"Edi wow, Rhui,"
Ini-snob-an ko si Rhui at bumalik sa pwesto ko kanina, kung nasaan si Josell.
Ngumiti ako sa kaniya nang tumingin siya sa akin. Ramdam kong sumunod sa akin si Rhui.
"Hi," he greeted Josell, he was smiling widely at her. Pinagmasdan ko siya habang sinusubukan niyang kausapin ito.
Nang sumagot si Josell ay mas lalo siyang napangiti. Napailing ako at hinayaan silang dalawa roon. Pumunta ako sa pwesto ni Wyne.
"Anong isda ang ginagamit panulat?" Tanong niya at kaagad na nagturo ng sasagot. Umiling 'yong tinuro niya kaya nagturo ulit siya ng panibagong sasagot pero kaagad ding umiling 'yong itinuro niya.
"Bakit hindi niyo alam?!" Tumawa siya at inayos ang buhok niya.
"Ano po ba ang sagot?" Tanong ng isang bata.
"Edi lafish! La-fish!" Ipinaliwanag niya pa 'yon sa mga bata hanggang sa magtawanan sila. Napailing nalang ako sa ka-cornyhan ng joke niya.
Nakita ko si Charlotte na nakaupo doon sa gilid kaya nilapitan ko siya.
"Uy," bati ko sa kaniya. Napatingin siya kaagad sa akin at ngumiti nang bahagya.
"Hello," she greeted me.
"Hello? Ano 'to?! Bagong kakilala?!" Natawa ako sa bungad niya sa akin. Hello raw, amp.
We just sat there and watched everyone having fun. Mayumi was talking to the girls while Wyne was laughing with the boys. On the other hand, Alvin was holding a camera, probably taking a picture.
"Who is he?" Biglang tanong ni Charlotte. Muntik ko nang malimutan na katabi ko siya!
"Sino?" Tanong ko sa kaniya, hindi alam kung anong itinatanong niya.
"That man," inginuso niya si Rhui na busy sa pakikipag-usap kay Josell na ngayon ay ngumingiti na. Napangiti rin tuloy ako.
"You're smiling. Iba na 'yan, Jilyn," nakatingin na pala siya sa akin nang lingunin ko siya. Umiling ako at umirap.
Wala akong balak sabihin kahit na kanino na may nag-dare sa amin na maging kami. Ayoko ngang sabihin sa iba. They won't understand it.
"So, sino siya?" Tanong niya ulit. Hindi talaga 'to titigil hanggat hindi nakakakuha ng sagot galing sa'kin.
"A friend," sagot ko nalang at nagkibit-balikat.
Tinignan niya ako, nakangisi. Alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Charlotte may look like she doesn't care about her surroundings but she really does. Alam niya kung anong nangyayari sa paligid niya kaya walang kawala ang kahit na sino sa kaniya. Bago niya tanungin, alam niya na ang totoo.
"A friend..." She nodded. I know that she's not convinced of what I've said to her. "Okay. Just be careful because sometimes a friend will be the most painful we ever had."
After that, she walked away and just waved her hand as a sign of farewell. Bumalik na lang din naman ako roon kina Rhui at Josell. Nang maghapon na ay nag-ayos na kami para umuwi.
"Aalis na po kayo?" Napatingin ako kay Josell nang pumunta siya sa pwesto ni Rhui para magtanong.
Ngumiti si Rhui at umupo para mapantayan si Josell. Tumango siya bilang sagot sa bata.
"Okay po, ingat." She smiled and I can't help but to smile also. She's very pretty. She looked at me and her smile vanished. Seryoso niya akong tinignan habang ako ay nakangiti pa rin. Inilipat niya ang tingin kay Rhui.
"Bagay po kayo." Sabi niya at nagtakip ng bibig, pinipigilan ang matawa. Napailing ako at kinurot ang pisngi niya.
"Ang kulit mo," sabi ko. Inalis ni Rhui ang kamay ko at pinandilatan ako ng mata. Matapos kaming pagmasdan ni Josell ay nagpaalam siya na papasok na raw sila sa loob.
YOU ARE READING
Diving in Love (Tale of Love Series #2)
RomanceTALE OF LOVE SERIES #2 Jilyn Anesto, a woman who believed that true love doesn't even exist in this world due to what happened between her parents not until this man named Rhui Ventura who owned a diary came and changed her perspective in life.