Chapter 40

3K 156 44
                                    

#war3wp

Chapter 40

Appreciate 

Domino effect. Bawat bagay na nangyayari sa atin ay may pinag-uugatan. That's why making a choice is very important. Dahil kung magkamali ng pipiliin, makakaapekto 'yon sa susunod na mangyayari sa kinabukasan at sa susunod na desisyong gagawin. 

You always reap what you sow. Araw-araw, mayro'n tayong itinatanim. It's either we plant something good or something terrible. Either give us fruit. Whatever we do today is a seed that will grow in the future. Whether it's kindness, self-control, or even anger. Ang lahat ng 'yon ay nagbubunga.

Sometimes, I think that life is so cruel to make me experience a lot of things in order to get to the ending. Sa kabila ba ng lahat ng pagdadaanan ko, magiging masaya ako sa dulo? It's uncertain. Malabo parati ang bukas dahil mahirap alamin ang susunod na mangyayari. 

Hindi lang desisyon ko ang pwedeng makaapekto sa bukas pero pati na rin ang mga taong nakapaligid sa 'kin. That's certainly why people must also choose the persons they will surround themselves with. 

Minsan, iniisip ko rin kung hindi ba pwedeng turuan ako ng buhay nang hindi ako sinasaktan at dinudurog. Pero paano nga kaya kung hindi ko naranasan ang mga kinailangan kong pagdaanan? Makikita ko kaya ang pagmamahal na kayang ibigay sa 'kin ng mga magulang ko at mga kaibigan sa gitna ng problema? Darating kaya si Hanniel?

Matututo kaya ako na 'wag tingnan ang mundo bilang perpekto? Magigising kaya ako sa reyalidad at matututunan ko kaya ang mga bagay na natutunan ko sa lahat ng mga pinagdaanan ko?

I wonder what I will be like if I haven't met Ise. If I didn't have Hanniel at the age of eighteen. Magiging responsable kaya ako sa mga desisyon ko? Magkakaro'n kaya ako ng mga bagay na naibabahagi ko sa mga kabataang nabibisita namin ni Tita Lucy sa mga volunteer work?

If I haven't experienced the darkest and lowest point of my life, will I ever appreciate the brightest and highest points? Will I ever understand my friends and family's love for me as much as I understand them now?

Kung pinili ko kaya noon si Allon, magiging masaya pa rin kaya ako kahit na nahihirapan akong lunukin ang bawat araw na kasama siya kahit na may responsibilidad akong kailangang gampanan noon kay Hanniel? Kahit na ikinukulong ko si Allon sa responsibilidad na hindi niya naman dapat nahahawakan sa edad namin noon?

Hindi ko alam. And I will never know. But I wonder if I were given a chance to re-do the past, pipili kaya ako ng ibang desisyon? 

Inisip ko ang lahat ng madidilim na gabi na iniyakan ko at kinailangan kong harapin dahil sa sakit at galit. Am I willing to face them again. . . to make the same choices so I can end up with a same future?

I wonder if Allon regrets his past choices. Kung siya kaya ang tatanungin, may mga desisyon kaya siyang pinagsisihan niya? Kung bibigyan kaya siya ng pagkakataong ulitin ang nakaraan, babaguhin niya kaya ang iba niyang mga naging desisyon?

Pinagmasdan ko si Allon habang nakatanaw siya sa malawak na plantation na nasa harapan naming dalawa. Nasa likod lang 'yon ng mansyon at malawak na taniman ng mangga ang nandoon. May katandaan na ang ilang mga puno at may mga pailaw rin doon. I wonder how much this plantation costs. 

Dinig na dinig ang pagsayaw ng mga dahon sa mabining ihip ng panggabing hangin. Maliwanag dahil sa pailaw sa palibot ng manor, maging ang ilaw galing sa plantation, at ang maliwanag na ilaw mula sa buong-buong buwan. Dinig na dinig ko rin ang mga kuliglig at ang ugong ng gabi.

Pinaglaruan ko ang singsing na soot ko sa palasinsingan. I've always worn one since I graduated from college. I tried so hard to avoid getting into troubling conversations. Lalo na nang magsimula nang mag-aral si Hanniel at nakakasalamuha ko na rin ang ibang mga magulang. Ayaw ko nang may magtanong pa sa 'kin kung nasaan ang tatay ni Hanniel. It's easier to say that I am married and Hanniel's father is just away. 

This is War (War Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon