Panoorin niyo po ang video. Si Uncle Clark and Uncle Jeur na parang mga batang naglalaro.
--------------------------------------------------------------------
Hello TEN
'Exequieeeel!'
'ANO?' huminto ako sa paglalakad at hinarap silang dalawa.
'Ang bilis mong maglakad, hintay hintay naman diyan.' -Clark
'Oo nga naman. May kasabihan pa naman, 'Ang taong matulin maglakad MADADAPA.' Sige ka, kapag ikaw nadapa pagtatawanan ka talaga namin.' -Jeur
'Wala na akong oras para sa lokohan kaya bilisan niyo na ang paglakad.'
Kailangan kong maunahan sina Mommy sa bahay.
Kailangan naming maitago ang mga bata.
Kinakabahan na tuloy ako.
Paano kung nandun na sila tapos nakita na nila yung mga bata. Tapos bigla nalang nilang pinaalis.
Hinde puwede!
Mas binilisan ko pa yung paglalakad ko samantalang yung dalawa ay tumatakbo na para maabutan ako.
Buti na lang at may dumaang taxi. Pinara ko agad at pumasok. Sumunod naman sina Clark at Jeur.
'Exe! Ba't ba tayo nagmamadali? May problema ba?' hinihingal na tanong ni Clark.
'Oo meron. Malaking problema.'
'Gaano kalaki?' tanong naman ni Jeur habang pinupunasan yung pawis niya.
'Kasing laki ng ulo mo.'
'Ganun kalaki? Bakit? Ano bang problema natin, ha?" -Jeur
'Sina mommy at daddy, pauwi na.'
'Anoooo? Totoo? Seryoso?'gulat na gulat na tanong nilang dalawa.
Tumango na lang ako as a respond.
'Manong paki-bilisan niyo yung pagda-drive!' sabi niya kay manong driver sabay kalabit sa balikat nito.
'Manong, bilis po. Bilis.' -Clark
'O-Opo S-Sir.'
'Tumigil nga kayong dalawa! Layuan niyo nga si manong. Sinasakal niyo na siya, gusto niyo bang madisgrasya tayo.'
'Ah. Sorry po manong. hehe' -Jeur
Tumahimik na rin yung dalawa. Makikita mo rin sa mga mukha nila na kinakabahan sila. Si Jeur kinakagat niya na yung kuko niya while si Clark mukhang natataranta na sa nilalaro niyang Plants vs. Zombies. Habang ako patingin-tingin lang sa cellphone at baka biglang tumawag si Mommy.
'Exe, ano? Hindi ka pa ba bababa? Nandito na tayo sa inyo. Bilis!' sabi ni Jeur na nasa labas na pala ng taxi.
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa bahay.
At talaga namang inunahan pa nila akong pumasok sa bahay ko.
'Pare, wala yung mga bata!'
Ano? Asan na yung dalawang yun?
Pagpasok namin ang tahimik lang ng bahay tapos ang linis-linis din.
'Exe, wala rin sila dito sa CR.' -Jeur
'Asan na yung dalawang yun? Pati sa kusina wala rin eh.' -Clark
'Daaaaddy! Uncle!' nakita naming pababa sa hagdan sina Fern at Gorby.
'Fern! Gorby!'
'Hello Daddy.' sabay nilang bati habang nakangiti at kumakaway.
'Asan ba kayo galing?'
'Sa kwarto po. Nakatulog kami ni Fern eh.' -Gorby
Mukha nga, ang gugulo ng mga buhok nila eh.
'Tama na muna yang kwentuhan Exe. 12:25 na. Ano nang balak mo?' -Clark
'Yun na nga eh. Hindi ko pa alam.' *face palm*
'Paano kung sa bahay muna ni Jeur yung mga bata? Dun muna sila habang nandito pa sina Tita at Tito sa bahay mo.' -Clark
'Good job Clark. Buti naman at nag-iisip ka rin!' -Jeur
'Hindi ako katulad mo no'
'Tama na yang asaran niyo. Mabuti pa Jeur dalhin mo na ang mga bata sa bahay mo. Baka maabutan pa kayo nina Mommy dito. Malalagot tayo.'
Binuhat na ni Jeur si Fern habang si Gorby ay hawak naman niya sa kabila niyang kamay.
'Uncle, chaan po tayo pupunta?' tanong ni Fern na mukhang nagtataka.
'Sa bahay ng gwapo niyong uncle.' sinabayan pa ng kindat.
'Daddy, hindi ka ba sasama?' tanong ni Gorby sa akin while kinakagat yung hintuturo niya. Inalis ko naman yung daliri niya sa bibig niya.
'Ah. Eh. Susunod kami ni Uncle Clark niyo.' sagot ko habang nakangiting plastik.
'Sige po, Daddy. See yah.'
Nagsmile lang ako sa kanila at kumaway.
'Sige Exe, alis na kami. Ingat kayo.' -Jeur
Palabas na ng pintuan sina Jeur.
'Exequiel! ANAK! We're back!'
'Uh-oh. Mukhang mag-iingat TAYO!'
________________________________________
A/N: Exequiel's parents are back.
Ano kayang magiging reaksyon nila? Mananatili pa kaya ang mga bata sa pamamahay ni Exequiel?
Paka-abangan.
(edited: November 26, 2016)
BINABASA MO ANG
HELLO DADDY
Fiksi RemajaAN: Will be updated soon. Thank you so much for reading and voting. You guys are the best!