Hello EIGHTEEN

858 28 2
                                    

At the top, it's Maureen Lucas. Isn't she cute? 

--------------------

Hello EIGHTEEN 

EXEQUIEL'S POV


Nalintikan na. Dahil sa sobrang galak nakalimutan ko tuloy kung anong oras na.

Buti na lang at hindi traffic kaya mabilis akong nakauwi agad.

'Daddy, bakit ngayon ka lang?'

Pagpasok ko sa bahay binungad agad ako nina Fern at Gorby.

'Asan si Mau?'

'Nacha kwarto niya po. Mukhang malungkot chi yaya Mau. Hindi po kashi siya nakapasok sa chool niya kashi ang tagal mo pong dumating daddy.' aniya ni Fern.

'Nakalimutan ko kasi ang oras. Pupuntahan ko muna siya.'

Naglakad na ako papunta sa kwarto niya. Medyo na guilty ako sa nagawa ko, hindi ko naman sinasadyang umuwi ng late.

Pero natigil ako ng bigla kong naisip na hindi dapat ako magso-sorry sa kanya. In the first place, hindi ko naman yun sinadya. At isa pa ayaw ko sa kanya at galit ako sa kanya. Naisip ko rin na isa itong paraan para mapa-alis ko siya dito sa bahay. Dahil sa hindi siya nakapasok ngayon, maiisip niya na masama talaga akong tao at kinakailangan na niyang umalis dito sa pamamahay ko dahil kung hindi pa siya aalis dito mas mahihirapan lang siya. 

Kaya instead na pumunta sa kwarto niya, pumunta na lamang ako sa kwarto ko at magpapahinga na lamang.


Nagvibrate yung phone kong nasa loob ng bulsa ko.

Calling 'ClarkPangetMasPogiAko'.


'Hello clark.'

'Psh. After 7253849271 years buti at sinagot mo na din ang tawag ko.'

'Pasensya na naka-vibrate yung cellphone ko at hindi ko naramdaman.'

'Tss. So kumusta?' ako ba kinakamusta niya?

'Eto masayang masaya.'

'Not you.'

'Sino ba? Yung mga bata? Okay lang naman sila. Nasa sala sila ngayon.'

'Exe naman, kinakamusta ko si Mau.' naiiritang niyang sagot sa kabilang linya.

'Uyy. Gusto mo si Mau ano?'

'EXEQUIEL LINESES. Seryoso ako.'

'Okay fine.' nagisip-isip muna ako ng maisasagot. 'Sa tingin ko, malungkot siya. Yun yung sabi ng mga bata kanina.' sabi ko lang na parang walang pakealam.

'Hindi ka nag-sorry or kinausap mo man lang?'

'Hindi. Why should I? Hindi ko naman sinadyang umuwi ng late at isa pa mas mabuti na yun at least nakagawa na ako ng isang paraan para siya mismo ang aalis dito sa pamamahay ko.'

'Ibang klase ka rin ano. Bakit ba ayaw na ayaw mo sa kanya?'

'Hindi ko alam. Siguro dahil sa kadahilanang taga AHaS siya.' umupo ako sa dulo ng kama.

'Yun lang?'

'Oo. Siguro.'

'Psh. Exe alam mo ba yung kasabihang 'the more you hate, the more you love'?'

'Malamang. Ano tingin mo sa akin bobo? At ano naman ngayon? Anong konek nun?'

'Wala. I'm just asking.'

HELLO DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon