"Ang tagal mo maligo, Annikah! Kanina ka pa riyan!"
Panenermon ko sa kapatid ko dahil sa sobrang tagal niyang maligo. Sanay na ako na ganyan siya kada maliligo kasi tuwang-tuwa siya kapag nakikita ang tubig na umaagos. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon siya. Ang tagal niya laging maligo, mas matagal pa sa 'kin. Minsan naiinis na nga ako.
Rinig ko pa rin ang pag-agos ng tubig mula sa loob ng CR.
"Ate, wait lang naman! Kapapasok pa lang, eh!" Malakas na sigaw niya para marinig ko.
Hinayaan ko nalang siya at tinawag si Lola dahil kakain na. Pupunta sila ngayon sa bahay ni Papa dahil doon namin sasalubungin ang bagong taon. Ganoon naman lagi ang ginagawa namin dati pa, sinusundo pa nga namin si Annikah sa bahay nina Mama.
"Ang tagal mo," singhal ko kay Annikah matapos niyang maligo. Nakabihis na rin siya.
"Parang hindi ka pa nasanay riyan sa kapatid mo, Anjilyn. Alam mo namang tuwang-tuwa sa tubig 'yang batang 'yan," natatawang sabat ni Lola sa usapan naming magkapatid. At ang kapatid ko ay natatawa na lang sa sinasabi ni Lola. Totoo naman kasi.
She loves the water so much.
"Ate, ang blooming mo na. May nagpapangiti na ba sa 'yo ulit?" Bumagal ang pagnguya ko dahil sa hindi inaasahang pagsasalita ng kapatid ko.
"Oo nga, Apo. Parang napakaganda mo ngayon," gatong pa ni Lola.
Napangiwi ako sa sinabi nila pero kaagad ding umiling. "Guys, normal na 'tong ganda ko. At 'yung sinasabi niyong blooming? Ganiyan talaga kapag magaganda," natawa sila pareho sa sagot ko.
"Seryoso ako," hindi ako makairap dahil nasa harap kami ng pagkain. Hindi na sila nagsalita pa, nakangiti na lang naming tinapos ang pagkain.
Nang makarinig kami ng busina ay alam na kaagad namin kung sino 'yon. Si Ference. Siya kasi ang susundo sa kanila, wala naman daw siyang ginagawa ngayon kaya nag-prisinta siya.
"Hindi ka sasama?" Tanong niya sa akin nang mapansin na hindi ako nakabihis. Umiling ako bilang sagot. "Bakit?" Pagtatanong niya ulit.
"Kakausapin ko sina Charlotte, eh," pagdadahilan ko. Pero totoo naman 'yon dahil ang sabi ni Mayumi ay tatawag siya mamaya.
Tumango siya at nag-iwas ng tingin. "Sige, alis na kami," tumalikod siya at naglakad palabas ng bahay.
Kumunod kaagad ang noo ko, hindi maintindihan kung bakit parang ang tahimik niya ngayon. Eh, dati naman kapag nakikita niya ako, sobrang taas ng energy niya. Tapos ngayon ay parang lantang gulay, ano kayang problema niya?
Lumabas na sina Annikah kaya sumunod ako sa kanila para tignan ang pag-alis nila. Tatanungin ko na rin si Ference kung okay lang ba siya.
"Aalis na kami, isarado mo ang pinto, Anjilyn. Huwag kang magpapapasok ng kung sinu-sino, huh? I-lock mo ang pinto baka may kung sinong pumasok sa loob. Atsaka kapag-"
"Lola... Opo." Tumango ako kay Lola para putulin ang mga sasabihin niya. Alam ko na lahat ng 'yon.
"Oh sige," ngumiti siya sa akin atsaka pumasok sa loob ng sasakyan. Nasa loob na rin si Annikah.
Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Ference kaya ngumiti ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin nang bahagya, hindi ko nga lang sure kung ngiti ba 'yon o kung ano.
"Hoy," mahinang tawag ko sa kaniya nang akmang papasok na siya sa sasakyan. Napahinto siya at nilingon ako, nakataas ang dalawang kilay, nagtatanong. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko.
"Oo naman," pinilit niyang pasiglahin ang boses niya pero alam kong hindi siya ayos. Halatang ayaw niyang magsabi. Ayoko rin naman mamilit ng taong ayaw naman magsabi ng totoo.
YOU ARE READING
Diving in Love (Tale of Love Series #2)
Roman d'amourTALE OF LOVE SERIES #2 Jilyn Anesto, a woman who believed that true love doesn't even exist in this world due to what happened between her parents not until this man named Rhui Ventura who owned a diary came and changed her perspective in life.