Hello THREE
Akala ko panaginip lang ulit yung nangyari kahapon. Yun pala talagang totoo na.
Totoong nakauwi na talaga ako at totoong may dalawang bata na akong kasama dito sa bahay.
Mahimbing pa silang natutulog ngayon sa sofa. Masama na kung masama kasi hindi ko man lang sila pinatulog sa kwarto ko, buti nga at pinaliguan ko pa sila eh. Pinahiram ko pa yung mga T-shirt ko. Malaki sa kanila pero maliit na 'yun sa'kin. Baka kasi mga akyat bahay talaga 'tong dalawang 'to. Tapos may mga kasabwat lang silang naghihintay sa labas. At isa pa sinamahan ko naman silang matulog dito sa sala. Baka din kasi mga anak sila ng alien. Siyempre, pagkakataon ko ng makakita ng UFO.
Hindi ko alam kung saan ko iiwan tong dalawang batang 'to. Kailangan kong pumasok sa school ngayon kasi iuulat ko pa yung replika project namin.
Nakaligo na ako at nakapagluto na din. Gigisingin ko na ngayon yung mga bata para makakain na rin. Ang swerte nila hindi ba?
'Pst.' niyuyugyog ko sila nang mahina.
Nakakailang yugyog pa lang ako pero nagising na agad sila.
'Watch with you clotch, Daddy?'
Ayan na naman yang Daddy na yan. Sabing hindi niyo ako daddy eh.
Anong meron sa damit ko? Ano nga ba?
'Ahm. What's with my clothes? As you can see. Ahmm. there's a button.. and.. pocket! And don't call me daddy because as I said the other night, I'm not your DADDY!'
'No. We mean, your clotch is por what?' sabi naman ni batang lalaki.
Sabi ko nga. Bat kasi nagi-english pa eh.
'This is a school uniform. See? I'm still young. I'm still studying. You know? Ahm. School, you know that?'
'Yech daddy. We know that. Are you ichmart daddy?'
Haay naku.
Suko na ako.
Ayoko na.
Sabing hindi nga nila ako daddy. Mga batang to, ang hirap kausapin. Ang tagal makaintindi.
'Yes, I'm smart. I have big brain.'
'But you have small head daddy.' nilait pa ako nitong batang babaeng 'to.
Huwag kayong maniwala sa kanya, hindi po talaga maliit ang ulo ko. Sadyang yung mata niya lang ang maliit, singkit kasi siya.
'Haha. You're joking. Oh! Are you hungry? I cooked food for us to eat. Come. Follow me.'
Ang hirap nito. Grabe.
Kumain na kami buti na lang at hindi sila nagreklamo sa luto ko. Kasi kapag nagreklamo sila, walang pagdadalawang isip, sisipain ko talaga silang dalawa palabas. Pero biro lang.
Hotdog at scrambled egg lang naman yung ulam namin. Yun lang naman ang madaling lutuin.
Lagot. Muntik ko nang makalimutan. May klase pa ako. Male-late na ako nito. Pero paano silang dalawa? Saan ko sila iiwan?
'Paano na 'to?' kinakausap ko na sarili ko, parang baliw lang.
'Daddy, watch wrong?' napatingin naman ako kay baby girl. Ang cute niya pala. Lalo na yung mata. Singkit na singkit eh.
'Ahm. You see? I'm going to school. You and you..' tinuro ko naman silang dalawa. '...where will I put you?'
Ano ba itong pinagsasabi ko? Kahit ako di ko na naiintindihan sarili ko. Puro rin ako 'ahm', hindi naman ako gutom.
BINABASA MO ANG
HELLO DADDY
Novela JuvenilAN: Will be updated soon. Thank you so much for reading and voting. You guys are the best!