Ceirill's POV
Sumugod syang muli gamit ang kanyang sandata at masasabi ko na mas bumigat ang mga aksyon. Ang bigat ng pwersa at kung mag papabaya ka ay tatamaan ka talaga ng palakol nya. Ang laki laki nito pero nagagawa nyang gamitin na parang wala lang. Swerte nalang ako na hindi pa ako tinatamaan ng mga atake nya.
Ambang ihahampas nya sa kaliwa ang palakol nya kaya agaran kong sinalag gamit ang espada ko. Ngunit sa hindi inaasahan ay naramdaman ko nalang ang pag sipa nya sa kanang tagiliran ko dahilan upang lumipad ako ng ilang metro mula sa aking kinatatayuan kanina.
Sobrang sakit ng sipa nya at mukhang nabalian pa ako ng buto sa tagiliran. Bwiset napunta ang buong atensyon ko sa sandata nya at nakalimutan kong may iba pang paraan ang laban na ito.
"Patawad kung ika'y nasaktan ko, pero hinding hindi ko ipapahiya ang pangalan ng angkan ko dahil lamang saiyo. Kailan ng matapos ang kahibangang ito at isusunod ko naman ang mga kaibigan mo." sabi ni Jail at agaran nyang ginamit ang kanyang kapangyarihan.
Nag labas sya ng usok sa kanyang kamay kaya hindi ako nag sayang ng oras at agad akong tumayo kahit na sobrang sakit ng tagiliran ko. Akala ko ay may gagawin ito ngunit wala. Nag labas lamang sya ng usok hanggang sa kumapal ito at matakpan ang buong hall. Hindi ako maka kita at siguradong pati ang mga nanonood ay ganon din. Hindi maganda ang nararamdaman kong ito.
Naramdaman ko nalang na may sumipa sa likuran ko at sobrang lakas non kaya napa higa ako sa sobrang sakit at lakas. Hindi ganito kalakas ang atake ni Jail kanina. May mali rito.
Ininda ko ang sakit at tumayong muli ngunit mas ikinabigla ko ng may humiwa sa paanan ko kaya dali dali kong ipinantukod ang aking espada para hindi ako bumagsak. Alam ko at ramdam ko na espada ang humiwa saakin dahil sa haba ng talim nito ngunit paano? Palakol ang sandata ni Jail.
May hindi tama sa nangyayare!
Kung hindi ko malalaman kung nasaan ang gumagawa nito ay hindi ko magagamit ang magi ko sakanya. Sigurado ako na hindi lamang si Jail ang kalaban ko ngayon.
Sinubukan kong tumayo ulit pero naramdaman ko nalang na may humihila sa buhok ko ng sobrang lakas dahilan para magasgasan ako sa iba't ibang parte ng katawan. Sobrang sakit!
Hinagis ako ng kung sino may at nagpa gulong gulong ako habang iniinda ko ang sakit ng buong katawan ko.
"Masaya bang pag laruan Ceirill?" tanong ni Jail na nasa tabi kona pala. "Nasaan na ang pagiging Senshi mo? Wala ka naman palang binatbat." sabi pa nito at nakaramdam ako ng sobrang sakit.
"Ahhhhh!!!!" ang naging sigaw ko dahil sa pag hiwa nito sa likod ko gamit ang palakol nya. "L-lumaban ka ng patas!" dugtong ko pa rito habang namimilipit ako sa sakit.
"Walang patas Ceirill. Simula ng mabuhay tayo ay wala ng patas sa mundong ito!" sagot naman nya. Hindi pa ito nakuntento at hiniwa pa nya ang kaliwang paa ko. "Sumuko kana!!!"
Sigaw ako ng sigaw pero parang wala syang pakialam kahit na mamatay ako. Sinubukan kong kapain ang espada ko pero hindi ko ito mahanap. Nabitawan ko yata ito nang hinila ako. Paano na ito? Mama tulong.
Iyak ako ng iyak habang nararamdaman ko na tuloy tuloy ang pag agos ng dugo sa mga sugat ko. Hindi dapat ako umiiyak dito. Nangako ako kay mama na wala ng magpapa iyak saakin. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang isa kong kamay.
Kaya ko pa.
Umupo ako ng maayos at kinalma ang lahat ng pandama ko. Hindi ako makakapag focus kung sakit lang sa mga sugat ang iniisip ko.
Napansin ko na may naglalakad sa mag kabilaan ko. Isang babae na may hawak na espada at lalaking sobrang laki ng katawan. Hindi ko sila makilala dahil nababalot parin ng usok ang paligid. Sigurado ako na ito ang tumutulong kay Jail. Pandaraya!
Itinaas ko ang dalawang kamay ko paharap sakanilang dalawa. Hindi ko alam pero bigla akong nakagawa ng dalawang bola sa mga palad ko. Napansin ko na lumalaki ito at ng makita ko na kasing laki na ng bola ng pang basketball ang mga ito ay lumipad ang mga ito papunta sa mga kalaban. Nawala silang dalawa kasunod ng sobrang lakas na pagsabog.
Ano yun?!
"Anong ginawa mo?!" sigaw ni Jail sa pandang likuran ko kaya dali dali akong tumayo at hinarap sya kahit na hirap na hirap ako sa mga sugat ko.
"Wala kana doon! Ang isipin mo ay ang pandarayang ginagawa mo. Maayos ang pamamalakad ng eskwelahang ito pero nandito ka at nagpapalaganap ng kahayupan." sagot ko rito ng deretsong nakatingin sa kanyang mga mata.
"Wala akong pakialam! Ang mahalaga ay maipagmalaki ako ng aking Ama!" sigaw nito saakin at saka nito itinaas ulit ang palakol nya paharap saakin.
"Maipag mamalaki kapa kaya ng Ama mo kung malaman nyang sa pandaraya mo nakukuha ang lahat ng ito? Mag isip ka nga." sagot ko naman dito.
"Hindi naman nya malalaman kung walang mag sasalita." sabi nya habang bakas na bakas sa kanyang mukha ang pagkasuklam saakin.
"Hindi ko sasabihin sa Ama mo mung itatama mo ang lahat ng ito Jail. Tutulungan kita basta tulungan mo rin ang sarili mong mag bago. Pakiusap tama na ito." pag susumamo ko sakanya habang dahan dahan na lumapit.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo!" sigaw nito saakin.
"Hindi kahinaan ang pag hingi ng tulong Jail, tandaan mo yan." ang sabi ko sakanya dahilan upang makita ko ang pag babago sa kanyang mga mata. "Isang kalakasan ang pag hingi ng tulong. Kalakasan kung aaminin mo na hindi mo kaya ng mag isa. Mas lalakas ka kung may kasama ka. Nandyaan ang mga kaibigan mo."
Dahan dahan pa akong lumapit sakanya at ng napansin nya na nasa harapan na nya ako ay bigla sya ulit nagalit.
"Katulad ka rin nila! Sinungaling!" sigaw nito hanggang sa makita ko nalang na ihahampas nya ulit saakin ang palakol nya.
Hindi na ako nagdalawang isip na sipain ang kamay nya gamit ang kaliwang paa ko kahit na may hiwa pa ito. Nakita ko na nabitawan nya ang palakol nya kaya nabigla sya. Nabigla ito kaya hindi kona pinalampas pa ang pagkakataon at hinawakan ko ito sa ulo. Umapak ako sa bandang tuhod nito at saka tumalon. Buong pwersa kong inumpog ang ulo nya gamit ang tuhod ko.
Sabay kaming bumagsak sa sahig. Sobra sobra na ang sakit ng mga sugat ko at hindi kona kaya pang tumayo. Napansin ko naman na unti unti ng nawawala ang usok dahilan para makita kami ng mga estudyante at mga guro na naka paligid sa battle ground. Napansin ko rin na naka higa si Jail at wala ng malay.
------------------
Author's Note
Dapat talaga hindi ko na tatapusin ito kasi busy na ako sa buhay kaso ang kukulit nyo hehehe. Thank you kasi kahit na lagpas isang taon na akong hindi nag u-update nandyan parin kayo nag hihintay at nangungulit para sa update. Thank you and love you
BINABASA MO ANG
Teirus Academy: School of Magic (M2M Story) (ON-GOING)
FantasiIsang paaralan para sa mga batang may taglay na kakayahan. Isang lugar para sa mga batang huhubugin ang kanilang mga kapangyarihan para sa kinabukasan. Isang mundo na punong puno ng mahika. Dito sa paaralang ito papasok ang binatang si Ceirill Marvi...