Drex Alestair's POV
Napansin namin nila Julius ang biglaang panginginig ng tuhod ng Ceirill na iyon. Mababakas kay Julius, River at Amethyst ang pag aalala sakanya pero hinayaan kona ito at maiging naka tingin kay Miranda. Hindi na sya mag hohold back pa at pinapakita na nya ang totoo nyang kapangyarihan.
"Ang akala ko ba ay hindi nya gagamitin ang buong lakas nya sa labanang ito? Napaka sinungaling ng babaeng yan kahit kailan." sabi ni Amethyst habang patuloy na pinag mamasdan ang nanginginig na si Ceirill sa gitna ng field.
"Stop it Amethyst! You can't dictate her actions stop saying nonsense things." sabat ko naman sakanya.
"Ayan kananaman sa pag tatanggol mo sakanya Drex. Napaka sarado ng isip mo pag dating sakanya, tss" sabi nya habang masamang naka tingin saakin.
Hindi kona ito pinansin pa at nanood nalang ulit sa field. Ang pag kakaalam ko ay wala pang kapangyarihan ang Ceirill na ito kaya kung ayaw nyang mahirapan ay sumuko na sya.
Aalis na sana ako ng makarinig ako ng sigaw sa field kaya dali dali akong napa tingin rito at nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon sa field. Inilabas nya talaga ang guardian nya rito?!
------------------------
Ceirill's POV
Nanginginig ang mga tuhod ko at ramdam ko ang takot sa buo kong katawan. Alam ko sa sarili ko na hindi ito normal kaya dahan dahan akong napa tingin kay Miranda at nakita itong naka ngiti habang masayang pinagmamasdan ang pagka takot ko.
"Ramdam mo ba iyon? Hahahaha lasapin mo ang aking kapangyarihan." sabi nya kaya nakumpirma ko ang nangyayari.
Siya ang dahilan kung bakit ko ito nararamdaman. Natatakot ako kahit na walang sapat na dahilan. Nanginginig ang mga tuhod ko kahit na wala pa man syang ginagawang kilos. Fear Magic
"M-matakot man ako d-dahil sa magi na hawak mo. H-hin-ding h-indi naman ako m-magpapatalo s-s-sayong p-pangit ka." sabi ko naman sakanya at napansin ko na nawala ang mga ngiti nya dahil doon.
"Kung ganon ay mag hihirap sa kinatatayuan mo ngayon. Amids! lumabas ka!" sabi nya at bigla syang may tinawag at ilang sandali lamang ay nasa tabi na nito ang isang Wolf Beast na nabasa ko noon sa isang libro. Kung ganon ay ito na ang guardian nya. Mahihirapan na ako lalo sa sitwasyon kong ito. "Sugurin sya!" pag uutos niya sa guardian nya kaya dali dali itong tumakbo sakin at kinalmot at tagiliran ko.
Napa hiyaw naman ako sa sakit kasabay nito ang pag tilapon ko malayo sa kinatatayuan ko kanina. Ang sakit ng sugat ko dagdag pa nito ang panginginig ko sa takot dahil sa magi ni Miranda.
Gusto ko nalang sumuko na dahil alam kong wala na akong laban. Itataas kona sana ang kamay ko para sumuko ng pumasok sa isipan ko si Mama.
Tama, kung susuko ako ay parang sinukuan kona rin ang habilin ni mama. Parang sinukuan kona ang lahat ng pag hihirap ko lalo na ng mga kaibigan kong sumuporta saakin.
Tinignan ko sina Celestine, Klay at Jeirus at nakita kong nag aalala sila sa kalagayan ko. Sunod kong tinignan ang direksyon nina Julius na nag aalala rin saakin maliban kay Alestair na wala man lang emosyon kaya napa ngiti ako. Napansin ko pa na tumango saakin si Julius na tila sinasabi nito na kaya ko pa.
Hindi na ako nag dalawang isip pa at hinawakan mo ang kwintas ni mama at ilang sandali pa ay nag liwanag ito. Nawala sya sa leeg ko at nag porma itong espada. Itong espada ang nakita ko noon sa kwarto ni mama pero ngayon ay mukha na syang bago.
Ginamit ko itong pang suporta para tumayo dahil nanginginig parin ang mga paa ko. Pero ang sugat ko, napansin ko na paunti unti ay nag hihilom ito. Nabigla ako sa nangyayari pero wala na akong dapat pang sayangin na panahon.
Itinaas ko ang kamay ko sa direksyon ni Miranda at ng Guardian nyang nasa tabi nya. Ibinigay ko ang buo kong lakas at ginawang pabigatin ang espasyo ni Miranda kasama ng Guardian nya. Bakas kay Miranda at sa mga manonood ang pagka bigla sa ginawa ko pero hindi na ako nag sayang pa ng oras at tumakbo na ako patungo sakanila.
Habang tumatakbo ay napansin ko na wala na ang takot na nararamdaman ko marahil ay nabitawan ni Miranda ang magi nya saakin. Hinanda ko ang espada ni mama at walang pasubaling isinaksak sa dibdib ng guardian nya. Humiyaw ito sa sakit pero hindi pa ako tapos. Habang naka baon sa dibdib ng wolf beast ang espada ko ay buong pwersa ko itong hiniwa pataas sa ulo nito.
Dahan dahang nag laho ang Wolf Beast ni Miranda pero sigurado naman akong hindi ito namatay dahil hanggat buhay ang pinag lilingkuran nila ay matatawag at matatawag parin sila nito hanggat may sapat na magi sa katawan.
Dahan dahan akong nag lakad sa harapan ni Miranda at mas binigatan pa ang kinalalagyan nya dahilan para tuluyan na itong mahiga sa sahig. Nakita ko pang nagka roon ng bitak ang lupa sa bigat nito.
Itinutok ko sa leeg nito ang espasa na hawak ko at humiti. "Talo kana Miranda" saad ko sakanya.
Lumuluha naman itong naka tingin saakin kaya nakaramdam ako ng awa kaya binitawan ko na ang kapangyarihan ko sakanya.
Ibinigay ko ang kamay ko sakanya para tulungan syang maka tayo pero hindi ko na naituloy ng biglang may tumulak saakin dahilan para masubsob ako sa lupa.
Nakita ko si Alestair na inaalo ang umiiyak na si Miranda at naka yakap pa ito sakanya. Tinignan ako ni Alestair ng masama na syang ikinabigla ko.
Wala naman akong ginawang masama sakanya pero bakit ganito sya kung umasta saakin. Sya pa ang nag tulak saakin kaya nandito ako ngayon sa lupa.
Nakita kong tumatakbo ang mga kaibigan ko saakin na may pag aalala sa mga mukha nila kaya nginitian ko nalang sila para masabi ko na ayos lang ang lahat,...kahit na hindi.
Ako ang nanalo pero bakit parang ako ang natalo at pinaka mahina sa lahat.
------------------------------------------------------------------
Sorry kung ngayon lang ulit nakapag update. Busy na kasi ako dahil start na ng second sem namin. Kailangan mag focus sa pag aaral. Pero don't worry, itutuloy ko parin itong story dahil gustong gusto kong matapos ito.
Sana ay hindi kayo mag sawang mag hintay sa update (if may nag hihintay. Hehehe). Salamat and ingat palagi! :)
BINABASA MO ANG
Teirus Academy: School of Magic (M2M Story) (ON-GOING)
FantasíaIsang paaralan para sa mga batang may taglay na kakayahan. Isang lugar para sa mga batang huhubugin ang kanilang mga kapangyarihan para sa kinabukasan. Isang mundo na punong puno ng mahika. Dito sa paaralang ito papasok ang binatang si Ceirill Marvi...