Chapter 29

34 0 0
                                    

When I said, I am willing to sacrifice everything for Rhui and I to be with each other's arms for the rest of our lives, I mean it.

Walang halong biro.

Alam ko kasi na siya na. Sigurado na ako sa kan'ya at hindi ko na kaya na magpakilala pa sa iba. Ano? Back to zero ulit para maghanap ng makakasama ko habang-buhay.

Pero parang ayaw ng tadhana na magsama kami.

Parang pilit kaming pinaghihiwalay ng mundo.

Sinasabi sa amin na 'wag nang ipilit at ipaubaya na lang sa kung ano man ang susunod na mangyari.

As if the world was telling us to just... let it go.

Handa ko nang siyang ipaglaban kasi akala ko gano'n din siya sa akin. Pero tangina naman. Walang preno si Lord na saktan ako. Sira yata ang manibela niya.

Tatlong araw lang ang nakalipas matapos ang pangyayaring nadatnan ko ay itinaas na ni Rhui ang pulang bandera. Ayaw na niya.

Akala ko nga nung mga oras ay ayos kami. I felt the connection between us especially in our dark times. Nand'yan kami para sa isa't isa kung kailangan. We shared each other's pain. Parang perfect pero hindi pala.

Nakakatawa nga, eh. Kasi sabi ko kung siya ang nagsimula dapat siya rin ang tatapos at nandito ako ngayon sa harap niya, halos lumuhod na para magmakaawa na 'wag niya akong iwan kasi hindi ko kaya.

"Baka pagod ka lang," ngumiti ako sa kan'ya.

He nodded.

For a moment, I felt relieved but it faded away immediately when he talked.

"I'm tired of everything." Walang buhay niyang sabi.  Parang pagod na siya sa lahat... pati sa akin.

"Ikaw lang ba?" Mahina kong tanong sa kan'ya. Nakatungo ako kaya hindi ko makita ang reaksyon niya.

"That's good. We are both tired of everything and that's enough reason for us to stop whatever we have."

Para akong sinasaksak sa bawat salitang binibigkas niya. He was so good at picking the right word to hurt me... to break my heart.

"Mahal ki-"

"Pagod na pagod na ako, Anjilyn." Iyon ang kauna-unahang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko. He never called me with my first name. It's always Ji or Jilyn.

"I know you're strong and fighting for this relationship is just a piece of cake for you-"

"Piece of cake?" Hinarap ko siya. "You started this!" I shouted at him because I couldn't handle the pain and frustration I was feeling. Parang ang dating kasi ay ang dali-dali lang ng ginagawa ko, parang ang dali lang isagip ng relasyon na meron kami. "Pero bakit ako lang ang lumalaban? Parang ako lang 'yung nanghihinayang? Hindi ba dapat sabay nating nilalaban 'to kasi relasyon natin 'to, eh."

"Don't make yourself too foolish just because you are still believing that we can fix us. Kung ipipilit mo, then fight it yourself, 'wag mo na akong idamay. We are not in the right state to love because we are full of pain, Anjilyn."

Nag-uusap siya na parang wala lang lahat. Na parang hindi siya nasasaktan. Na parang hindi niya ako sinasaktan.

"Paano mo nasasabi lahat ng 'yan nang hindi ka man lang nasasaktan? Na parang wala lang sa'yo lahat ng 'to?" Tinanong ko siya, namumuo na ang luha sa mata.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nilalaro niya lang ang daliri niya.

"Alam mo bang gusto kitang sigawan... Gusto kitang saktan... tulad ng ginagawa mo sa akin ngayon kaso hindi ko magawa kahit hindi ko kaya... hindi ko kasi kaya 'yang ginagawa mo sa'kin," sinabi ko ang lahat ng nasa isip ko.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now