Hello TWENTY-ONE
THIRD PERSON'S POV
'Bumped Cars'
Nilingon ni Mau yung tatlong lalaki. Nakita niyang gulat na gulat ang mga ito at hindi gumagalaw.
'Daddy, halika na po, we'll ride na.'
Naibaling naman ni Exe ang atensyon kay Gorby ng hatakin nito ang kamay niya.
'Huh? Ah-- Sure ka ba na s-sasakay ka diyan Gorby?' nauutal na tanong ni Exe.
'O-Oo nga Gorby. Puwede naman sigurong ibang rides na lang, hindi ba Fern?'
'But Uncle Jeur, I want that ride too.' napa-iling na lamang si Jeur. Nagkatinginan naman sila ni Clark at pareho ring tumingin kay Exe. At sa isa't-isa ulit tapos kay Exe ulit.
'Halika na po, Daddy.' hinahatak na ni Gorby si Exe papunta sa ticket stall.
'Ahm-Ah. Maiiwan na lamang ako dito. Medyo sumasakit kasi yung tiyan ko Gorby.' sabay tawa ng pilit.
'Pero Daddy--'
'Oo nga Gorby, pabayaan mo na lang si Daddy Exe mo. Baka maglabas lang yan ng mabahong hangin sa loob. Mahirap na.' hindi alam ni Exe kung magpapasalamat ba siya o magagalit dahil sa sinabi ni Jeur.
'Bawal po yan, Daddy. Sige po, dito ka na lang. Ayaw naming bumaho doon sa loob.'
Bumili na nga ng ticket sina Clark. Si Exe naman naiwan lamang sa labas at umupo sa malapit na bench.
'So bumped cars pala ang kinakatakutan mo?'
'Aah!' napatayo ng wala sa oras si Exe dahil sa gulat. Bigla kasing sumulpot sa tabi niya si 'Hoy puwede ba, dun ka nga. Bantayan mo yung mga bata.'
'Ito naman ang O.A. Susunod din ako dun maya-maya. And for the nth time, Mau ang pangalan ko at hindi 'Hoy'. Nakakabastos naman yun.'
'Pakealam mo ba. Bastos na kung bastos. E sa bastos ako, wala kanang magagawa dun.'
'Sa tingin ko nga ikaw-na-takot-sa-bumped-car guy.' then she smirked.
'Anong sabi mo?' pinagtitinginan na sila ng mga dumadaang taong. Paano naman kasi ang lakas-lakas ng boses ni Exe.
'Alin dun? Ah. Yung ikaw-na-takot-sa-bumped-car guy?' sarkastikong saad ni Mau.
'Hindi ako takot sa bumped cars. Maliit na sasakyan, kakatakutan ko? Ha! Pinapatawa mo ba ako?' pagmamalaking saad ng lalake.
'Bakit tumawa ka ba?' mas nagalit naman si Exe dahil sa pango-okray ni Mau. Hindi niya alam na may ganung side din pala ang babae. 'Totoo naman. Ang sinasabi mong maliit na sasakyan ay kinakatakutan mo.'
Naiinis na talaga si Exe kay Mau. Paano niya nahalata? Di kaya masyado lang talagang halata si Exe?
'Sabi ng hindi ako takot.'
'Bakit ayaw mong maki-join sa amin? Ang sabihin mo, natatakot ka talaga.' tumawa naman si Mau habang si Exe ay asar na asar na.
'Masakit nga yung tiyan ko.' galit na galit na sigaw ni Exe.
Hindi naman talaga masakit yung tiyan ni Exe. Sadyang excuse niya lang 'yon upang hindi makasali sa ride.
'Wag kanang magsinungaling. Ikaw-na-takot-sa-bumped-car guy.' tumawa ito ulit at tumayo.
'Nakakainis ka na a. Hoy tandaan mo, ako ang boss mo. Boss ako. Ibig sabihin hindi ako takot sumakay sa mga maliliit na sasakyan na yun.'
'Kung ganun. Patunayan mo.' nagsimula na itong maglakad papunta sa mga kasamahan.
Napasabunot na lamang si Exe sa kanyang buhok dahil sa inis.
'Pinapasakit ng babaeng yun ang tiyan ko.' galit nitong sambit.
--------
'Oy Exe. A-Anong ginagawa mo dito? Diba masakit ang tiyan mo?' nagtatakang tanong ni Clark.
Alam ng magkaibigan na may phobia si Exe sa bumped cars. Nakakatawa mang pakinggan pero yun ang totoo.
7 yrs old nun si Exe. Kasama niya ang mga parents niya na namamasyal sa carnival. Dahil nga bata kaya sobrang excited siyang sumakay sa mga rides. Noong una, sobrang ang saya-saya niya pa. Huling sinakyan niya ang bumped cars. Pero hindi niya akalain na dahil sa pagbangga-bangga ng mga sasakyan ay hihimatayin siya. Walang aksidente, walang galos. Pure shocked ang nangyari kaya siya nahimatay.
Dahil dun, pinangako niyang hindi na siya ulit pang sasakay sa ride na yun. Pero ngayon, dahil sa babaeng iniinis siya kanina. Mapapasubo siya.
'Hindi na masakit ang tiyan ko. Okay na okay ako.' sabi nito na hindi man lang lumingon sa kaibigan at nakakunot na naman ang noo.
Diresto itong pumunta sa ticket stall at bumili.
Napa-tawa ng konti si Mau. Napatingin naman sa kanya sina Clark.
'What did you do?' nagulat si Mau sa tanong ni Clark ngunit nag shrug lang ito.
Bumalik na si Exequiel sa mga kaibigan dala ang isang ticket at nakakatakot na aura.
'Exequiel, seryoso?'
'Yes, I'm sure of it Jeur.'
Seryoso nga siya. Umi-english e.
'P-Pero---' kita mo sa mukha ng kanya dalawang kaibigan ang pangamba.
'Enough. Sasakay nga ako.'
Wala ng ibang nasabi ang mga kaibigan nito at pinabayaan na lamang ang desisyon niya. Nandun pa rin ang takot ng mga ito na baka himatayin siya sa loob.
Maya-maya pa ay batch na nila ang susunod. Pumasok na sila at pumili ng kanya kanyang sasakyan. Si Clark at Gorby ang magkasama, sina Jeur naman at Fern. Habang sina Exe at Mau ay mag-isa sa mga sasakyan nila.
'E-E-Exe..' kinakabahan at naiiyak na sabi ni Jeur.
'I can do it.' taas noong sabi ni Exe pero deep inside natatakot na yun. Hinawakan na niya yung manibela. Maya maya pay nagsimula ng magsi-andaran ang ibang sasakyan.
Lahat ay nagkabungguan na pero si Exequiel, ayun nasa gilid lang at nakahawak pa din sa manibela. Hindi niya ito kayang patakbuhin.
Sa sobrang takot at kaba ay napuno na siya ng pawis. Hindi pa nga niya naipatakbo ang kotse ay bigla nalang....
//Blaaaaag!//
Walang bumangga sa kanya.
Ibig sabihin lang nito ay --
'EXEQUIEL.' sigaw ng magkaibigan.
'Bakit siya nahimatay?'
-------------
(edited: Dec 23, 2016)
AN: Advance Merry Christmas my dear readers.
BINABASA MO ANG
HELLO DADDY
Teen FictionAN: Will be updated soon. Thank you so much for reading and voting. You guys are the best!