Chapter 14

1.8K 92 23
                                    

#war3wp

Chapter 14

Fairytales

One of the things my mom tells me about being in a relationship is that, along with the man you choose to love, you also have to love his family.

Mahirap na gawin 'yon para sa iba. Hindi naman kasi lahat ng pamilya ay perpekto. Akala ko noon, mahihirapan din ako sa pamilya ni Ise but his family is very good to me.

Tita Chiyo, Ise's mother, and Tito Nhed, Ise's father, are as kind as he is. Sa tuwing pumupunta ako sa bahay nila, parati nila akong tinatanggap at pinapaunlakan. Ate Irina always chats with me and she hangs out with me on her free time. Ang nanay ni Ise, asikasong-asikaso sa 'kin sa tuwing pumupunta ako roon.

I feel like I will love Ise's family as much as I love him.

"What's this for?" tanong ni Adonijah habang hawak-hawak ang isang lamp na napili kong iregalo sa mommy ni Ise. 

Puting lampara 'yon at puwedeng lagyan ng kandila sa loob. It's decorative and elegant. Nang makita ko kasi 'yon, nagustuhan ko kaagad kaya naman naisip kong baka magustuhan din ng pagreregaluhan. 

"It's a lamp!" I say. "You put a candle inside it."

Nakasunod sa 'kin sa loob ng department store ng isang mall si Adonijah dahil sinamahan niya akong mamili ngayong araw. Sinabi niya kasi sa 'king wala siyang gagawin ngayong araw at inaya ko naman siyang sumama sa 'kin na mamili ng regalo para sa mommy ni Ise para sa nalalapit nitong birthday.

Huminto ako sa tapat ng ilan pang magagandang lamps. Tumingin-tingin din doon si Adonijah na nakasoot ng puting oversized round neck printed shirt. May naka-print na malalaking letra ng isang mamahaling brand ang shirt niya. He's also wearing a pair of jeans and white shoes. He has a black beaded necklace around his neck. Adonijah picks up a lamp from one of the stands and shows it to me.

"How about this one?" he asks me as he gives me the lamp.

Kinuha ko ang lampara sa kaniya at pinagmasdan 'yon, iniisip kung babagay kaya 'yon kay Tita Chiyo.

Ise's mom, Tita Chiyo, will celebrate her birthday at their house with her whole family and she invited me to come. I am not familiar with how Japanese culture works so I'm glad that Tita Chiyo will spend her birthday in a more Filipino setting—a simple dinner with the whole family.

"What is his family like?" tanong ni Adonijah habang nakasunod sa 'kin at pinagmamasdan akong mamili ng mga puwedeng mairegalo. "Singkit din? Tahimik? Rich? He's an Avalos after all."

Napatawa ako at tiningnan si Adonijah. "Syempre, singkit! He's half Japanese," I say. "Tahimik ang mommy at daddy niya pero si Ate Irina, she's the friendliest in the family."

Tumango si Adonijah. "I'm glad that his family is treating you right," ani Adonijah habang humahawak na naman ng panibagong lamp. 

Pakiramdam ko, dumadampot lang siya ng kung anu-ano ro'n para masabing tinutulungan niya akong mamili kahit na alam kong wala naman siyang interes sa mga lamp na 'yon. 

The one he's holding looks tacky. Napangiwi ako. Nang tingnan ako ni Adonijah at nakita niya ang mukha ko, agad siyang napatawa at inilapag ang hawak-hawak niya. 

"I don't know what looks good," aniya, naiintindihan ang ngiwi ko. "They all look the same to me."

Nagpatuloy kami sa paglilibot sa mga lamps na nandoon at nang makapili na ng pinakamaganda ay binayaran ko na 'yon at lumabas na kami ng department store. 

This is War (War Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon