Chapter 34

2.3K 136 105
                                    

#war3wp

Chapter 34

Tears

Naging abala ako matapos ang birthday. Malapit na rin kasi ang final examinations at madalas ko nang ibinubuhos ang oras ko sa pag-aaral at pag-aalaga kay Hanniel.

Napapadalas din ang pagpunta ng mga kaibigan ko sa bahay—lalo na si Asiel na parating kasama si Allon.

Kaunti na lang, iisipin ko nang hindi si Jadon ang best friend ni Asiel dahil parating ito na ang kasama niya.

I am used to Asiel spending most of his time everywhere as long as it's not his house. He usually hangs out with his guy friends. But recently, he has been hanging out a lot with Allon. Gano'n din si Adonijah na parating nasa bahay din sa tuwing nandoon si Allon at Asiel.

Natatawa ako habang pinagmamasdan si Adonijah na sinusubukang patawanin ang umiiyak na si Hanniel dahil kinuha at kinain niya ang kinakain nitong kiwi. 

Hanniel loves his fruits. He never cries over petty things but if it's about his food, he cries almost immediately.

"You, thief!" Tumawa si Jadon at nakita ko ang natatawa ring sina Asiel at Allon.

Kitang-kita ko ang panic ni Adonijah nang subukan niyang bitbitin si Hanniel para patahanin pero lalo lang itong umiyak.

Sinubukang abutin ni Hanniel si Allon na nasa tabi nito para lumayo kay Adonijah. Allon immediately takes Hanniel and lets him sit on his lap. Titig na titig si Allon kay Hanniel at para bang ingat na ingat siyang hawakan ito.

"Don't hate me. Please?" nagmamakaawang sabi ni Adonijah sa unti-unti nang kumakalmang si Hanniel.

Iniwas ni Hanniel ang tingin kay Adonijah at isinandal nito ang ulo sa dibdib ni Allon. Nakita ko ang namumuong ngiti ni Allon dahil doon at ang paghawak at paghagod niya sa likod ni Hanniel para patahanin ito.

Days pass by with that usual scenario. Sa tuwing umuuwi na sina Adonijah, pagod na si Hanniel at natutulog na kaya pati kami nina Mommy, nakakapagpahinga na rin.

There are times, when Allon visits, he brings fruits from Nueva Ecija. Kay Mommy niya 'yon inaabot at parati siyang bumabati o nagmamano rito sa tuwing naaabutan niya sa bahay.

Even to my father, Allon doesn't hesitate to introduce himself.

Nanlalamig ang mga kamay ko habang pinagmamasdan si Allon na kausap si Daddy sa kusina. Hindi ko alam kung bakit matagal silang nag-uusap kahit na binati lang naman ni Allon si Daddy. It looks like they are talking about something serious. Kitang-kita ko kasi 'yon sa mga mata ni Allon. 

"Meet the parents?" bulong-bulong ni Adonijah sa tabi ko at nilingon ko siya, matalim ang tingin. Adonijah grins at me. "I'm sure that Tito Jose won't approve of him that easily."

"Hindi naman ako nililigawan ni Allon," I say. 

Adonijah scrunches his nose. "For someone hopeless romantic, you are too dense." Kinunutan ko siya ng noo. "Hindi pa ba nanliligaw kung parati nang dumadayo sa Clermont University at pumupunta sa bahay mo? He's even giving Tita Hollie fruits from his hometown. Bakit niya 'yon gagawin kung hindi pa siya nanliligaw?"

"He's not telling me anything."

"It's probably because he knows you won't give him a chance," ani Adonijah. "Jade," tawag niya kay Jadon na kababalik lang mula sa labas dahil sa tinanggap na tawag sa telepono. 

Umupo si Jadon sa isang gilid ko at pinagtaasan ng kilay si Adonijah. 

"Hindi ba, nanliligaw na si Allon?" tanong ni Adonijah.

This is War (War Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon