"Christmas or new year? What do you think, guys?"
Nakakailang tanong na si Mayumi kung sa pasko o sa bagong taon ba kami pupunta sa bahay-ampunan. Magbibigay kasi kami ng regalo sa mga bata roon. It was Mayumi's idea, she was just telling it to us before and we're going to do it this time.
"Ang tagal naman nina Charlotte at Wyne," tumingin ako sa cellphone ko para i-check kung nagtext na ba sila pero wala pa rin.
"Ano ba'ng sabi kanina noong tinawagan mo?" Tanong ni Alvin.
We were currently here in the coffee shop. It's not yet open just for us to have a so-called meeting. Hindi ko rin alam kung anong trip ni Mayumi ay hindi pa siya nagbubukas.
"Susunduin nga raw ni Wyne si Charlotte. Sabi ko pa nga i-text ako kapag nasundo niya na si Charlotte, wala pa namang text," naghintay lang kami sa dalawa hanggang sa nag-text si Charlotte kay Mayumi na traffic daw.
Dumating din naman sila bago pa mamuti ang mga mata namin. Naka-shades pa nga si Wyne nang dumating siya at mukhang fresh na fresh.
"Napakatagal ninyo! Pa-importante!" Tinanggal ni Wyne ang shades niya at inilabas ang dila niya para asarin ako. Isip-bata amputa!
"Ikaw kaya maipit sa traffic, tignan natin kung makarating ka nang maaga. Tanga nitong kaibigan niyo," itinuro pa niya ako bago ako umupo sa upuan.
"Mas tanga ka nga sa'kin, wala ka ngang pag-asa—"
"Oh, ano? Ano?! Talaga ba, Anjilyn?!" Nanghahamong sabi niya at pinandilatan ako ng mata.
"Parang mga tanga," awat sa amin ni Alvin.
"Ano? New year ba o sa pasko na lang?" Charlotte immediately changed the topic as if she was in a rush.
Natahimik kaming lahat, hindi alam kung anong isasagot. Nagkatingin kami ni Alvin at nag-usap gamit ang mata. I could see that he was nervous because last time Charlotte shouted at him. Hindi naman ganiyan si Charlotte before, she was always careful at what she was saying. Siguro dahil sa nangyayari sa buhay niya ngayon kaya siya ganoon. Iniintindi na lang din namin siya.
"I think we can go there on both Christmas and new year, hindi naman masama na dalawang beses 'diba?" Ngumiti si Mayumi sa amin kaya mukhang nakahinga nang maluwag si Alvin nang mapalingon ako sa kanya.
"Oo nga! Bakit hindi natin naisip kaagad 'yon?" Pagsang-ayon ni Wyne.
In the end, we just decided to go there on both Christmas and new year. Maaga rin ang punta namin dahil para mas tumagal ang oras namin doon. Magkaibang bahay-ampunan ang pupuntahan namin sa pasko at bagong taon.
Matapos naming mag-usap ay umalis na rin sina Charlotte, Wyne at Alvin. Lumapit ako kay Mayumi nang makaalis na 'yung tatlo. Wala naman kaming trabaho ni Alvin ngayon dito sa coffee shop dahil dapat ay may pasok kami sa The Heels kaso ay huwag na raw muna sabi ni Madam Grace dahil pahinga raw.
"Nagku-kwento ba sa'yo si Charlotte?" Tanong ko sa kanya at hinila ang isang upuan para makaupo sa harap niya.
Hindi pa niya binubuksan ang coffee shop, ni hindi pa nga siya umaalis sa pwesto niya simula noong umalis 'yong tatlo. Umiling siya at para bang nag-iisip. Tinignan ko lang siya at hinintay na magsalita.
"I think... Maverick and Charlotte are having a problem in their relationship," tinignan niya ako, para bang nanghihingi rin ng opinyon ko.
Ngumuso ako at napaisip din. Hindi naman kasi mahilig magkwento si Charlotte sa amin ng mga ganoong bagay. Mas prefer niyang makinig ng kwento namin kaysa siya ang magkwento sa amin. Siguro may mga ganoon talaga, 'no? Takot siguro sila sa sasabihin ng ibang tao.
YOU ARE READING
Diving in Love (Tale of Love Series #2)
RomanceTALE OF LOVE SERIES #2 Jilyn Anesto, a woman who believed that true love doesn't even exist in this world due to what happened between her parents not until this man named Rhui Ventura who owned a diary came and changed her perspective in life.