Ceirill's POV
Parang kailan lang ng kailangan naming mag training para sa Show Off pero ngayon hindi na. Katatapos lang ng Show Off limang araw na ang nakakaraan pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko parin makalimutan ang nangyaring laban namin lalong lalo na ang pagka panalo ko kay Miranda. Naging usap usapan iyon dahil hirap silang paniwalaan na natalo ko ang isang Senshi, ang pinaka mataas na rango sa academy na pwedeng makuha ng isang estudyante. Akalain mong senshi pala ang babaitang iyon.
Kakapasok lang namin sa klase at hiyang hiya ako dahil ako parin ang topic ng chismis sa labas. Hindi ba sila natatapos sa ganyang usapan?! Bakit hindi kaya nila pag usapan ang pwedeng maging solusyon sa ekonomiya at ng maka tulong naman ang mgs uri nilang chismosa.
"Ibang klase ka talaga Cei, ikaw parin ang hot topic ngayon. HAHAHAHA" sabi ni Celestine habang paupo kami sa pwesto namin. Sinamaan ko naman ito ng tingin kaya natahimik na rin sya.
"Uyyy Celestine, Ceirill after ng klase tignan natin yung Announcement Board. Lumabas na daw yung rankings eh" sabi ni Klay sa likod namin kaya napa tingin kami sakanya. Napansin ko pang naka tingin saakin si Jeirus pero hinayaan ko nalang dahil lagi naman syang ganyan, parang lutang.
"Hindi ba isang linggo ang sabi ng host noong Show Off? Limang araw palang ngayon eh" sagot ko naman kay Klay. Sumang ayon naman si Celestine.
"Nabigla nga din ako eh pero okay na rin yun. Excited na akong malaman ang rank na mapapasukan ko. Sigurado akong marami ang mawawala sa Mara." sabi pa ni Klay.
Sigurado ngang marami ang mawawala sa Mara. Sayang lang at hindi pa namin nakikita ang Mara Hall pero mababawasan na ito ng miyembro. Sigurado rin akong matatanggal kaming apat sa Mara at malilipat sa mas mataas. Panalo ang laban naming lahat at sapat na iyon para maalis kami rito.
"I wonder saan mapupunta si Ceirill. After all, natalo nya ang isang Senshi." sabat naman ni Celestine.
Heto nanaman sya at siguradong mang aasar. Araw araw syang ganyan. Aasarin ako dahil sa nangyari noong Show Off. Hindi nya makalimutan iyon at hindi ko rin naman makalimutan yun lalo na ang pag alalay ni Alestair kay Miranda.
"Oh bat malungkot ka?" tanong ni Jeirus.
Napatingin naman ako sakanya dahil minsan lang ako kausapin nito. Sa minsan na iyon ay laging tanong nya tungkol saakin. Kumain na daw ba ako, kamusta ako, at iba pa. Concern yarn? hahaha
"Ah hindi uy. May naisip lang ako bigla kung saang rango ako mapupunta." sagot ko naman sakanya ng naka ngiti. Namula bigla ang mukha nya kahit hindi naman mainit.
"A-ahh siguradong nasa mataas ka. N-natalo mo si Miranda, ibig sabihin non ay mas malakas ka sakanya." sabi naman nya.
"Ahhh buti naman. Nangako ako kay mama na pag bubutihan ko rito dahil sya ang nag sabing dito ako mag aral eh." sabi ko naman habang kinakamot ang ulo ko. Wala akong kuto uyyy, nahihiya lang ako.
"Nasan na ba ang mama mo?" tanong naman nya kaya natahimik ako bigla.
Hindi ko agad nasagot ang tanong nya dahil natandaan ko nanaman ang nangyari kung paano bunawian ng buhay si mama. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang dahilan. Noong una ay nagtataka pa ako pero ng naka pasok ako rito sa academy ay nagkaroon ng tiyansang tama ang hinala ko.
"Ah wala ng magulang si Ceirill. Namatay si mama nya habang hindi nya nakilala ang papa nya." si Celestine na ang naka sagot. Nakwento ko na rin naman sakanya ang buhay ko noon at hindi ko naman itatago kila Klay at Jeirus iyon.
"Ahhh I'm sorry about that Cei." sabi ni Jeirus habang naka yuko kaya nabalik ako sa sarili ko.
"Hala uyyy wala yun. Hindi naman ikaw ang dahilan ng pagka wala nila so bakit ka nag so-sorry. Parang sira toh hahaha"
Nag usap pa kami ng kung ano ano hanggang sa dumating na si Sir.Blas at mukhang may sasabihin sya kaya natahimik kaming lahat. Seryosong usapan ito kaya hinintay namin si Sir na mag salita.
"Heto na ang huling araw na papasukan ko ang klaseng ito bilang instructor nyo." sabi nya na dahilan ng pagka bigla naming lahat. "Tapos na rin kasi ang dapat kong ituro sainyo. Actually ay naataasan lang ako para ituro sainyo ang basic information sa Magi para maka tulong sa Show Off. At ngayong tapos na ang Show Off ay ibig sabihin non ay tapos na rin ang pag tuturo ko sainyo."
Nalungkot naman kami dahil sa sinabi ni Sir. Blas pero tama rin naman sya. Tapos na ang Show Off at iyon ang dahilan kung bakit hindi na sya ang magiging instructor namin. Darating ang mga bagong instructor kasabay nito ang mga bagong subjects na kailangan naming pag aralan. Kami kami parin naman ang nag kakaklase pero iba ibang Hall ang kinabibilangan namin.
Ang Hall na yun ang mag sisilbing training ground namin kapag gusto namin. Kaibiganin mo ang gusto mong kaibiganin pero huwag na huwag mong hahayaan na ikaw ang pinaka mahina sa lahat.
Hindi na nag discuss pa si Sir. Blas at ginamit nya ang oras para bigyan kami ng information sa dapat mangyari sa pananatili namin dito sa Akademya.
Sinabi rin nya na kapag mataas ang ranggo mo ay mataas din ang kayang pag gamitan ng badge mo. Heto kasi ang ginagamit naming pambayad. May limit parin naman kaya kailangang mag tipid.
Natapos ang oras ni Sir. Blas ng may bahid ng kalungkutan pero nangako naman syang bibisitahin nya kami kapag may oras sya tutal daw ay kami ang pinaka paborito nyang klase. Edi wow sayo sir haha
Kasalukuyan kaming nag lalakad papunta sa Announcement board na makikita sa Diamond Building. Malayo palang ay kitang kita na namin ang pag kukumpulan ng mga estudyante roon kaya pinilit naming makipag siksikan para makita ang mga ranggo namin. Pahirapan ang pakikipag siksikan pero ilang minuto rin ay naka punta na kami sa harapan.
"Hayan na sandali hanapin natin pangalan natin" Sabi ni Klay na mababakas sakanya ang excitement. Lahat naman kami ay excited hanggang sa makita namin kung saan naka lagay ang pangalan ko.
____________________________________________
Namiss nyo ba ako? charizzzz
Pasensya na kung sobrang tagal ko mag update. Sobrang busy kasi ng college life lalo na at officer ka ng klase.
Pasensya na talaga.Sana hindi kayo mag sawang mag hintay sa update. Hirap din kasi akong humanap ng inspiration or words na malalagay sa story.
Pero still kahit na walang update, nakikita ko parin naman na may nag babasa so okay na ako dun. Maraming salamat.
BINABASA MO ANG
Teirus Academy: School of Magic (M2M Story) (ON-GOING)
FantasyIsang paaralan para sa mga batang may taglay na kakayahan. Isang lugar para sa mga batang huhubugin ang kanilang mga kapangyarihan para sa kinabukasan. Isang mundo na punong puno ng mahika. Dito sa paaralang ito papasok ang binatang si Ceirill Marvi...