Ceirill's POV
Dalawang araw na mula ng mabasa ko ang sulat ni mama pero gulong gulo parin ako. Maraming katanungan sa isip ko pero wala akong mahanap na sagot. Maraming bumabagabag sa isip ko na gusto kong kalimutan pero bigla nalang sumasagi sa isipan ko. Curiosity kills the cat sabi nga nila kaya napag isip isipan ko na gawin at sundin ang mga sinabi ni mama sa sulat.
Nakapag paalam na rin ako kay Tita Sesang na may nahanap na akong school. Sabi ko ay bukas ng umaga na ako aalis at baka hindi na nila ako maabutan dahil maaga ang byahe. Grabe ang iyak ni Tita dahil doon pero sabi ko naman na kung may oras ako ay dadalaw naman ako dito. Si Kuya Kiel naman ay naka tingin lang saakin nung nag papaalam ako kay Tita. Sakanila kona hinabilin yung bahay tutal pamilya narin naman ang turing ko sakanila.
Hindi pa ako nakaka tulog at 4:00am na ng umaga. Isa isa kong inaayos ang mga gamit na dadalhin ko dalawang maleta. Suot ko ngayon ay isang black reap jeans, red plain shirt na naia tuck-in, denim jacket at pinaresan ko ng white rubber shoes. Sinuot ko rin ang kwintas na nakita ko sa kahon ni mama. Hindi kona dadalhin yung espada baka isipin pa nila na siraulo ako hahahaha
Kinuha ko ulit yung sulat ni mama at binasa yung pangalan nung academy na tinutukoy nya.
Teirus Academy
Teirus Academy
Teirus Academy
Maya maya ay may narinig akong busina sa harap ng bahay namin. Pag tingin ko ay may isang magarang kotse na naka parada sa harap namin. Bumaba rito ang isang medyo may katandaan na lalaki at bigla itong kumaway sa direksyon ko. H-halaaaaa eto ba yung sinasabi ni mama sa sulat?
Lumabas ako ng bahay dala ang dalawang maleta ko."Ikaw ba si Ceirill Marvix?" tanong ni manong driver nung kotse.
"A-ahh o-opo ako nga po" sagot ko sakanya kahit na naguguluhan parin bakit ang bilis nyang naka punta rito.
"Sakay kana iho. Ako ng bahala sa mga gamit mo" sabi ni manong habang naka ngiti. Okay naman sya. Mukhang wala naman syang gagawing masama dahil halata sa mukha ni manong na masiyahin sya.
Sumakay nalang ako at maya maya ay umandar na ang sasakyan. Naka tingin lang ako sa bintana habang papalayo ang kotse sa bahay namin ng may maalala ako. "Hala manong balik po tayo. Wala pa pala akong pera pang gastos"
"Hindi mo naman kailangan ng pera sa Teirus Academy. May ibibigay sayo ang school na syang gagamitin mo pang gastos. Doon ka rin titira sa dorminoty nila. Huwag kang mag alala at ligtas ka doon" sagot ni manong.
Ahh parang scholar pala ako. Mabuti na rin para hindi ko na kailangan mag hanap ng trabaho. Makakapag focus pa ako sa pag aaral ko diba.
Habang binabagtas namin ang daan ay hindi ko namalayan na naka tulog pala ako. Nagising nalang ng maramdaman ko na parang may umaalog saakin. "Iho gumising kana. Nandito na tayo sa harap ng papasukan mo."
Bumaba ako ng sasakyan at nakita ko na nasa harapan kona ang napaka laking gate. Sobrang ganda at mahahalata na gawa ito sa matibay na bakal sa sobrang kapal nito. Grabe parang hindi ko kayang itulak to sa sobrang laki. Makikita mo sa itaas ng gate ang pangalan ng academy. Kulay ginto ito at kumikinang dahil sa araw. Hahakbang na sana ako ng may narinig akong babae.
"O my gosh! finally nandito na rin ako" sigaw nung babae na papunta sa tabi ko. "Omg! hello, bago karin ba dito?" tanong nya saakin ng maka lapit na sya.
"Ah oo bago lang ako rito. Actually papasok palang ako. Sabay kana?" sabi ko sakanya.
"Sige tara. Ako nga pala si Celestine. Celestine Gray. Ikaw anong pangalan mo?" tanong ulit nya sakin habang papasok kami sa gate. Nakaka mangha nga kasi bigla nalang bumukas na parang pinapa pasok kami.
"Ako naman si Ceirill Marvix" sagot ko
"Marvix? Familiar pero hayaan mona. Baka kamukha lang hehe" sabi ni Celestine. "Ano palang magi mo?"
"Hah?" tanging naisagot ko.
"Magi...like power" sagot nya na patanong din.
"Ahmm i don't know what you are talking about hehe" tanging naisagot ko nalang.
"Oh my gashhhh!!! hindi mo alam? Wala ka? Tulad nito" sabi nya at bigla nalang syang nawala sa harapan ko. Nakita ko nalang sya na nasa malayo habang kumakaway saakin. Nakita ko rin ang ibang tao dito. May lumulutang. Nag bubuhat ng malaking bato. Yung isa nakita ko na bigla nalang syang naging tatlo at marami pang iba. "Ano alam mona?" biglang sumulpot si Celestine sa harap ko.
"D-did you just t-eleport?" nauutal kong tanong sakanya kasi hindi talaga ako maka paniwala sa mga nakikita ko
"Ahahahaha ano kaba. Speed ang magi na meron ako. Sa paa ko dumadaloy ang magi na meron ang katawan ko." sagot nya.
Wala na akong nasabi pa kaya hinila nalang ako ni Celestine sa kung saan habang tinitingnan ko parin ang mga taong gumagamit ng magic. Sandale, tao nga ba sila?
Napa tigil kami sa harap ng isang may kalakihang pinto at kumatok si Celestine doon. May narinig kami ng isang boses at pinapa pasok kami sa loob. Wal namang pag dadalawang isip na pinihit ni Celestine yung doorknob at hinila ako sa loob at nakita namin ang isang magandang babae na may Itim na itim na buhok at maputing balat. Ang ganda nya kahit halata sakanya na matanda na.
"Welcome sa Teirus Academy. Ako nga pala si Evanesa Owen. Ms. Owen nalang ang itawag nyo saakin. At ako ang Headmistress ng Academy na ito" Sabi saamin ni Ms.Owen habang may malaking ngiti sa kanyang mga labi "Heto ang susi ng dorm nyo, badge at heto rin ang schedule nyo. Bukas pa ang start ng klase kaya free kayo ngayong araw. Ang mga gagamitin nyo sa school na ito ay nasa kanya kanyang dormitories nyo na. And again Welcome to Teirus Academy. School of Magic"
Lumabas na kami ni Celestine pero hindi ko parin madigest ang lahat ng nangyayari.
Mama tulungan mokooooooo....
-----------------------------
Please vote and comment para po alam ko kung may nag babasa. Thank you!
BINABASA MO ANG
Teirus Academy: School of Magic (M2M Story) (ON-GOING)
FantasíaIsang paaralan para sa mga batang may taglay na kakayahan. Isang lugar para sa mga batang huhubugin ang kanilang mga kapangyarihan para sa kinabukasan. Isang mundo na punong puno ng mahika. Dito sa paaralang ito papasok ang binatang si Ceirill Marvi...