Ceirill's POV
"Ngayong araw ay mag fofocus tayo sa magi ninyo. Sa loob ng isang linggo ay palalakasin natin ito para sa darating na Show Off ay may baon kayong bala na magagamit nyo roon." paliwanag ni Julius habang narito kami ngayon sa training room.
Naka tayo kaming apat habang nasa harapan namin si Julius. Nasa kaliwa ko si Celestine at nasa kanan ko naman si Klay. Katabi naman ni Klay si Jeirus na panaka naka ang tingin saaming pwesto. May kakaunting sugat nalang kaming apat dahil narin sa pag papagaling na ginawa saamin ni Jeirus. Hindi ko alam na kaya nya palang gumamit ng healing magic. Ang paliwanag nya ay iyon daw ang kakayahan na ipinahiram ng Guardian nya. So may guardian na sya pero hindi pa namin ito nakita. Sa Show Off daw nya ito ipapakita sa lahat dahil noong bakasyon lamang nya ito naipalabas. Ang astig nya pero naiinis parin ako sa pagiging bully nya kahapon.
"Paanong training ba ang gagawin ni Ceirill? Hindi pa nya alam ang magi na meron sya." pag tatanong ni Jeirus sa kuya nya.
Oo nga noh? Hindi ko pa alam ang magi ko. Pero ang nangyari kaya kahapon ay may tugma sa magi na mayroon ako?
At teka nga sandaleeeee. Bakit biglaan naman yata ang magiging concern ng kumag na ito? Anong nakain nito ngayon ay ganyan ang ugali nya ngayong araw. Wala rin syang binully kanina sa room bago ang klase ni Sir.Blas bagkus ay binati nya ang mga kaklase namin ng 'Magandang umaga'. Gulat na gulat kaming lahat sakanya. Weird
"Well dahil sa kaganapan kahapon sa training nyo ay masasabi ko kung ano ang taglay na kapangyarihan ni Ceirill." Sagot naman si Julius sa tanong ni Jeirus. "Masisigurado kong Gravitational magic ang ginamit mo Cei" dagdag pa nito.
"Gravitational Magic? Hindi ba rare iyon?" tanong ni Celestine.
"Tama ka Celestine. Gaya ng elemental magic na taglay ng mga royal family ay rare din ang Gravitational Magic kaya masasabi ko na malakas ito gaya ng nakita natin kahapon at may ilalakas pa ito kung hawak mo ang isa sa mga Godly Warriors" paliwanag ni Julius.
Nabigla naman kaming apat sa sinabi nya. Ang pagkaka alam ko ay nadiscuss na ni Sir.Blas ito saaming klase. Ang Godly Warriors ay parang katulad lang namin pero malalakas daw sila at ang pagkaka alam ko pa ay sampo lamang sila.
"Paano ka naman nakakasigurado na isang Godly Warrior ang guardian ko?" pag tatanong ko kay Julius.
"Hindi tayo makaka sigurado hanggat hindi ito lumalabas o kahit man lang makausap mo sya" tugon ni Julius sa tanong ko. "Ang pagkaka alam ko ay ang may hawak ng Gravitational Magic sa mga Godly Warriors ay si Farra ang may ranggong walo sakanilang sampo"
"T-tekaaaa Farra ba ang sinabi mo?" pag tatanong ko ulit sakanya. Tumango ito bilang sagot. "N-naka usap ko s-si Farra kahapon noong nasa clinic tayo" dagdag kopa.
Napa tingin silang lahat saakin na may pagka gulat sakanilang mga mata. May masama ba sa sinabi ko? Eh natatandaan kong si Farra ang naka usap ko habang tulog ako sa Clinic.
"Anoooo?!!!" sigaw ni Jeirus bigla kaya napatingin ako sakanya. "A-ahh pasensya na sa pag sigaw" sabi pa nya kaya binalik ko ang tingin ko kay Julius.
"I-ibang klase. H-hindi ko akalain na mabilis mong malalaman ang Guardian mo. Hindi ito pangkaraniwan pero atleast alam na natin ang magi na taglay mo hindi ba?" sabi ni Julius ng naka ngiti.
Ngayong alam na namin ang taglay kong magi ay nag simula na kami sa training namin. Bantay sarado si Julius sa mga kilos namin lalo na saamin ni Celestine. Hinahayaan nya lamang sina Klay at Jeirus na gawin ang gusto nila dahil sa alam na daw nila ang dapat nilang gawin.
Pinapa takbo ni Julius si Celestine sa buong West Building o Training Hall ng limampung beses sa loob ng dalawang minuto. Para daw masanay ang katawan nya sa pag gamit nya ng magi. Habang ako naman ay sinusubukan kong paangatin ang baso sa ibabaw ng maliit na mesa rito sa training hall gamit ang kamay kong naka harap rito.
Bagot na bagot ako sa ginagawa ko dahil una sa lahat ay hindi naman ito gumagalaw kahit kaunti. Pangalawa naman ay hindi ko pa nakikita ang crush kong si Alestair. Paano ako gaganahan nyan kung wala akong inspiration diba?
"Ceirill! Focus!" sigaw ni Julius mula sa malayo dahil kasalukuyan nyang binibilangan ang mga nagagawang ikot ni Celestine.
Inangat ko ang kanang kamay ko at sinubukan ulit itong palutangin pero dumaan ang ilang minuto pero wala parin talaga. Hindi ito kagaya ng kahapon na biglaan ko nalang nagawa. Kaya naibaba ko nalang bigla ang kamay ko sa kawalan ng pag asa.
"Kailangan mo ng tulong?"
Napatingin ako sa likuran ko at nakita kong naka tayo si Jeirus ilang hakbang sa kinatatayuan ko.
"Ano namang tulong ang maibibigay mo?" pataray kong tanong sakanya dahil badtrip parin ako sa mga tulad nyang bully.
Nakita ko itong ngumiti at nag lakad papalapit saakin. Ibang iba talaga sya sa Jeirus na nakita ko kahapon sa klase. Anong trip ba toh?
"Mali naman kasi yang ginagawa mo kaya ka nahihirapan. Relax kalang kasi, masyado kang tense eh" sagot nya at kinuha ang kamay ko at sya mismo ang nag angat nito. "Relax mo lang ang muscles mo atsaka ka mag focus. Isipin mo lang na paaangatin mo yung baso" paliwanag pa nya kaya sinunod ko ang payo nya.
Binawi ko ang kamay ko sakanya at ako na mismo ang nag angat nito. Pumikit muna ako at huminga ng malalim atsaka ko ito idinilat. Wala muna akong inisip na ibang bagay ay pinaka titigan ang basong nasa harapan ko. Inisip ko lang na aangat ito kasabay ng pag angat ko pa sa kamay ko.
Noong una ay walang nangyayari pero patuloy kong ginawa ito. Hanggang sa makita ko na umangat yung baso ng kaunti. Sa pagka bigla ko ay napatalon ako sa tuwa at napa yakap kay Jeirus.
"Wahhhhh ang galing. Jeirus nagawa koooo" sabi ko habang punong puno ng kasihayan ang puso ko.
Naka rinig nalang ako ng pekeng pag ubo kaya nabalik ako sa realidad na naka yakap pala ako kay Jeirus kaya dali dali akong bumitaw rito at napansin na natigil pala silang lahat sa ginagawa nila at naka tingin saamin. Nakaka hiya ka Ceirill!!
Naka rinig naman ako ng palakpak galing sakanila kaya napa yuko na lamang ako sa kahihiyan. wahhhh nakaka hiya talaga
"Magaling Cei, dahil alam mo na kung paano magamit ang magi na mayroon ka ay asahan mo na mas titindihan pa natin ang pag sasanay mo para mas preparado kayo ni Celestine sa darating na Show Off." sabi ni Julius.
Mas pag huhusayan ko pa para sa darating na Show Off ay hindi ako mag mumukhang mahina.
------------------------------
BINABASA MO ANG
Teirus Academy: School of Magic (M2M Story) (ON-GOING)
FantasyIsang paaralan para sa mga batang may taglay na kakayahan. Isang lugar para sa mga batang huhubugin ang kanilang mga kapangyarihan para sa kinabukasan. Isang mundo na punong puno ng mahika. Dito sa paaralang ito papasok ang binatang si Ceirill Marvi...