na iyon ng binata. Buhat sa pagkakayuko niya ay nag-angat siya ng mukha.

At kung magagawa lang niyang patayin ng titig niya si Matthew ay pinatay na niya ito.

She hated him that instant. He betrayed her.

Hindi niya ito mapapatawad kahit kailan.



"HINDI KA na babalik sa eskuwelahang iyon," matigas ang tonong sabi ng kanyang ina.

"Paano ang pag-aaral ko, Mama?" tanong niya sa boses na halos hindi magawang lumabas sa bibig niya. Paos na paos siya sa pag-iyak. Mugtong-mugto rin ang kanyang mga mata.

LA CASA DE AMOR - HECTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon