Chapter 50

4.2K 166 38
                                    

This is the last chapter before the end.
Thank you for reaching this part.

You helped me get as far as this point.

#war3wp

Chapter 50

Wars, Setbacks, and Victories

"Careful."

Inabot sa 'kin ni Allon ang kamay niya para alalayan ako sa pagbaba mula sa puno ng mangga.

"Baka mahulog ako," natatawang sabi ko, iniipit ang buhok sa isang tainga habang tinitingnan si Allon sa paanan ng puno. 

"I'll catch you. Don't worry," aniya.

Kinuha ko ang kamay niya at naramdaman ko ang gaspang at init noon. I smile and I hold his shoulder too as he holds my waist for additional support. Nang makita kong kailangan ko pa ng suporta ay inilagay ko na ang dalawa kong kamay sa magkabila niyang balikat at binuhat niya ako pababa.

Nang mailapat ko na ang mga paa sa lupang puno ng damo at mga tuyong dahon, ipinagpag ko na ang soot na pantalon at inangat ko ang tingin kay Allon na inaayos naman ang buhok ko para sa 'kin.

"Aakyat ka pa ulit?" tanong niya.

"Of course!" I tell him, smirking.

Napangiti si Allon at umiling bago kinuha ang basket na dala namin para sa mga manggang pinipitas. Inilahad niya ang kamay sa 'kin pagkatapos at kinuha ko naman 'yon.

Pinagmasdan ko ang mga kamay naming dalawa at hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

Nilakad namin ang plantation nila ng mangga. Sobrang gandang tingnan ng mga dahon ng mga punong 'yon na sumasayaw at pumapalakpak sa hangin. Malutong ang tunog ng mga tuyong dahong naaapakan namin at sariwa ang simoy ng hangin ng probinsya ng Nueva Ecija.

Bumisita ulit kami sa Nueva Ecija para sa birthday ni Tita Lucy. Susunod daw sina Adonijah at Jadon kaya kaming dalawa pa lang ni Hanniel ang nandito. Hanniel is with Tita Lucy back in the mansion. Hinayaan nila kaming dalawa ni Allon na maglibot rito.

I stop my tracks as we finally reach the center of the plantation. Napahinto rin si Allon at nilingon ako nang may pagtataka sa mga mata. His medium complexion looks so good under the sun. Ang sinag ng araw na sumisilip sa bawat espasyo ng mga dahon ang nagbibigay ng liwanag kay Allon. His amber eyes look more vivid and the glimmer in them makes me want to know how I look in his eyes.

Because Allon always looks at me this way—as if I am the only person in front of him and I am all that matters.

Bagay na bagay sa kaniya ang background na plantation. The greens and browns from the trees and the whites and blues from the sky make his amber eyes, jet black hair, and medium complexion pop—just like an awfully perfect masterpiece.

"Are you tired?" he asks. Umiling ako. Humarap nang mas maayos sa akin si Allon, hawak pa rin ang kamay ko. "Gusto mo nang bumalik?"

I shake my head and I look at our hands. The difference in our complexion places a smile on my lips. I intertwined our fingers before raising my gaze back to him. Naabutan ko ang pagtingin din ni Allon sa mga kamay naming dalawa.

"When I first met you, I thought you hated me so I hated you too." Bumalik sa mga mata ko ang tingin ni Allon, pinakikinggan ako. "With your cold gaze, I thought, maybe you hate seeing me that much." I squeeze his hand. "Those eyes. . .I always wonder how I look in them."

This is War (War Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon