CHAPTER 11

962 87 2
                                    

Ceirill's POV

Kabang kaba ako sa mangyayari saamin ni Celestine sa training na ito. Biruin moba naman na dalawang lalaki na halatang may alam na sa pakikipag laban, makakalaban naming dalawa na baguhan lang. Sana lang ay makayanan naming dalawa ni Celes.

Narinig ko nalang na sumigaw si Julius senyales na simula na ang laban. Biglang nawala sa tabi ko si Celestine siguradong gagamitin nya ang bilis nya para maka laban. Hahanapin ko pa sana si Celes ng mapansin ko na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko si Klay na kaibigan ni Jeirus. Aambahan nya pa sana ako ng wasiwas gamit ang espadang kahoy nya ng umiwas agad ako roon. May kaalaman naman ako sa espada kaya iyon nalang ang gagamitin ko kung makakaya.

Laging iwinawasiwas ni Klay ang espasa nya saakin at ginagamit ko naman ang espadang kahoy ko upang masangga ang mga atake nya. Kailangan kong umisip ng paraan para maalis ang espada nya ng sa ganoon at lumaki ang tiyansa ko na manalo.

Napansin ko agad na balak nya akong patirin gamit ang paa dahil sa yumuko ito kaya tumalon agad ako upang maiwasan iyon at ginamit ko itong pag kakataan upang siya naman ang sipain ko sa mukha at naka tyamba naman na hindi nya napansin iyon. Nabitawan nya ang kanyang espadang kahoy habang hawak hawak ang kanyang ilong na pansin ko ay dumugo. Lalapitan kona sana sya upang mag sorry ng bigla syang nag liwanag kaya napa takip ako saaking mga mata. Pag silip ko ay isang malaking Oso na ang kaharap ko. Ito ang kapangyarihan nya? T-teka hindi ako nasabihan na kaya nyang maging isang hayop!

Nasa ganoon akong pagka bigla ng marinig
parang sumabog. Kaya napalingon kami roon at nakita namin na naka handusay sa lupa. Nakita kopa ang pag lapit ni Jeirus at walang awang sinipa ang kaibigan.

"CELESTINEEEEEE!!!!" ang tanging naisigaw ko.

Balak ko sanang puntahan si Jeirus ng bumagsak ako sa lupa at naka ramdam ako ng sakit sa may likuran. Nahiwa pala ako ng Osong si Klay. Mga wala ba silang puso?! Training lang naman ito pero bakit parang sumosobra naman yata sila!

Bumangon ako ng dahan dahan at humigpit ang hawak ko sa espadang kahoy na hawak ko. Gusto kong manalo. Gusto kong bawian ang dalawang ito sa pananakit saamin ng kaibigan ko!

Napansin ko na tila nahihirapan silang gumalaw sa kinatatayuan nila sa hindi malamang dahilan kaya ginamit ko ang pagkakataon na iyon upang humakbang papalapit kay Klay at buong pwersa ko itong hinampas sa kanyang tiyan. Nabigla ako ng bumulusok ito papalabas sa parisukan na linya. Hindi ko na muna ito pinansin at sumugod ako sa kinaroroonan ni Jeirus na hindi parin nakaka alis sa kanyang kinatatayuan kanina. Ihahampas kona sana sya ng maramdaman ko ang hampas ng hangin at nagpa gulong gulong ako. Buti na lamang ay hindi ako na palabas sa linya. Hindi pa ako tapos!

Bumangon ako agad at hindi ko alam pero itinaas ko ang kamay ko paharap sakanya at nakita ko nalamang na bumulusok ito pataas sa ceiling. Nabigla ako kaya binawi ko ang kamay ko at ipinantakip sa aking bibig sa pagka gulat. Nakita ko pa na bumagsak ulit ito sa lupa. Tutulungan ko sana nya ng ako naman ang hindi maka galaw. Naramdaman ko na parang umiikot ang ulo ko. Hinang hina ang pakiramdam ko at wala akong maramdaman kundi ang pag hinga ko lamang.

Unti unting pumipikit ang mga mata ko at napansin ko na babagsak ako. Naramdaman ko nalamang na nasalo na may sumalo saakin hanggang sa balutin na ako ng dilim.

--------------------------

Nasaan ako? Anong lugar ito? Narito ako ngayon sa isang madilim na silid. Walang ilaw at walang kahit anong makikita kundi purong kadiliman lang. Kadiliman lang ang meron pero nakikita ko ng malinaw ang katawan ko. Parang nag liliwanag ako sa isang lugar ng dilim.

Ang alam ko ay nag t-training kami kanina. Nasaan sila? Kamusta si Celestine? Sina Jeirus at Klay? Sana ayos lang sila. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero gusto kong humingi ng tawad dahil sa nagawa ko. Nadala lamang ako ng galit.

"Kamusta kana Ceirill?" dinig ko sa isang boses na galing sa likuran ko.

Pag lingon ko ay nakita ko ang isang babae maganda at may suot ng baluti na may pakpak sa likuran at may hawak na espada. Hindi naman sya matanda at hindi rin sobrang bata. Hindi ko tuloy alam kung sino mas matanda saamin. Para siyang isang mandirigma na anghel.

"Ahm s-sino po kayo?" tanong ko sakanya.

"Ako si Farra. Kinagagalak kitang makitang muli Ceirill" naka ngiti nitong tugon saakin.

Makitang muli? Eh ngayon ko palang sya nakita. Paano nya nasabing nag kita na kami noon?

"Hindi kita maintindihan Farra. Paano mo ako nakilala?" pagtatanong ko ulit sakanya dahil naguguluhan parin ako.

"Wala na akong oras pa para mag kwento pero sa ngayon ay tanggapin mo ang basbas ko upang magamit mo ang kapangyarihan ko" at bigla nyang inilagay saaking kaliwang balikat ang kanyang espada at inilipat ito sa kanan. "Sa ngayon ay iyan na lamang muna. Balang araw ay masasagot din ang iyong mga katanungan. Hanggang sa muli Ceirill. Mag iingat ka lagi dahil susubaybayan ka namin." Tatawagin ko pa sana si Farra ng bigla na lamang itong mawala.

Nagising ako sa isang kwarto na puti ang lahat. T-teka nasa clinic ba ako? Mukhang nasa clinic nga dahil tandang tanda ko ang lugar na ito nang inililibot ako ni Julius noong unang araw ko rito sa Teirus Academy.

"Buti naman at gising kana Cei. Alalang alala kami saiyo" narinig ko sa aking tabi si Celestine at hinawakan nya ang aking kamay.

Napansin ko na may benta sa kanyang kaliwang braso pero mukhang ayos lang naman sya kaya naka hinga ako ng maluwag. Ganoon din kina Klay at Jeirus kaya mas napanatag ang kalooban ko.

"Ah Klay, Jeirus sorry pala sa nangyari sainyo. Hindi ko naman alam na mangyayari iyon. Nadala lamang ako ng galit ko" paghingi ko ng tawad sakanila. Ngumiti naman sila saakin senyales na okay lang sakanila yon. Nginitian ko rin sila pabalik. Nakita ko pang namula ang mukha ni Jeirus. May masakit na sakanya? Baka hindi pa talaga magaling ang mga sugat nila.

"Nang dahil sa galit mo sakanila at alam na natin ngayon ang taglay mong mahika" biglang sabat ni Julius na kakapasok lamang ng kwarto na kinaroroonan naming lahat.

"Hah? anong sinasabi mo?" pag tatanong ko.

"Bukas ay kailangan nyo ng gumaling agad dahil bukas na bukas rin ay mag sisimula na ang totoo mong training Ceirill" sabi ni Julius habang nakatingin mismo sa mga mata ko habang naka ngiti.

Hindi ba napapagod ngumiti si Julius?

------------------------------------------------------------------
Note:

Hello. Kamusta kayo? If okay lang sainyo, paki click naman ng follow. Pansin ko kasi na ang nag fofollow.

Pero if ayaw nyo,okay lang. Mag uupdate parin ako kahit iilan lang nag babasa hihi.

Teirus Academy: School of Magic (M2M Story) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon