Chapter 07

15 0 0
                                    

"Uy, Jilyn! Nandito ka pala?"

Napairap ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Magpapasalamat na sana ako na tulog pa siya nang dumating kami pero nagising naman. Hindi ko siya pinansin at naglakad ako papunta sa kusina dahil 'yon ang naman ang pinunta namin dito.

Niyaya kami ng tatay namin na mag-lunch dahil sobrang tagal na raw noong huling beses kaming nagkasabay-sabay. If I know, he just want us to get along with his new family.

"Jilyn, ano? Musta?" Napahawak ako sa noo ko dahil sa kakulitan nitong bwisit na anak ni Tita Flor, asawa ni Papa.

"Close ba tayo?" Tanong ko at nagpunta na sa kusina pero nakasunod pa rin siya.

Syempre, feeling prinsipe ang peg niya sa bahay dahil siya lang naman ang anak ng napangasawa ng tatay ko.

Bago pa kami makarating sa kusina ay hinarap ko siya. Mukhang nagulat pa siya dahil nanlaki ang mata niya at napahawak sa dibdib.

"Hoy! Close ba kayo ni Rhui?!" Tanong ko nang maalala ko 'yung picture na nakita ko sa condo ni Rhui noong nakaraan.

"Rhui?" Kumunot ang noo niya at inayos ang buhok niya na magulo. Mukhang kagigising lang nitong walang hiyang 'to.

"Rhui Aljay," sabi ko para makilala niya at naglakad na, sinabayan naman niya ako.

"Si Rjay?" Kumunot ang noo ko pero agad din naman akong tumango dahil 'yon din ang tawag sa kaniya ni Mrs. Ventura. "Oo naman! Best friend ko 'yun, eh!" He shouted right in front of my face na akala mo naman ay sobrang layo niya sa akin.

"Bakit kailangang isigaw?!" Sigaw ko pabalik sa kanya at sinadya na talsikan ng laway ang mukha niyang nakakabwisit!

"Wow, dream come true ang matalsikan ng laway ng isang Jilyn Anesto." Nakangising sabi niya. Nginiwian ko lang siya at nagpaumuna nang maglakad.

Best friend pala silang dalawa. Kaya pala parehas nakakabwisit ang pagmumukha nila. Makikita ko pa lang ay naaasar na ako, wala pa silang ginagawa no'n, ah. Paano pa kapag may ginawa sila? Edi baka masapak ko na sila.

"Hindi mo ba nakita si Ference, Jilyn?" Ayan agad ang bungad sa akin ni Tita Flor nang makita niya ako. Nakangiti siya sa akin at mukhang tuwang-tuwa na nakarating ako.

"Gising na ako. Parang may gumising talaga sa akin dahil dadating pala ang forever ko," lumapit siya kay Tita Flor at nagmano sa babae. Muntik pa akong mapairap dahil sa ginawa niya. Hindi ko akalaing may ganito palang side 'tong lalaking 'to.

Umupo ako sa tabi ni Annikah at hindi rin nagtagal ay dumating na rin si Papa na nakabihis. Magsisimba kasi silang dalawa ni Tita Flor. Si Ference ay hindi naman talaga sumasama dahil baka raw masunog siya.

Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko na kumakain at napangiwi nang magtama ang mata namin. Agad siyang napangisi at umayos ng upo.

"Pwede mo naman sabihin kung gusto mo na ako. Sa gwapo ko ba namang 'to, sinong hindi magkakagusto sa akin?" I almost choked when he said that.

Sobrang taas ng tingin sa sarili. Feeling pogi.

Umiling ako. "Hindi pwe—" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang inilapit niya ang hintuturo niya sa labi ko.

"Anong hindi pwede? You know that I'm adopted, right? We can be lovers if we only want to, Jilyn." He said in a serious tone but quickly smiled after that.

Inalis ko ang daliri niya sa labi ko at napairap. Tumawa lamang sina Papa, Annikah at Tita Flor sa amin.

Ference is adopted and he already knew it since he was in high school. Kilala niya rin ang tunay niyang mga magulang at ang alam ko'y pinupuntahan niya sila minsan. To be honest, I admire him for being forgivable. For being that strong enough to face who really he is. Parang ang hirap lang kasing tumayo sa pwesto niya. He was living his life so happy then all of a sudden they would tell you that you're adopted. It must be difficult for a child like him back then.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now