Chapter 16

17 0 0
                                    

"Date ba 'to?"

I looked at Rhui and my smile grew wider when I saw him smiled. Sumeryoso rin naman ang mukha niya nang nilingon ko. Lihim akong tumawa dahil doon.

"Date? I thought you'll invite Wyne?" Tanong niya.

I removed my hand on his arms and looked at him while thinking if I would still invite Wyne. Ngumuso ako at kinuha ang cellphone sa bulsa ko.

To : Wyne
magla-lunch ako, sama ka?

Nagreply naman agad siya kaya hindi na ako naghintay pa nang matagal.

From : Wyne
'Di na. Mukhang masaya ka naman dyan sa kasama mo. I'm jealous : (

From : Wyne
yuck!!! kadiri pala ung sinabi ko pero ge lang pakasaya ka busog pa ako :-D

Umiling ako nang mabasa 'yong mga reply niya. Typical Wyne.

"Why are you smiling?" Ibinaling ko ang tingin ko kay Rhui at umiling.

"Tara na, 'di raw siya makakasabay," ibinalik ko ang cellphone sa bulsa ko at hinila siya para makalakad na.

Nakangiti lang ako habang naglalakad kami palabas ng building. I couldn't imagine that this would happen to me. Smiling after doing tons of paper works. Really?!

I should be complaining about how our work was hard. Pero imbis na 'yon ang gawin ko ay heto ako naglalakad nang nakangiti na parang hindi napagod sa mga ginawa ko kanina. Ako pa ba 'to?!

"Before ka pala pumasok sa The Heels, where were you working?" Tanong ko kay Rhui habang hinihintay namin ang pagkain na inorder namin.

"The Heels din," he said.

"Talaga lang, huh? Hindi nga kita nakikita sa building," umirap ako pero tinawanan niya lang ako.

"You already went to a different area of the building?" Tanong niya.

Ngumisi ako. "Of course. Hindi nila ako tinawag na 'supervisor' for nothing," natawa ako dahil sa sinabi ko.

"Supervisor, huh?" He sarcastically mumbled.

Ilang minuto lang ang hinintay namin ang dumating na 'yon order namin kaya nagsimula na rin kaming kumain. Sa kahanay lang din ng café kami kumain dahil limitado lang ang oras ng lunch namin.

"So, saan ka nga nagta-trabaho dati? Alam mo bang noon pa lang gusto ko nang itanong sa'yo 'yon, e, ang kaso hindi naman tayo ganoon ka-close!" I told him the truth.

Para kasing hawak niya ang oras niya. He would go out whenever he wanted to. Ni hindi niya iniisip 'yung oras. I thought he was jobless.

"Sige. Kung hindi mo sasabihin, maniniwala ako na you're jobless, anak mayaman kasi," ngumuya ako matapos sabihin 'yon, hinihintay na magsalita siya.

"I was working at The Heels, Antipolo branch," sinabi niya 'yon na parang hindi big deal.

"Seryoso ka ba? Pamangkin ka ng may-ari pero sa Antipolo branch ka? Hoy, ang scam mo."

Tumingin ako sa kaniya, hindi naniniwala.

"I was the one who told Madam Grace that I'd just go to work in her company if she would send me to the Antipolo branch," pagpapaliwanag niya.

Tumango-tango ako. May maliit din na ngiti sa aking labi.

Imbis na Auntie ang itawag niya sa boss namin ay tinawag niya itong Madam Grace.

So, siya ang nagdesisyon na sa Antipolo siya magta-trabaho? Wow, kung ibang tao 'yon, hindi 'yon papayag na hindi sila sa main branch ilalagay lalo at kamag-anak naman nila ang may-ari.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now