CHAPTER 9

997 98 5
                                    

Jeirus' POV

Natapos ang klase namin kay Sir.Blas ng wala akong naiintindihan dahil naka tingin lamang ako buong oras sa nilalang na iyon. Sino ba sya para pigilan ang mga ginagawa ko? Pero for some reason, hindi ako nagagalit. Bakit parang nahihiya ako dahil ginawa ko iyon?

Arghhhhh ano bang nangyayari saakin. Hindi naman ako ganun pero parang ibang ako iyon. Ibang Jeirus Mert Nilsen ang kanina. Bigla akong tinubuan ng hiya mula ng pumunta sya sa harapan ko at sipain ang kamay ko.

"Dude okay kalang? kanina pa kita tinatawag pero parang wala ka sa tamang katinuan" sabi ni Klay. Kaisa isang kaibigan ko maliban kay Kuya Julius, Kuya Drex at sa iba.

Napansin ko nalang na narito na pala kami sa cafeteria at kumakain na sya habang hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko. So all this time nakatulala lang ako dahil sa nilalang na yun?

"Ah oo okay lang ako. Sino yung lalaki kanina? Yung sumipa saakin?" pagtatanong ko kay Klay.

"Ah yun ba? Sya si Ceirill. Classmate natin sya obviously dahil nasa harapan mo pa nga ang upuan nya. Bakit mo natanong? Gagantihan na ba natin?" pagtatanong rin nya saakin.

"Hindi bro, huwag na huwag. Hindi ko alam bakit pero nahihiya ako dahil sa nangyari kanina" pag aamin ko sakanya. Wala naman sigurong nakaka rinig saamin dahil nandito kami sa pinaka sulok ng cafeteria.

"ANOOO?!!! NAHIHIYA?!!" okay binabawi kona ang sinabi ko dahil sa biglaang pag sigaw nya.

"Siraulo! manahimik ka nga. Oo nahihiya ako na ewan" sagot ko nalang ulit kay Klay. Eh yun naman talaga nararamdaman ko, anong magagawa ko?

"Hahahahahaha kailan pa nahiya ang isang Jeirus Mert Nilsen? Isang Prinsipe at dahilang Bully ng Teirus Academy" sabi na pag tatawanan lang ako nitong siraulong to eh, tss sanang hindi kona sinabi.

"Oo Klay, nahihiya ako kasi a-ano..ahmmm". Hindi ko masabi sakanya kainis!

"Oh ano?" pag tatanong nya habang yumuko pa ng kaunti na halatang abang na abang sa idadahilan ko.

"A-ano...nahihiya ako kasi..ewan. Parang nahihiya ako sakanya na makita nya akong nananakit ng ibang tao. Parang..para bang naconcious ako bigla sa mga galaw ko kapag naka tingin sya sakin" sabi ko sabay yuko dahil sa kahihiyan.

Totoo ang mga sinabi ko kay Klay. Yung para bang ayokong makita nya ako sa ganoong sitwasyon. Ayokong maging masama sa paningin nya. Ayokong maging pangit ang tingin nya saakin.

"Mahirap yan dude, eh mukhang tinamaan ka eh" iiling iling nitong sabi saakin.

"Hah? anong pinag sasasabi mo dyan?" tanong ko sakanya kasi hindi ko maintindihan ang sinabi nya.

"Tinamaan dude. Tinamaan ng pag mamahal. Oh well sigurado naman akong hindi pa mahal yan pero dudeeee gusto mo sya." sagot ni Klay saakin.

Gusto ko si Ceirill? Ako? Magkaka gusto sa taong yon? Malabo naman yatang mangyari yun.

"Malabo yata yan Klay..kasi..kasi ano..ahmm ahh kasi lalaki sya at lalaki rin ako" sabi ko kay Klay na parang hindi ako seryoso sa sinasabi ko.

"Dude wala namang kaso kung mag mahal ka ng kauri mo lalaki. Hindi nga laganap ang magkaroon ng karelasyon sa parehong kasarian pero hindi rin naman ipinag babawal dito sa mundo ng Cronus at sa iba pang kauri ng mundo natin" sagot ni Klay. Tama naman sya. Hindi naman nga bawal ang ganung klasing relasyon.

So kung magkakaroon kami ng relasyon ni Ceirill ay walang problema dahil walang kaso yun sa mundo namin. T-teka bakit relasyon ang iniisip ko? arghhhh

"Basta hindi ko sya gusto Klay. Hindi ako magkaka gusto sa Ceirill na iyon" pag sagot ko sakanya at tumayo sa kinauupuan ko.

"Oh ayan pala si Ceirill" biglang sabi ni Klay. Napa upo naman ako bigla at yumuko upang hindi ako makita ni Ceirill "HAHAHAHAHAHA hindi pala ah"

Tinignan ko ang paligid at wala naman si Ceirill. Niloloko lamang pala ako ni Klay at dahil sa panloloko nyang iyon ay doon ako napaisip kung nagkaka gusto na nga ba ako kay Ceirill.

Kung tama si Klay sa paratang nya ay ano na ang dapat kong gawin sa sitwasyon na ito?

"B-baka nga t-tama ka. Baka lang naman ah dahil hindi pa sigurado pero kung totoo iyon, ano ba ang dapat kong gawin Klay? Bago lang itong nararamdaman kong ito. Hindi ko alam ang dapat kong gawin." pag tatanong ko kay Klay tutal mukhang may alam sya sa ganitong bagay kaya sakanya na ako mag tatanong.

"Hindi sigurado pero ganyan ang reaksyon mo hahaha" sinamaan ko naman sya ng tingin kaya tinigil na nya ang pag tawa. "Ang kailangan mo lang gawim ay tanggapin ang ganyang emosyon. Kapag tanggap mona ay gumawa ka ng hakbang para mapunta sya sayo. Bahala ka baka may mauna pa sayo. May kagandahan pa namang taglay si Ceirill kahit na lalaki sya"

Nainis ako bigla nung sinabi nya na makukuha ng iba si Ceirill. Marahil gusto ko nga sya. Totoo pala ang ganun? Kahit na wala pa akong kaalam alam sakanya ay naramdaman kona ang ganitong emosyon. Dahil siguro sya lamang ang may kakayahan na makapag paramdam saakin na dapat akong maging matino kaya ko sya nagustuhan.

Sinimulan konalamang kainin ang pagkaing nasa harapan ko dahil pagkatapos dito ay pupunta ako sa Emerald Building upang mag ensayo. Magpapakitang gilas ako sa susunod na buwan...para kay Ceirill.

Ano kaya ang dapat kong gawin para mapa saakin ka? Ano ba ang mga gusto mo at ng makapag pasikat sa harapan mo. Mag tatanong ako mamaya kay Kuya Julius dahil alam kong may maibibigay siyang ideya saakin. Napa ngiti na lamang ako sa naisip ko dahil hindi ko lubos isipin na gagawin ko ang mga yun para lamang sa isang yun.

"Nakaka takot naman ang ngiting yan dude. Ibang iba kana nga haha. Ngayon kumbinsido na talaga akong tinamaan ka kay Ceirill" biglang sabi ni Klay habang natatawa ng kaunti. Hindi ko nalamang sya pinansin pa at itinuloy ang pag kain.

------------------------------------------------------------

Ceirill's POV

Kasalukuyan kaming nag lalakad ni Celestine papunta sa Emerald building para makapag training na kami. Suot ko ngayon ah maliit na short na kulay puti, puting shirt at kulay puti ring rubber shoes. All white ang peg ko for today's training.

Naglalakad kami ng bigla akong mabahing kaya napatigil kami ni Celestine sa pag lalakad.

"Ayos kalang Cei?" tanong nya saakin.

"Ahh ayos lang ako. Nabahing lamang ako." pag dadahilan ko sakanya.

"Aysus baka may taong nag iisip saiyo ngayon. Taraaayyyy" sabi nya.

"Sira baka si Julius ang nag iisip sakin kasi ang tagal nating maka rating sa training room." sagot ko naman sakanya.

"Hala oo nga tara na, baka pagalitan tayo" sabi nya at sabay naman kaming tumakbo papunta sa Emerald Building.

------------------------------------------------------------

Happy Sunday everyone :)

Teirus Academy: School of Magic (M2M Story) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon