CHAPTER 1

1.9K 114 3
                                    

Ceirill's POV

"Nakikiramay ako Cei"

"Makakaya mo rin ito bata"

"Kung kailangan mo lang ng tulong, punta kalang samin Ceirill"

Hindi ko na sila pinag tuonan pa ng pansin. Hanggang ngayon kasi ay masakit pa na maiwanan ng taong mahal ko. Wala na akong pamilya pa. Wala na si mama.

"Cei anak kumain kana ba?" tanong ni Tita Sesang. Kapit bahay namin mula ng mamulat ako sa mundong ito. Opo nalang ang isinagot ko habang naka tingin parin sa kabaong ng mahal kong ina. Ito na rin kasi ang huling gabi nya bago sya ilibing.

"Cei nak, alam kong matatag ka. Kung kailangan mo ng tulong ay nandito lang ako ha?" tumayo na si Tita Sesang at inasikaso ang mga dumarating na bisita.

Bumabalik nanaman ang mga ala-ala na kasama kopa ang mama ko. Masaya araw araw kahit na mahirap mabuhay ng kaming dalawa lamang sa bahay. Nandiyan nga si Tita Sesang pero iba parin kasi kung kapamilya mo eh. Araw araw akong tinuturuan ni mama kung paano gumamit ng espada pero sabi nya ay yun lamang ang alam nyang magiging bonding namin. Masakit man pero kakayanin ko ang buhay kahit wala na si mama.

Magiging matatag ako gaya ng lagi mong pinapa alala saakin mama. Walang makaka tibag sa isang Ceirill.

after 3 months

Time Check: 6:00am

riiiiinnggggggg~

Kinapa ko ang alarm clock ko sa gilid ng kama at umupo. Kinusot kopa ang mata ko dahil sa antok pero kailangan ng bumangon. Bawal ang tatamad tamad!

"Good morning world. Good morning mama" banggit ko sa kung saan kahit wala namang ibang tao dito sa kwarto ko maliban sakin.

Bumangon na ako at pumunta ng banyo para makapag hilamos. Tamang sabon lang sa mukha at banlaw na. Habang pinupunasan ko ang mukha ko ay pinagmasdan ko yung mukha ko. Mula sa Kilay ko na kaunting makapal, sa maliit ngunit matangos kong ilong, matatabang pisngi at sa mapula kong labi na hugis puso. Naaalala ko rito ang mama ko. Sakanya ko kasi namana ang mga ito. Ang buhok ko naman na kulay silver, gayun din ang mata ko ay sa ama ko naman raw namana. Yun ang sabi ni mama nung buhay pa sya.

Bigla ko nanaman naalala si mama. Sumakit nanaman ang puso ko pero nangako ako sa harap ng puntod ni mama na hindi na ako iiyak. Kailangan kong mag pakatatag ngayon lalo na at wala na akong pamilya pang kilala rito kundi sina Tita Sesang nalang at ang anak nyang napaka sungit na si Kuya Kiel.

Ako nga pala si Ceirill Marvix, 18 years old at Magiging college student na this school year.

Bumaba na ako at nakita ko si Tita Sesang na nag hahain na ng almusal. Nakita ko rin si Kuya Kiel na nag kakape habang naka harap sa kanyang Laptop. Mula kasi ng mawala si mama ay dito kona sila pina tuloy para hindi ako mag isa. Malaki naman ang bahay namin. Pumayag din naman sila kaya lubos ang pag papasalamat ko sakanila.

"Oh Ceirill, nandyan kana pala. Tamang tama at naka ready na yung pagkain. Sabay sabay na tayong kumain halika" Sabi ni tita kaya umupo ako sa tabi ni kuya kiel na parang mas sariling mundo dahil hindi man lang ako pinansin. Hmmp sungit, pasalamat ka pogi ka.

"Good morning tita, good morning din sa masungit kong kuya" sabi ko at natawa kaming dalawa ni tita sesang pero wala paring reaction itong katabi ko. Habang kumakain kami ay biglang nag tanong si tita kung saan ko balak pumasok ngayong college na ako. "Wala pa nga po akong naiisip na school eh. Pero mamaya po ay mag s-search ako or baka sa school nalang po na pinapasukan ni kuya kiel para isahang enroll nalang" sagot ko.

"Magandang ideya yan. Basta sabihan mo nalang ako kung kailangan mo ng tulong" sabi ni Tita sesang. Bait talaga nya, ewan ko naman dito sa anak nya na parang pinag lihi sa sama ng loob.

Pag katapos kumain ay pumasok ulit ako sa kwarto para sana kunin ang laptop at mag search ng school pero nahagip ng mata ko ang malaking kahon na lagayan ng mga gamit ni mama noon. Binuksan ko ito at tumambad saakin agad ang espada. Hindi katulad dati na espadang kahoy lang ang gamit namin ni mama kapag nag eensayo kami. Eto ay totoong bakal. At mapapansin mo agad kung gaano ito ka kinang sa gintong hawakan nito pero mukhang luma na ito dahil sa hindi na sya ganoon kahasa.

Napansin ko rin ang isa pang maliit na kahapon kaya kinuha ko ito at umupo sa kama. Binuksan ito at nakita ko sa loob ang isang kwintas na may pendant na isang dyamanteng. Maliit lang yung dyamante pero mukhang may kakaiba. Hindi ko alam kung ano pero hinayaan ko nalang at inilagay ulit sa kahon. Nakita kopa ang isang papel at pag bukas ko nito ay may sulat ni ina. Ngayon ko lamang ito nakita.

Kamusta na ang mahal kong anak?. Kumakain kaba ng maayos dyaan? Alam kong wala na ako sa tabi mo kapag nabasa mo ang sulat na ito. Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Alam kong makakaya mo ng wala ako sa tabi mo. Malakas kana kaya. Nakaya mona nga akong matalo sa isang dwelo sa espada hahaha.

Gusto ko lamang ipaalala sayo na mag pakatatag ka sa lahat ng oras. Gusto kong pumasok ka sa Teirus Academy. Alam kong pag dating mo roon ay magbabago na ang buhay mo. Hindi iyon katulad ng inaasahan mo. Alam kong handa kana. Sinanay kita para balikan ang buhay na ipinagkait ko sayo. Balikan mo ang mundo natin anak.

Sa oras na alam mo sa sarili mo na handa kana. Nais kong pumunta ka sa isang lugar na walang makaka kita saiyo. Mag paalam kana rin pansamantala sa mga maiiwan mo dyaan. Banggitin mo ang pangalan ng academyang tinutukoy ko ay sa oras din na iyon ay may susundo. Mag tiwala ka lamang saakin anak dahil nag titiwala rin ako sa kakayahan na mayroon ka.

Mag-iingatan ka anak.

Nagmamahal,
Lea

-------------------------------------

Please do vote and comment guys. Thank you!

Teirus Academy: School of Magic (M2M Story) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon