Chapter 24

2.2K 102 59
                                    

#war3wp

Chapter 24

Sana

I try contacting Ate Irina. I try contacting Ise's mom. But none of them is answering my calls. 

Hindi ko masabi kina Mommy ang nangyari. Hindi ko rin masabi kina Adonijah ang totoo. But it seems like Allon got closer with Asiel because it is Asiel who first knew that Ise finally abandoned me. 

Galit na galit si Asiel nang malaman ang nangyari at galit na galit din ang iba ko pang mga kaibigan nang malaman nila mula kay Asiel ang totoo. Pagod na pagod akong pigilan ang galit nina Adonijah at Jadon. Makailang beses ko silang sinabihan na 'wag na sanang puntahan pa si Ise dahil ayokong madamay sila sa problema. 

But it seems like Asiel won't listen to me. I heard it from some people I know. Sinugod daw ni Asiel Monserate si Ise Avalos sa Acerra College of Aeronautics. 

I asked Asiel why he would do that and he got mad at me. 

"What the hell is wrong with you, Hanani? He's abandoning you, for Pete's sake!" galit na sigaw ni Asiel. "He's leaving you! Why the hell do you still care if I kill him or not!"

"Asiel!" galit na sigaw ni Adonijah. 

Bumuhos ang mga luha ko at umiling ako. Hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung bakit na kahit malinaw na malinaw namang iniwan na ako ni Ise, ipinagtatanggol ko pa rin siya sa mga kaibigan ko. Sa sarili ko. Pinoprotektahan ko pa rin! Mahal ko pa rin.

Humagulgol ako at natahimik si Asiel. Seconds later, he comes to me and he wraps his arms around me. Damang-dama ko sa yakap niya ang pag-aalalang nararamdaman niya para sa 'kin. I know how much they want to wake me up to reality. 

Asiel curses on top of my head. "Why do you love him so much?" he asks me and I don't know the answer too. 

I don't know why I am still hoping that he'll stay. That he'll come back to me. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit tangang-tanga ako kay Ise kahit na alam kong hindi niya dapat ako tinatrato nang ganito. 

"You don't look pregnant at all," ani Ida Mishal isang araw habang tinitingnan namin sa salamin ang hindi pa rin nakikitang umbok sa tiyan ko. "When will the bump show?" kuryoso niyang tanong.

Hinawakan ko ang tiyan ko at napanguso nang ma-realize na tama si Ida Mishal. Parang walang kakaiba sa tiyan ko dahil lapat na lapat pa rin 'yon. Tinanong ko ang doktor patungkol doon pero sinabi lang niya sa 'king normal lang para sa ibang nagbubuntis na hindi agad nahahalata ang baby bump. The doctor assures me that the baby is healthy and safe. 

Sometimes I wonder if my baby knows that I need his help to hide my pregnancy from so many eyes. 

Dahil madalas kung pakainin, napapansin kong lumalaki rin ang timbang ko. I notice that I really love eating tangerines so my friends always bring me some when they come over. 

Lumapit sa 'kin si Ida Mishal at mas nakita ko ang pagtaba ko dahil sa balingkinitan niyang katawan. 

Nawala lang ang atensyon ko kay Ida Mishal nang tumunog ang telepono ko dahil sa isang tawag. When I see Ise's mom dialing me, I immediately take the call.

Kabadong-kabado ako nang sagutin ko ang tawag. Sa unang ilang mga segundo ay walang nagsasalita sa 'min, pero makalipas ang ilang sandali ay nagsalita na ako. 

"Tita Chiyo," I call. 

"Hanani," she answers. "Can I talk to you?"

I try analyzing her voice but I can't quite figure out what she's thinking. Days ago, she was ignoring my calls. Ngayon naman, gusto niya akong makausap. 

This is War (War Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon