Chapter 28

2.5K 155 92
                                    

#war3wp

Chapter 28

Hate

Napasinghap ako nang magising ako sa isang masamang panaginip. When I open my eyes, I see the morning sunlight kissing the ceiling of my peacefully quiet room. Malamig ang paligid at dinig na dinig ko ang huni ng mga ibon mula sa labas ng bintana at ang ugong ng umaga. Dinig na dinig ko ang mabilis na paghinga ko at damang-dama ko rin ang pagsakit ng ulo ko dahil sa takot na dulot ng panaginip. 

It's been a year of repetitive nightmares. Paulit-ulit ang mga panaginip pero paggising ko, agad ko rin namang nalilimutan. Madalas na tungkol 'yon sa pagtakbo ko mula sa kung ano o kaya naman, naiiwan ako nang mag-isa. Ang iba pang mga panaginip, hindi ko na matandaan.

Sinapo ko ang noo ko at unti-unti na akong bumangon mula sa kama. Nang lingunin ko ang crib na katabi ng kama ko at nakitang wala roon si Hanniel, agad akong napabangon at nagpa-panic na umalis ng kama para kunin ang robang nakasabit malapit sa pinto ng kuwarto. I immediately go out of my room while tying the knot of my silk robe, trying to look for Hanniel on each room I pass by. 

Pero nang marinig ko ang hagikgik niya malapit sa hagdanan ng bahay, agad akong lumapit doon at nakita si Mommy na karga-karga si Hanniel habang parehas silang tumatanaw sa labas ng bintana ng hallway. 

Hanniel laughs as he tries to reach for the window. "Ber," he mumbles and chuckles. 

"Yes, bird," ani Mommy at hinalikan ang pisngi ni Hanniel. 

Hindi inalintana ni Hanniel ang halik sa kaniya ni Mommy at patuloy lang na sumusubok na abutin ang bintana. 

Niyakap ko ang sarili ko at pinagmasdan si Mommy na ngumingiti habang itinuturo kay Hanniel ang ibon. Hindi ko mapigilang makaramdam ng konsensya. 

My parents are helping me raise Hanniel. Dahil kung ako lang naman, alam kong hindi ko kaya o kung kayanin ko man, hindi ganoong magiging kaayos ang mga bagay na maibibigay ko kay Hanniel. I am in my sophomore year and I don't even have a job. Gustuhin ko mang kumuha, sina Mommy na ang nagsabi sa 'king 'wag ko nang alalahanin ang gagastusin at mag-focus na lang ako sa pag-aaral. 

Even though they told me to not worry, I still feel guilty every time. Hindi naman sila ang nagkamali pero isa sila sa mga bumubuhat ng responsibilidad na ako dapat ang umaako. They are even paying for my tuition fee and the things I need for school. Sila na ang sumasagot ng lahat ng 'yon at hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkahiya. 

Namuo ang luha sa mga mata ko pero agad ko 'yong pinigilan nang lumingon sa gawi ko si Hanniel at nagtama ang mga tingin naming dalawa. Ang singkit niyang mga mata ay inosenteng nakatingin sa 'kin. Magulo rin ang buhok niya at pulang-pula ang mga bilugan at malalambot na mga pisngi.

"Mama," Hanniel says when he sees me and my mom looks at me too. 

Agad akong lumapit at hinalikan ang pisngi ni Hanniel. Amoy na amoy ko ang mabango niyang pulbo.

Agad na inabot sa 'kin ni Hanniel ang dalawang niyang kamay—nagpapakarga at sinunod ko naman ang gusto niya. Hanniel immediately wraps his arms around my neck. Isinandal niya rin ang pisngi sa balikat ko na para bang gusto niyang matulog. Agad na hinaplos ni Mommy ang likod ni Hanniel. 

"You want to sleep?" I ask Hanniel. Agad siyang umungot at hinalikan ko ulit ang ulo niya.

Mommy is in her pajamas too. She has always been a morning person. Bumisita siguro siya sa kuwarto ko kanina kung saan ko rin pinatulog si Hanniel kagabi at nakita niyang gising ito. Mukhang namana kasi ni Hanniel kay Mommy ang pagiging morning person. Hanniel always wakes up early and sleeps frequently. 

This is War (War Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon