Chapter 30

2.5K 153 83
                                    

#war3wp

Chapter 30

Baby

Nakatanaw ako sa isang malawak na field habang nakaupo sa isang bench. Bumuntonghininga ako at tiningnan ang ice cream cone na kanina pa kinakain.

Strawberry flavor. I hate that I'm so predictable. Strawberry or mango, I always go for either of the two. Kaya nang tanungin ako kanina ni Allon, ang dali-dali niyang nakuha na 'yon ang gusto kong flavor. 

Nasa isang field kami malapit sa Acerra College of Aeronautics. Marami na akong napuntahang lugar malapit sa ACA dahil madalas kong puntahan dito si Ise noon. But I haven't been in this field yet. Sobrang lawak ng lugar at halos walang tao roon. It is giving me an impression that football players play here. 

Maliwanag pero dahil sa mga ulap, hindi gaanong mainit. Hinayaan kong si Allon ang pumili ng lugar na pupuntahan namin kanina at ito ang pinili niya. Akala ko, sa isang cafe o restaurant niya ako dadalhin. Or maybe in a mall but it's a surprise that he brought me to this place.

Nilingon ko si Allon at naabutan kong nakatanaw rin siya sa field na nasa harapan naming dalawa. Kanina niya pa naubos ang ice cream niya at tahimik niya lang akong hinihintay na matapos din. Unlike me, it seems like he likes strong dark chocolate flavors. Gano'n kasi ang kinuha niya para sa sarili.

"Pa'no mo nalaman na gusto ko ng strawberry?" I ask. 

Allon is sitting at a safe distance. Halos isang metro ang layo niya sa 'kin pero sapat para marinig namin ang isa't isa at maamoy ko ang mabango niyang pabango. Hinahangin ang buhok ko at kanina ko pa gustong itali 'yon sa isang ponytail pero dahil hindi ko dala ang panali ng buhok, wala akong pwedeng magamit.

"You always post about it," ani Allon bago ako nilingon.

He has long lashes. Hindi pa rin nagbabago ang opinyon ko patungkol sa mga mata niya. His intense and dark amber eyes look so good in daylight. Mas tumitingkad 'yon sa liwanag at para akong hinihila palapit sa kaniya.

Kumunot ang noo ko. "You see my posts?" I ask because I thought he doesn't like social media.

"We're friends on Facebook," ani Allon at pinaningkitan ko siya nang kaunti ng mga mata. 

"I don't post on Facebook," I say and I see how a ghost of an amused smile appears on his lips. 

"I follow you on Instagram," he says and I immediately tried to wonder what his username must be. 

But it's ridiculous. Sa dami ng naka-follow sa 'kin at nakakakita ng mga pinopost ko sa social media, paano ko mahahanap kung sino si Allon doon?

Naisip ko rin tuloy ang mga pictures na pino-post ko. Pati na ang mga IG stories! Inisip ko kung may mga na-post ba akong hindi maayos.

"What's your username?" kuryosong tanong ko.

"Why? Will you follow me back?" he asks me and I blush at his playful reply. May pagkaaliw sa mga mata niya at hindi ako sanay na gano'n ang pag-uusap naming dalawa. 

I snort and I look at the wide field ahead of us, pouting. Hahanapin ko kasi kung anong mga pictures ang ni-like niya. Kung hanggang saang pictures ang nakita niya. Kung pinanonood niya ba parati ang mga IG stories ko.

Hindi ko dapat 'yon gawin pero may parte sa 'king 'yon ang gusto. I guess it's better for me to not know.

"I will message you. Para malaman mo," ani Allon at napatingin ulit ako sa kaniya.

Tiningnan niya rin ako at natahimik kaming dalawa. Tinapos ko nang ubusin ang ice cream. Ipinatong ko na lang ang dalawang kamay sa ibabaw ng dalawang tubod kong magkadikit habang tahimik na tumatanaw sa malawak na field. Kinagat ko ang labi ko at inisip kung saan ba magsisimula.

This is War (War Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon