Chapter 43

2.7K 145 218
                                    

#war3wp

Chapter 43

Broken People

Nakabalot ang isa kong braso kay Hanniel habang malalim ang paghinga niya dahil sa pagtulog. He smells like lavender powder. The scent is mixed with mint because he just brushed his teeth after I tell him that it's already his bed time. 

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko habang yakap siya at hinihintay siyang tulayang makatulog. It's a good thing that he has his back on me. 

Dahil sa galit ko noon para kay Ise, ni hindi ko naisip ang iisipin ni Hanniel at ang mararamdaman niya kapag lumaki na siya at nakita niyang hindi tulad ng sa iba ang pamilya niya. I pity him and I feel guilty for not giving him the whole family he deserves to have. 

It takes time for me to finally calm down and get off Hanniel's bed to let him sleep peacefully. Nang bumaba ako papunta sa sala ng bahay, saka ko lang naalala na hindi na ako nakapagpaalam pa kay Allon nang pinatulog ko na si Hanniel. 

'Yon nga lang, bago pa ako tuluyang makababa ng hagdan, narinig ko na ang mahinang mga boses nina Daddy sa sala. Mukhang naro'n pa nga si Allon.

"Nagtanong na pala si Hanniel tungkol sa papa niya," sabi ni Daddy at natahimik ako. "Sa anim na taong lumipas, hindi naman siya naghanap ng tatay. Siguro, ngayong nasa school na siya, napapatanong na siya dahil sa mga nakikita niya sa mga kaibigan o kaklase niya."

"It's normal that he asks about his father," si Allon ang narinig kong sumagot. 

"Kung pwede lang na hindi na makilala ni Hanniel ang walang hiyang Ise na 'yon," ani Daddy at bumuntonghininga. "Ang tagal naming iningatan ni Hollie si Hanani. Ni hindi namin mapadapuan sa lamok. Hindi nga namin pinapayagang mag-nobyo." Daddy pauses. "Pero isang pagkakataon lang, pinayagan namin si Hanani no'ng nakita naming gusto niya talaga 'yong Ise. Hinayaan namin. Ni hindi nga 'yon nagpunta at nagpaalam dito no'ng nanligaw o no'ng naging sila ni Hanani. Ni hindi ko rin nakausap man lang ang mga magulang ng batang 'yon. Dapat, pinagsabihan na namin noon ang dalawa na rito na lang sa bahay mag-date. At least, kung nandito sila, mababantayan namin. Nagkamali rin kami ni Hollie."

Natahimik ang dalawa at nanatili akong nakatayo sa hagdan, mahigpit ang hawak sa railing at tahimik na nakikinig sa kabila ng puso kong pinipiga sa sakit.

"Sigurado ka na ba, Allon?" tanong ni Daddy makalipas ang ilang sandali. "Gusto ko lang malaman kung sigurado at seryoso ka kay Hanani at Hanniel. May mga responsibilidad kang aakuin kahit na pwede namang hindi kung ipagpapatuloy mo ang panliligaw sa anak ko."

"Mahal ko ho ang anak niyo," ani Allon. 

"Bakit mahal mo ang anak ko?" 

There is a long pause before Allon finally speaks again. "Dahil hindi ko na maisip kung ano ang buhay ko kung wala po si Hanani."

Natahimik ulit ang dalawa pero hindi rin nagtagal, nagsalita ulit si Daddy. "Sa tingin mo, hanggang kailan mo mamahalin ang anak ko?"

I purse my lips because of Dad's question. 

"Until the end. . . and even beyond the end," ani Allon. Tumahimik ulit sila ng ilang segundo bago nagpatuloy sa pagsasalita si Allon. "I cannot prove myself with words alone so let me show you that I will fulfill my promise. I want you to be there as a witness when I prove to you and your daughter how much I love her and Hanniel."

Umupo ako sa baitang ng hagdan at niyakap ko ang tuhod ko habang unti-unting nanunuot ang mga salitang 'yon sa bawat sulok ng puso ko.

Hindi nagtagal, bumaba na rin ako nang tuluyan nang mag-iba na sila ng pinag-uusapan. Pagkababa ko pa lang, nasa akin na ang mga tingin ni Allon at mukhang kanina niya pa inaasahan ang pagdating ko. 

This is War (War Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon