"Anthony, gusto mo ng ka—" Natigilan ako nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ni Anthony.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Pinagkrus ko ang braso ko at nagtaas ng kilay. "Sinabihan mo ako ng nabagtit nu'ng huli tayong nagkita."
"Magkakilala kayo?" Si Anthony ang unang nagsalita sa kanilang dalawa.
"Sinabihan ako n'yang nabaliw daw. Ang kapal ng mukha," nanghahamon akong tumingin sa kan'ya.
His eyebrows creased. "Bakit hindi ba?" Hindi siya nagpatalo, tinignan niya rin ako kung paano ko siya tignan.
"Mukha ba akong baliw? Kung baliw ako baka kanina pa kita sinunggaban!"
Anthony and the other guy looked at me, para bang may mali sa sinabi ko. Unti-unti ay nawala ang tapang sa mukha ko, naiintindihan na kung bakit gano'n ang inasta nila.
"H-Hindi gano'n ang ibig kong sabihin! Mga green minded!" I tried to stop them from thinking about it.
Alam kong iba ang iniisip nila!
Tumawa si Anthony at inakbayan iyong lalaki. "Si Ben nga pala, Jilyn. Ben, si Jilyn." Pinakilala niya kaming dalawa sa isa't-isa.
Inabot ni Anthony sa akin ang kamay ni Ben pero tinitigan ko lang 'yon, walang balak na abutin. Naramdaman yata ni Anthony na wala akong balak na abutin 'yon kaya siya na mismo ang humila ng kamay ko para makipag-shake hands sa lalaking kasama niya.
"Wala akong pakialam kung sino siya." Binawi ko ang kamay ko at akmang tatalikod nang magsalita ang lalaking nagngangalang Ben.
"Sungit, pangit naman."
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kan'ya. Mauubos lang ang energy ko dahil sa kan'ya. Wala rin naman akong interes na kausapin siya dahil bukod sa mukha siyang boring na tao, mukhang hindi naman kami magkakasundo.
Unang kita ko pa lang sa kan'ya, hindi ko na gusto 'yung vibe niya. Parang anytime magsasabong kami at wala na akong oras para pa roon.
The next day, I just saw myself in front of the sea.
Sino pa ba ang dahilan kung bakit ako nandito? Edi ang pinsan ko. Si Anthony ang nagyaya sa akin dito. He said that it was really his decision to go to the sea before he go back to Manila.
Unang tapak ko sa buhangin sa entrance ng resort, I was hesitating. The last time I went to the sea, it was traumatizing. Hindi ko inasahan na ganoon ang madadatnan ko. Now, I was really afraid na baka maulit 'yon.
"Apay? Ayos ka lang?" Anthony asked me as they both stopped.
Yes, Ben was with us. Hindi ko rin alam kung paanong kasama siya.
"Wala. M-May naalala lang ako." I could feel how my heartbeat fast.
Lahat ng nangyari noon ay parang bumalik sa utak ko pero sinubukan kong i-focus ang sarili ko sa ngayon. I keep telling to myself na hindi na ulit iyon mangyayari. Ilang beses rin akong huminga nang malalim para mawala ang takot na nararamdaman ko. Pinaalalahanan ko rin ang sarili ko na iwan na 'yung kung ano man ang naganap noon.
Tangina, Jilyn. You can't always live like this. Kailangan mong kalimutan 'yung nangyari. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mauulit 'yon.
"Magmulat ka ng mata. Bagtit." Unti-unti ay iminulat ko ang mata ko nang magsalita sa tabi ko si Ben.
"Nasaan si Anthony?" Tanong ko.
Hindi kasi namin siya kasama. 'Di ko naman napansin kung saan siya pumunta dahil nang makapasok kami ay ipinikit ko ang mata ko, takot na baka makita ko ang mga nangyari noon.
YOU ARE READING
Diving in Love (Tale of Love Series #2)
RomansaTALE OF LOVE SERIES #2 Jilyn Anesto, a woman who believed that true love doesn't even exist in this world due to what happened between her parents not until this man named Rhui Ventura who owned a diary came and changed her perspective in life.