CHAPTER 10

1K 83 5
                                    

Ceirill's POV

Narito kami ngayon ni Celestine sa training room. Katatapos ko lang tumakbo ng limang beses sa training room habang si Celes ay patuloy parin sumasalo ng maliliit na bola na inihahagis ng mabilisan ni Julius. Hingal na hingal parin ako at masakit pa ang paa ko dahil sa pag takbo mula pa kahapon kaya minasahe ko na lamang ito habang wala pang ginagawa. Mukhang wala yata ang crush ko rito at ang mga kaibigan nila. Sayang naman, wala tuloy akong inspiration. Joke hahahaha

Patuloy ako sa pag masahe ng mapansin ko na tapos na sina Celes at Julius mula sa kanilang training kaya tumayo na ako at binigyan sila ng tubig. Agad naman nila itong kinuha at uminom.

"Wala naba tayong gagawin?" pag tatanong ko kay Julius.

"Actually, meron pa pero may hinihintay nalang ako." sagot ni Julius ng biglang may pumasok na dalawang lalaki sa training hall. "Oh heto na pala sila." dugtong ni Julius.

"Pasensya na Kuya Julius, pinag hintay ba kita ng matagal?" sabi ng isang lalaki na kahawig ni Julius. Natigilan sila ng maka lapit saamin at napansin ko na tinitignan ako nito. Teka natatandaan ko sila ah. Kaklase namin ang mga ito.

Si Jeirus na kapatid ni Julius at ang bully kanina sa klase ang nag salita at si Klay na katabi ni Jeirus sa klase ni Sir.Blas. Baka magkaibigan ang dalawang ito. Hindi na ako mag tataka kung bully rin si Klay.

"Hindi naman, ayos lang ang dating nyo para makalaban ang dalawang ito" sagot ni Julius sabay baling saaming dalawa ni Celes.

"Hah?" nalang ang nasabi ko. Kami ni Celestine? Makakalaban ang dalawang yan? Eh bully yang mga yan at sigurado ako na malalakas ang mga yan kasi hindi naman nila magagawang mag yabang lalo na si Jeirus kung hindi sya malakas. Anong laban namin sakanila?

"Oo Cei, makakalaban nyo sila para malaman ko kung ano pa ang dapat nyong i-improve para maging handa sa darating na Show Off sa susunod na buwan" sabi ni Julius.

At dahil wala kaming nagawa ay sumunod na lamang kami ni Celestine sa sinabi ni Julius. After all, para rin saamin ito kaya nag handa na kami para sa magiging laban namin with those bullies. Hawak hawak naming apat ngayon ay espadang kahoy para walang mangyayaring masama.

Tinignan ko si Celestine at tinanguan upang ipaalam sakanya na ibigay namin ang best namin. Ganoon rin ang ginawa nya.

Dito ko malalaman kung makaka sabay ba ako sa mga gumagamit ng magi kahit na hindi ko alam kung mayroon din ba ako noon. Gabayan sana ako ni mama.

--------------------

Jeirus' POV

Hindi ko alam na nandito rin ang taong nakapag paramdam ng emosyon kong ito. Nahihiya ako sakanya sa maraming dahilan. Nahihiya ako kasi baka nasa isip nya na masama akong tao. Nahihiya ako dahil sa nangyari kanina bago mag simula ang klase, at nahihiya ako dahil.....dahil baka pangit akong tignan ngayon.

Ang sarap nyang pag masdan habang hinahawakan ang espadang kahoy na iyon. Puting puti ang kanyang kasuotan at punting puti rin ang kanyang balat. Ang liit nya kaya at payat rin sya. Kumakain pa ba ito? Hindi sya halatang lalaki sa ganyang klaseng katawan. Sobrang liit pa ng kanyang kasuotang pang ibaba. Kaya napagkakamalan syang babae eh. Ang ganda nya kahit na simple lang ang kasuotan nya.

Arghhhhh Ceirill binabaliw mo ako sa pag iisip. Panagutan mo ang ginawa mo saakin. Hindi kita titigilan hanggat hindi mo ako napapansin. Kaya humanda ka sa mga magiging aksyon ko para sayo.

"Okay heto ang patakaran. Maaari kayong gumamit ng inyong mga magi pero kapag lumampas kayo sa parisukat na linyang naka palibot sainyo ay hindi na kayo maaaring lumaban. Dalawa laban sa dalawa. Ceirill at Celestine laban kay Jeirus at Klay." paliwanag ni Kuya Julius habang naka ngiti pa saamin.

Mahigpit kong hinawakan ang espadang kahoy. Kailangan kong mag pa-impress ngayon sakanya kahit na kalaban ko sya.

"P-pero Julius...hindi ko pa alam ang magi na mayroon ako" sabat ni Ceirill.

Ano? Hindi nya pa alam ang magi nya? Ang lakas nyang sipain ang kamay ko kanina. Paano nalang kung nagalit ako at sya ang pinag buntunan ko noon, edi hindi nya naipag tanggol ang sarili nya. Ang liit liit mo, pero ang tapang tapang mo, ibang klase.

"Hindi dahil kulang ka sa kakayahan ay dapat kanang sumuko. Kaya tayo narito sa training para maging mas mahusay at para narin mailabas mo na ang magi mo kung pwede lang" paliwanag ni Kuya Julius kay Ceirill.

Nakita kong napa buntong hininga na lamang si Ceirill at hinigpitan ang hawak sa espadang kahoy. Alam ba nyang gumamit nyan? Mukhang magiging madali ang training na ito. Pasensyahan tayo Cei pero hindi ako papayag na matalo sainyo ng kaibigan mo.

Nag handa na kami sa kanya kanya naming pwesto. Kita ko ang panginginig ng kamay ng kanyang kaibigan pero kaming dalawa ni Klay ay parang wala lang. Sanay kami sa bakbakan kaya sisiw na saamin ito.

Biglang sumigaw si Kuya Julius at senyales na simula na ang laban. Napansin ko na biglang nawala ang kanyang kaibigan ngunit nasundan ko agad ang kinaroroonan nito dahil sa bulong ng hangin. Salamat sa magi na taglay ko.

Tumakbo ako sa kinaroroonan ng kanyang kaibigan at inambahan ito ng espadang kahoy mula sa itaas. Hindi nya agad napansin ang aking ginawa dahil akala nya ay hindi ko nasundan ang kanyang bilis kaya ginawa nyang pang harang ang kanyang espada ngunit tinamaan parin ito sa kanyang balikat. Napa inda ito sa sakit dahil kahit na kahoy lamang ang espada namin ay maaari ka paring masaktan.

Buong pwersa nya akong itinulak kaya napa atras ako ng dalawang hakbang. Muli sana syang tatakbo ng gumamit ako ng air ball at inihagis ito sa kanya. Saktong sakto ito sa tagiliran nya kaya bumagsak ito sa lupa. Hindi na ako nag sayang pa ng oras at sinipa ito ng medyo may kalakasan dahilan para lumabas sya sa parisukat na linya.

"CELESTINEEEEE!!!!" dinig kong sigaw ni Ceirill sa kabilang bahagi ng parisukat na linya at napansin ko ang bagsik ng kanyang tingin saakin kahit na kalaban nito ay isang malaking oso na si Klay na nagagawang gumaya ng mga hayop.

Mukhang mas sumama ang pag tingin saakin ng taong gusto ko dahil sa sinapit ng kanyang kaibigan saakin.

Lagot.

------------------------------------------------------------

Follow,vote and comment guys. Thank you

Teirus Academy: School of Magic (M2M Story) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon