Chapter 22

2K 87 27
                                    

#war3wp

Chapter 22

Stay With Me

"Pick up. Pick up," paulit-ulit kong sabi habang bumubuhos ang mga luha ko at mariing nakadikit sa tainga ang phone.

I shouldn't cry. I shouldn't get stressed. But how can I not be?

"Ise, please," I mumble. "Please."

My room is dark and quiet. Tanging ang mga hikbi ko lang at ang mahihinang bulong ang maririnig. Tanging ang ilaw lang na nanggagaling sa phone ang nagbibigay ng liwanag. 

Nang hindi sumagot si Ise, lalong bumuhos ang mga luha ko at lalong lumakas ang hagulgol.

No! How can Ise do this to me? He won't do this to me.

Sinabunutan ko ang sarili ko at para bang bumabalik sa alaala ko ang lahat ng mga bagay na sinabi niyang tutuparin niya.

That he will protect me, love me, and always be by my side. That he will stay with me forever and that he will spend this lifetime with me.

"Hanani?"

Kinagat ko ang labi ko at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.

"Hanani, what's wrong?" I hear my mother's voice.

Lalong bumuhos ang mga luha ko pero kumalma ang paghagulgol. I hear my mom opening my room's door. Huli na para itago ko ang mga luha at ang pag-iyak kaya hinayaan kong lumapit si Mommy at umupo sa tabi ko.

She caresses my hair and I bite my lip as my heart clenches because of how painfully comforting Mom's hold is. Ipinatong ko ang baba ko sa mga tuhod kong yakap-yakap ng dalawa kong mga braso at patuloy na bumuhos ang mga luha.

"May problema ba?" tanong ni Mommy sa 'kin at lalong bumuhos ang mga luha ko. "Sa school ba? Sa love life?"

Tiningnan ko si Mommy at lalong nanlabo ang paningin ko sa mga luhang hindi tumitigil. Isinandal ko ang pisngi sa mga tuhod ko habang tinitingnan si Mommy. Hindi ako sumagot.

Inipit ni Mommy ang takas kong buhok sa likod ng tainga ko. Her delicate fingers feel comforting as they brush on my hair. Para akong hinehele. Para akong pinatatahan. 

"Si Ise ba? May problema kayo, ano?"

I sob and I don't answer.

"Hindi na siya nagpupunta rito. Napapansin ko rin na parang lagi kang malungkot," ani Mommy. "Ano ba'ng problema?"

Natahimik kami. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan kong umagos ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. My mom's heart will break apart and I don't know how much it will hurt me too. 

"Mommy." My voice breaks when I decide to finally speak. "Pwede pong payakap?" I ask, almost in a whisper, scared of the truth and of the reality. 

"Oo naman," ani Mommy at nahimigan ko ang pagkabasag ng boses niya.

When she finally envelopes me inside her arms, I cry more. And more. And more. Until I finally fall asleep.

When I wake up, I wake up on my bed beside my Mom who's still sleeping. Amoy na amoy ko ang pamilyar na matamis niyang pabango. I always find comfort in her smell. Gustong-gusto ko ang pabango niya maging ang pakiramdam ng lapit sa 'kin ni Mommy.

This is War (War Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon