Hello TWENTY-TWO

716 19 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hello TWENTY-TWO

Clark's POV


'I'm asking you again. What-did-you-do-to-Exe?' yes, I am mad and I'm not being the normal Clark now.

'K-kasi...'

'Kasi, what?' I heard Jeur chuckled. I raised my eyebrow.

'Bro, chill ka lang. Parang nagkaka-halataan na.' I gave a what-are-you-saying-face to Jeur. 'Bro, mukha kang may gusto kay Exe.'

Binatukan ko nga. Kung ano-anong sinasabi.

'Ouch bro, ouch.'

'Tigilan mo nga yang kalokohan mo. Mag-worry ka naman kay Exe kahit konti.'

'Worried kaya ako.' sigaw niya sabay pout.

'Tss.'

Napatingin naman ako kay Mau at sa mga bata na ngayo'y pinapaypayan si Exe. Yung mga mukha nila ang totoong nagwo-worry. Ang mga bata panay naman ang iyak ang akala kasi nila mamamatay na yung Daddy nila.

'Daddy.' sabay namang sigaw ng dalawang bata habang umiiyak. 

 'Exe, s-sorry na. Sa susunod hindi na kita hahamunin.' naiiyak na sambit ni Mau.

'What did you say? Hahamunin?' I asked Mau.

'O-Oo.'nakayuko niyang sagot at kinuwento niya yung nangyari sa kanila kanina.

 So that's why. Napasubo pala si Exe. 

'Sorry talaga. Sorry.' 

I think I need to be calm now.

'Wala na tayong magagawa. Ang isipin natin ngayon ay sana bumangon na siya.'

'O-Oo. Sana nga.' naiiyak pading sabi ni Mau.

Bigla namang gumalaw ang kamay ni Exe. Unti-unti niyang dinilat ang mata niya hanggang sa nagkamalay na nga siya.

Hinipo niya yung ulo niya at unti unting bumangon.

'A-Anong gina---. Asan na ang bumped car? Hindi ko pa nagagawang paandarin yun.' tumayo siya at muntikan ng matumba ulit dahil sa pagkahilo.

'Exequiel.' I shouted.

'Oh?' tumingin naman siya sa akin.

'Don't force yourself to do the thing you can't do.'

'No.'

'Oo nga Exe. Sorry. Hindi mo naman talaga kailangang gawin yung hamon ko sayo.' Mau's second demotion.

Tumahimik naman si Exe at mukhang may iniisip.


'Kung ganun' he paused. 'Edi okay. Kain na tayo. Gutom na ako.'

Face palm. Sabi na e. Coward Exe.

----------

Mau's POV


One week na din ang lumipas pagkatapos nung Carnival day namin. At ilang weeks na din akong nagtatrabaho sa bahay ng masungit kong amo.

'Hoy. Wag mong kalimutang isara yung gate.'

Pero wala pa ring pagbabago sa kanya. 'Hoy' pa din ang tawag niya sa akin. Ang bastos talaga.

Papunta na nga pala akong school ngayon. Buti na lang at hindi na nakakalimutan ni Exe na umuwi ng maaga kasi ayaw ko na ulit mag-absent. Bawas sa grade yun.

Gaya ng utos niya, nakabihis lang ako ng t-shirt at jeans, sa school na ako nagbibihis ng uniform. Hate na hate niya talaga yung school namin at alam niyo na kung bakit.

Naglalakad lang ako ngayon palabas sa village tapos pagdating sa kanto ay doon na ako sasakay ng PUJ.

'Papuntang school?'

Napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin sa taong katabi ko ngayon.

Bakit siya nandito? Tama pala, village niya rin nga pala ito. Pero bakit siya nasa tabi ko?

'J-Jeur..'

'Oh? Bakit parang nagulat ka? Ganyan na ba kagulat-gulat ang kagwapuhan ko? /winks/'

Tinawanan ko lang siya 'Mukhang may paparating na bagyong Jeur ngayon.'

'Gwapo naman kasi talaga.' sabay pogi pose niya. Baduy. 'Tara. Hatid na kita sa school niyo.'

'Sure ka ba?'

'Oo naman.'

'Pero kasi--'

Tumawa siya bigla. 'Wala naman akong issue dun. Halika na?'

Tumango na lamang ako. Buti pa 'tong si Jeur walang reklamo sa school namin. Yung si Exe, ang dami. Binugbog ba siya ng school namin? Sus, ako bubugbog sa kanya e. Di joke lang.

Nagkwentuhan lang kami ni Jeur hanggang sa makalabas at makasakay kami ng PUJ. Nakasuot pa rin siya ng school uniform nila. Sabi niya pauwi na raw siya ng nakita niya ako. Ayaw pa naman raw niyang umuwi talaga kaya sinamahan na lamang niya ako.

'Thank you sa paghatid Jeur.' nasa labas na nga pala kami ng school ko. 'Uwi ka na. Maghahanap na sayo yung makulit mong kapatid.'

'Hindi 'yon. Hindi naman ako namimiss nun.' tumawa naman siya. 'Baka nga ikaw ang makakamiss sakin.' /winks/

'ASA. Alis na nga. Pagkakaguluhan ka pa dito sa school namin.'

'Bakit? Nag seselos ka?'

Nabigla naman ako ng ilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Konting distansya lang ang nasa pagitan namin.

//dugdug// 

//dug//  //dug//

Amoy ko yung mint flavored breath niya. Ang bango. Ang gwapo niya pa.

'Ah-Eh...'

Inihiwalay niya rin naman yung mukha niya sa mukha ko ng mapansin niyang nao-awkward ako. Phew. Buti naman.

'S-Sige. Pasok ka na.' sabi niya habang nangangamot sa batok. Nahihiya siguro.

Ngunit ikinagulat ko ng makitang namumula yung... NOO niya? Bakit noo?

'S-Sige. Ingat ka. Bye.'

Tumalikod na ako at tumakbo papunta sa loob. Hindi ko na siya nilingon pa.

Naramdaman ko namang umiinit yung pisnge ko. Naramdaman ko rin 'to.

Nung kasama si Clark.

-------

(edited: Dec 24, 2016)

HELLO DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon