Chapter 24

15 0 0
                                    

"Dalhin mo 'tong power bank ko para in case of emergency may magagamit ka," inabot ko kay Annikah ang power bank ko at agad niya namang inilagay 'yon sa bag niya.

"Ate, may kuryente naman siguro roon sa tutuluyan namin," napakamot siya sa ulo nang inabot ko pa ang isang power bank.

Umiling ako. "Mas mabuti na 'yong sigurado para kapag may problema matawagan mo agad ako," pagpapaalala ko sa kaniya.

"Ano'ng sabi ni Papa noong nagpaalam ka sa kaniya?" Tanong ko nang maalala 'yon.

"Pumayag naman. Sabi lang mag-ingat daw ako at 'wag lumayo. Of course, he also told me not to do stupid things! As if naman na gagawa ako ng mga ganoong bagay, eh, 'yung mga tita natin, mga basher! Konting galaw, may nasasabi agad! Akala mo naman 'di dumaan sa mga ganoong bagay. Err!" Natawa lang ako sa mga sinabi niya at pinagsabihan siya na huwag 'yon sasabihin sa harap ng mga tita namin.

"Oh, wala ka na bang naiwan? Baka may mga nakalimutan ka. Tignan mong maigi, ha?" Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras.

Pinaalalahanan ko lang ng iba pang mga bagay si Annikah tulad ng pag-iingat at huwag hihiwalay sa mga kasama niya. I also told her not to talk to strangers dahil mahirap na ang panahon ngayon. Hindi natin masasabi.

"'Yan lang ba dadalhin mo?" Puna ni Rhui sa dalang bag ni Annikah.

Ihahatid namin ang kapatid ko sa bahay ng nanay ko dahil bukas na ang alis nila para sa outing. Isang linggo rin siyang mawawala dahil outing 'yon ng buong angkan namin sa mother side. Hindi ko naman siya pwedeng pagbawalan dahil gusto ko rin na maka-bonding niya ang iba naming kamag-anak.

"Mayro'n pa sa taas, kuya. Ilalagay ko lang muna 'to roon sa sasakyan." Nakangiti niyang sabi.

Mukhang excited na excited siya sa outing nila.

"I'll get the other stuffs," sabi ng lalaki.

"'Wag na, kuya! Nakakahiya po! Ako na lang po. Mabilis lang 'to!" Sabi niya sabay takbo sa sasakyan ni Rhui.

Rhui just smiled at me. I shrugged my shoulder and started to walk upstairs. Sumunod lang siya sa akin.

"Magkapatid talaga kayo," sambit niya habang paakyat kami.

"Hmm?" I arched my eyebrows at him.

Inakbayan niya ako. "You both don't want to get help from others. Gusto niyo hangga't kaya niyo ay hindi na kayo hihingi ng tulong sa iba which is I think is very unusual..."

"Unusual?" Mahinang tanong ko.

He nodded. "Unusual... Because some people would rather want to get help from others than do it by themselves,"

Napangiti ako dahil sa pagiging observant niya. Sa loob ng halos walong buwan naming magkasintahan, nakita niya na ang pagkakapareho naming magkapatid.

"It's just a simple thing. Mas gugustuhin kong 'wag mang-istorbo ng ibang tao."

Ibinaba namin ang ibang gamit na dadalhin ni Annikah. I made Rhui and Annikah a sandwich after we put the stuffs inside the car. My Lola went to my father's house kaya wala rin siya rito.

"After niyan, kuha na lang kayo ng coke sa ref," I smiled at them before getting my phone, naka-charge kasi 'yon.

Tinext ko lang si Mayumi na baka pwedeng mamayang tanghali na ako mag-shift sa café dahil nga ihahatid ko ang kapatid ko.

Hindi pa tumatagal 'yong text ko ay nagregister na agad ang pangalan niya sa phone ko.

"Hello?" Bati niya sa akin.

"Nabasa mo ba 'yung text ko?" Agad na tanong ko sa kanya.

"Oh, yes, girl... Are you with Rjay ba?" She asked that as if she's really sure about it.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now