Ceirill's POV
TIME CHECK: 11:00am
Mag isa ako ngayon na papasok boys dormitory. Magkahiwalay kasing building ang boys dormitory at sa girls. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Ahhh mag tanong nalang ako sa mga dumadaan. Nilapitan ko yung isang matangkad na lalaki na parang papalabas ng building Mukhang masungit pero hayaan na kasi gwapo naman. Matangkad, pula ang buhok, maayos ang kilay pero yung mata nya ay parang pula na nagiging kahel tulad ng apoy.
"H-hello po kuya. Pwedeng maka hingi ng tulong?" tanong ko kay kuya nung naka lapit ako sakanya. Tumigil naman sya pero hindi nya ako tinignan.
"Ano yon bata?" sabi nya
"B-bata?! Hoy! hindi na ako bata. 18 yrs old na ako" sagot ko sakanya
"Ano bang sasabihin mo? Nakaka ubos ka ng oras ko eh. Pasalamat ka maayos pa kitang kinakausap" ang sungit pero gwapo parin. Crush kona toh hehe
"Ahm mag tatanong sana ako kung saan yung Room 199?" tanong ko sakanya ng room ko para hindi na ako mahirapan pa sa pag hahanap. Mukha pa syang nagulat sa tanong ko.
"Anong gagawin mo sa kwarto nya? Isa kaba sa mga nag kakagusto sakanya?" clueless naman ako sa tanong nya. Sabog ba toh?
"Ah hindi ko po alam ang sinasabi nyo. Doon po kasi ang room ko. Alam nyo na, bago lang. Wala pang alam" sagot ko nalang.
"Tss gamitin mo yang elevator sa kaliwa. Pumunta ka sa 19th floor. Hanapin mo nalang doon tutal naka lagay naman sa pinto yung mga room numbers." at bigla nalang umalis si kuyang pogi. Hmmp sungit talaga
Pumunta na ako sa elevator na tinutukoy nya at pinindot ang 19. Kahit pala may magic dito, may mga bagay parin na normal lang tulad nitong elevator. Akala ko kasi puro magic lang dito. Unti unti rin naman ay nadidigest kona na nag eexist ang magic. Pero hindi ko alam kung may magic din ba ako.
Lumabas na ako ng elevator at sinimulang hanapin ang Room 199. Nung makita kona ay kinuha ko ang susi na bigay din ni Headmistress Owen kanina. Pag bukas ko ay malinis at halatang alagang alaga ito dahil may nakita akong gamit panlinis sa gilid. May dalawang kabinet at dalawang kama. Sakto lang ang size ng kama para sa dalawang tao. Sino kaya kasama ko dito? Lumabas din kaya sya?
Lumapit ako sa isang kabinet na alam kong wala pang gumagamit dahil bukod sa plain itong tignan ay may pangalan yung isa na Julius. Baka Julius yung name ng kasama ko.
Hinawakan ko yung kabinet at parang naka ramdam ako ng parang kakaiba. May hinihigop saakin na ewan. Pinag sa walang ko nalang at tuluyang binuksan ang kabinet at nakita ko doon ang mga uniform yata para sa school na ito. Kasama na rin ang black shoes at rubber shoes. Kumpletong kumpleto na. At mukhang saktong sakto saakin dahil maliit lang ako at maliit din ang sizes ng mga ito. Ang galing, baka magic nanaman ang dahilan nito.
Binuksan kona ang dalawang maleta ko na kanina kopa hila hila at sinimulang ayusin ang mga damit ko. Habang nag aayos ako ay may narinig akong pumasok kaya tinignan ko ito. Pumasok yung lalaki na matangkad at maputi. Kulay puti ang buhok at gray naman ang mata nya. Gandang lahi naman nito.
"A-ahh hello" ang sabi ko.
"Oh ikaw ba yung bago kong roommate? Ako nga pala si Julius Mort Nilsen. Julius nalang" sabi nya sabay lahad ng kamay nya para makipag shakehands. Tumayo ako ng tuwid at kinamayan sya.
"Ako naman si Ceirill Marvix" sagot ko.
"Buti naman mabait ka. Magkaka sundo tayo. At bilang roommate mo ay obligasyon ko na itour ka sa buong academy. Anong oras naba?" at tumingin sya sa orasan na nasa sabit sa dingding. "11:20am sige bilisan mo dyaan at after 10 minutes ay pupunta tayong cafeteria para kumain. Don't forget to bring your badge"
Naglalakad na kami ngayon papunta sa cafeteria. Hindi ko lang alam kung bakit andaming naka tingin saamin ng masama, o baka saakin lang. Akala mo naman kung sinong galit. Pwes galit din ako sakanila.
"Ako na ang oorder, humanap ka nalang ng mauupuan natin." sabi ni Julius. Swerte naman at naka kita ako ng table sa tabi ng glass wall kaya doon na ako umupo habang hinihintay si Julius.
Siya ba yung bago?
Mukhang sya nga
Kasama nya pa si Prince Julius ah
Etchuserang bakla
Lakas ng loob nyang tumabi sa Prinsipe natin e baguhan lang naman sya
Mukha pang mahina yan eh
Oo nga sis, ang hina ng nararamdaman ko sakanyang magi
Parang wala nga eh
Bulungan pa sila eh rinig na rinig ko naman. Hindi ko nalang sila pinansin pa dahil nakita kong papalapit na si Julius dala dala yung tray na naglalaman ng pagkain.
"Natagalan ba ako? Pasensya na" paumanhin nya sabay kamot sa batok nya. Ang gwapo rin nitong si Julius noh at cute din kapag naka ngiti. Pero mas gwapo parin yung masungit kanina.
"Ah hindi ayos lang. Nakaka hiya nga eh kasi ikaw pa nag dala ng pagkain mag isa" sagot ko sakanya
Habang kumakain kami ay tinuturo na nya ang mga bagay na dapat kong malaman dito sa academy. Sa mga rules hanggang sa mga klase na dapat kong attendan bilang isang Junior Student. Nalaman ko rin na Senior Student na sya dito. Wind ang magi na mayroon sya.
"Ikaw ano ang magi mo?" tanong nya saakin.
"Sa totoo nyan ay hindi ko alam. Bago lang saakin ang mga ito. Hindi ko nga alam na totoo pala ang mga magic magic na yan" sagot ko sakanya.
"Ahhh ganun ba. Mahihirapan ka nyan. Kailangan sa loob ng isang buwan ay malaman mona ang magi mo at mapalakas ito kahit kaunti." sabi ni Julius.
"Baket? anong meron sa susunod na buwan?" tanong ko sakanya. Juskooo baka kapag ba wala akong magi ay paaalisin nila ako sa academy na ito?
"Ah sa susunod na buwan kasi ang Show Off. Dito malalaman kung anong level ka dapat mapa bilang. May limang klase ng Level. Una ang Mara dahil ito ang pinaka mababa. Pangalawa ang Shoren, Pangatlo ang Kito, Pang apat Teno. Ang pang huli at pinaka mataas sa lahat ay ang Senshi." grabe na pala. Baka sa susunod na buwan ay nasa Mara lang ako.
"Eh anong level mona?" tanong ko uli sakanya. Nabigla ako sa naging sagot nya sakin.
"Nasa Senshi" sagot nya saakin ng naka ngiti pa ng sobrang tamis.
------------------
Please vote and comment guys. Love lots
BINABASA MO ANG
Teirus Academy: School of Magic (M2M Story) (ON-GOING)
FantasyIsang paaralan para sa mga batang may taglay na kakayahan. Isang lugar para sa mga batang huhubugin ang kanilang mga kapangyarihan para sa kinabukasan. Isang mundo na punong puno ng mahika. Dito sa paaralang ito papasok ang binatang si Ceirill Marvi...