CHAPTER 16

916 95 3
                                    

Ceirill's POV

Isang linggo na lang at mangyayari na ang pinag hahandaan kong event, ang Show Off. Narito kami ngayon sa training room at kasama ko si Celestine at Julius. Pinupulido namin ang mga kakayahan namin sa pakikipag laban gamit ang lakas. Isa ito sa importanteng bagay dahil may pagkakataon talaga na hindi namin magagamit ang mga magi namin kaya sa pisikal na lakas kami babase.

"Ceirill gamitan mo pa ng pwersa para mas maging malakas ang bawat atake mo nang sa ganoon ay mas tumaas ang tiyansa na manalo ka sa duelo." sabi ni Julius habang naka masid saamin ni Celestine dahil kaming dalawa ang nag lalaban. "Celestine huwag lalamya lamya. Mag focus ka, hindi dahil hindi ko sinabing gamitin mo ang magi mo ay pwede kanang maging mabagal"

Nag tuloy tuloy pa ang practice namin hanggang sa pinatigil na kami ni Julius ng maibagsak ko si Celestine sa lapag. Nag pahinga lamang kami ng sandali at sasanayin naman namin ang mga kapangyarihan namin.

Gaya ng dati ay pinapa salo ni Julius kay Celestine ang mga bolang ihahagis nya pero ngayon ay mas malalayong distansya na at mabibilis pa. Bilid rin ako kay Celestine dahil masasabi ko na malaki ang improvement nya. Nakaka tagal na sya ng kalatahing oras sa pag gamit nya ng magi nya samantalang ako ay heto at naiaangat ko pa lamang ang isang buong sofa.

Wala na at doon lang ang kaya ko. Maiaangat ko lamang dahil pagagaanin ko lang ang gravity na naka paligid doon. Tatagal lamang ang pag angat kong iyon ng sampong minuto at kusa na itong babagsak dahil sa nauubusan ako ng magi.

Sinubukan kona rin namang pabigatin ang gravity pero hindi ko pa kaya. Hindi sya katulad ng nauna dahil ibang paraan iyon. Kaya para maka tulong ay nag babasa basa ako ng libro tungkol sa magi na taglay ko.

Natapos ang training ng ganun at lumabas na kami ng pagod at latang lata sa kawalan ng lakas pero sulit naman dahil paunti unti ay ramdam kong lumalakas ako. Hindi katulad dati na walang wala akong alam tungkol dito.

"Kamusta ang nagpapa dala sayo ng puting rosas? Grabe kana ah, noong una at rosas lang pero bakit ngayon may pagkain na. Ganda mo teh" sabi ni Celes habang nag lalakad kami papunta sa cafeteria para kumain ng hapunan dahil gabi na rin.

"Haha sira wala yun. Aanhin mo ang mga bagay bagay na yun kung hindi mo naman kilala ang nag bibigay? Mabuti pa sana kung si Alestair ang nagbigay, baka kinilig na ako ng isang buwan" sagot ko sakanya ng natatawa. Mas kikiligin nga naman ako kung galing kay Alestair iyon galing, kay crush hahaha.

"Seryoso ka talaga dyaan noh? As if namang bibigyan ka noon eh masama pa yata loob nun sayo dahil dyaan sa kaka-alestair mo. Drex nga kasi ang itawag mo sakanya para gumaan naman ang loob nya sayo." pasaring na sabi ni Celes saakin. "Eh mas maniniwala pa ako kung kay Jeirus galing yung mga puting rosas at pagkain eh" dagdag pa nya.

"Woy bat narinig ko pangalan ng kaibigan ko. Anong meron?" biglang sulpot ni Klay at inakbayan pa ako. Inalis ko naman ang kamay nya agad dahil ang bigat. Parang walang malaking muscles at pinasan pa sa payat kong katawan. Walang patawad naman kasi.

Napansin ko na masama ang tingin ni Jeirus kay Klay kaya nag taka ako. May tampuhan sigudo itong dalawa. Napansin naman ako ni Jeirus na naka tingin sakanya kaya yumuko sya. Nakita ko pa na namumula ang tenga nya kaya nag taka tuloy ako lalo sakanya.

"Wala sabi ko kasi dito kay Cei na mas maniniwala pa akong galing kay Jeirus yung mga natatanggap nyang rosas kaysa kay Alestair na crush daw nya." sagot ni Celestine kay Klay.

"Ahhh ganon, paano kung sakanya nga galing. Anong sagot mo?" patanong saakin ni Klay.

"Hah? Bakit kailangan ng sagot, eh hindi naman sya nag tatanong" sabi ko naman sakanya. "Atsaka bakit naman ako bibigyan nyan ng bulaklak. Hindi naman ako kinakausap nyan. Baka nga hindi nya ako kilala. Tagal tagal kona kayong kilala pero sya bilang na bilang ko kung kailan sya nag salita." pagtutuloy ko pa.

"Sabagay tama ka doon" pag sang ayon ni Klay sa sinabi ko. "Basta kung ako yun, nag salita na ako para gumawa ng hakbang. Baka kasi maunahan pa ako ng iba sa taong gusto ko"

"Eh baka naman ikaw yun hahahaha." sabat ni Celestine habang tumatawa pa. Lakas ng trip ng dalawang ito kahit kailan.

Pag karating namin sa cafeteria ay umorder kami agad ng makakain at nag simulang kumain sa isang table malapit sa glass wall. Nakita kopa sina Julius and friends sa isang table na kumakain din. Inaaya pa nga ako na maki sabay sakanila pero tumanggi na ako dahil may kasama akong iba. Hindi naman kami kamasya lahat sa table nila dahil isa nalang ang libreng upuan at apat kami kaya dito nalang.

Busy kaming kumakain ng may mapansin akong naka tayo sa ituktok ng Clock tower dahil kitang kita ito rito sa pwesto namin. Hindi ko sya gaano makita dahil sa malayo ito sa kinaroroonan namin pero pansin ko na may suot syang balabal na tumatakip sa kanyang buong katawan. Hindi ko rin alam kung babae ba ito o lalaki kaya mas pinaka titigan ko pa ito pero malabo talaga dahil gabi na rin.

"Huyy Cei, ayos kalang?" tanong ni Celes sa tabi ko habang bahagya pa akong inuuga. "Ano ba kasing tinitignan mo dyaan?"

Napatingin naman ako sa mga kasama ko at mababakas mo sakanila ang pagtataka pero sa mukha ni Jeirus at nag aalala sya. Bakit naman ito mag aalala? Sus akala siguro nito nalagutan ako ng hininga agad agad.

"Ah ayos lang ako, pasensya na" sagot ko sakanila at tinignan ko ulit yung kanina pero wala na akong nakita pa.

"Ano ba kasi tinitignan mo dyaan Cei at nawawala ka sa katinuan?" tanong naman ni Klay habang sinusubukang tignan ang tinitignan ko kanina.

"Ah wala, para kasing may nakita akong naka tayo kanina sa Clock Tower. Baka nag t-training lang. Hayaan nyo na wala yun" sagot ko sakanya at nag patuloy ng kumain.

Kahit na nagtataka pa sila ay hindi na sila nag tanong pa at nag patuloy nalang sila sa pagkain nila pero si Jeirus at naka tingin parin saakin kaya tinaasan ko ng kanang kilay.

Umiiling pa ito at nag patuloy sa pagkain pero kapansin pansin ang pag pula ng pisnge nya. Naiinitan kaya sya? di naman mainit sa lugar namin eh.

------------------------------------------------------------------

Author's NOTE:

Maraming salamat sa pag suporta sa istoryang ito :)

Huwag kalimutang mag follow, vote at comment ng react nyo sa bawat kaganapan sa Teirus Academy.

Stay safe and God bless everyone.

Teirus Academy: School of Magic (M2M Story) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon