Chapter 27

17 0 0
                                    

Ang daming nangyari. Masakit pa rin. Halos isang buwan na pero 'yung sakit parang hindi nawawala. 'Yung pakiramdam na mag-isa lang ako, 'yung pakiramdam na parang lahat iniwan na ako at 'yung pakiramdam na parang wala nang halaga ang buhay ko.

Lumipas ang mga araw pero ang madalas ko lang gawin ay ang magpabalik-balik sa puntod ni Annikah. Pinagsasabihan na nga ako ni Papa na kailangan ko raw i-tuloy ang buhay ko. Ilang beses na rin akong ipinagtanggol ni Tita Flor sa kan'ya. Sinasabi na intindihin daw 'yung kalagayan ko.

"Bakit? Sa tingin n'yo ba hindi rin ako nasasaktan sa mga nangyayari?" Masakit marinig kay Papa 'yon. Hindi naman kasi siya mahilig magpakita ng nararamdaman niya. Hindi rin siya madaling mabasa dahil kung kaya n'yang manahimik lang, tatahimik lang siya. Ngayon ko lang siya nakita na sobrang nasasaktan.

Matapos niyang sabihin 'yon ay wala nang sumunod na salita. Tumalikod siya sa amin at umakyat sa kwarto nila. Ayaw na ayaw niya talagang ipakita na mahina siya. Hindi ko man siya ganoong ka-close pero alam ko… dahil tatay ko siya.

Hindi doon natapos ang lahat. Isang araw gumising akong pinagpapawisan at umiiyak. Napanaginipan ko ang kapatid ko. She was calling me. She was asking for help. She was crying in pain. Nakita ko siya. Parang totoo, parang nasa harapan ko talaga siya. Tulo lang nang tulo ang luha ko at umiiyak nang walang tunog. Natulala ako at napapikit, inaaalala ang itsura ng kapatid ko. Unti-unti, lumakas ang iyak ko. Nanginginig ako. Yakap-yakap ko ang sarili at hindi malaman ang dapat gawin. I could still hear my sister's voice. Tinatawag niya ako.

"Annikah…" Bulong ko.

"Jilyn!"

Dumako ang tingin ko sa pinto at nakita ko ang nagmamadaling si Ference. Sunod ay si Papa at Tita Flor. Ang babae agad ang lumapit sa akin at niyakap ako. Sobrang higpit. Nakatulala lang ako sa kawalan, iniisip ang kapatid ko.

Pumiglas siya sa yakap at tinignan ako, nag-aalala ang kan'yang mukha. "Ayos ka lang?" Tanong niya.

Tumango ako nang sunod-sunod.

"Shhh," niyakap niya ulit ako.

The pain was all over my whole being. I don't know how I will continue my life. I don't know where to start. I don't even know where I was. All I knew was I have to continue everything even if I don't know where to start.

One morning, I woke up, receiving a message from Rhui. Hindi ko inaasahan 'yon dahil ramdam ko na binibigyan niya ako ng time for me to heal.

From : Rhui <3
Hi, I already talked to Madam Grace. I told her that you won't be able to work for the meantime and she understands that. I hope you are doing well right now. I am always here for you. Take your time. I love you always : - )

The moment I read that my tears immediately went out of my eyes. I almost forgot that he was there. Muntik na siyang mawala sa isip ko sa dami ng tumatakbo sa utak ko. Sobrang unfair ko sa kan'ya… Para akong isang pasanin sa kan'ya na kailangan niya laging kumustahin. Ayokong mapagod siya sa akin. I want him to be free from doing this for me. He was always there for me but I couldn't exchange what he was doing for me. Alam ko na hindi naman siya humihingi ng kapalit pero gusto kong suklian ang lahat ng 'yon pero hindi ngayon. I don't want him to wake up one morning feeling empty because he gave everything to me.

There's only one thing to do so that I can feel that I am not a burden to him.

I typed what I wanted to tell him.

To : Rhui <3
Can we see each other? Text me what time you are free.

Pinunasan ko ang luha na agad na tumulo mula sa mga mata ko.

From : Rhui <3
Are u ok? I can go there anytime.

I hate this. Paano ko siya magagawang saktan kung ganito siya? Gusto kong magalit sa sarili dahil sa mga ginagawa ko sa kan'ya. I was taking him for granted and he was always still there for me.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now