AN: At the top/ At the side, picture ni Exequiel nung bata pa siya.
Enjoy!
———-——————————
Hello TWENTY-THREE
EXEQUIEL'S POV
Takbo dito. Takbo doon. Uupo. Tatakbo ulit.
Phew. Nakakapagod makipaglaro sa mga batang 'to. Paano kasi mukhang araw-araw na lang hindi nauubusan ng energy.
'HEEEEEP! Tama na. Pagod na ako.' hinihingal kong sabi sa kanila.
'Pero daddy. Gusto ko pang maglaro.'
Bakit ba kasi ang tataas ng energy nila? Umupo ako sa sofa at uminom ng tubig.
'Fern tayo nalang. Pabayaan mo na si daddy. Tumatanda na kasi kaya ang daling mapagod.' wow Gorby. Thank you.
Tinawanan lang nila ako at bumalik na din sa paglalaro.
Ilang months na ba silang nandito? Hindi ko na maalala. Sobrang tagal na din kasi. Sabi ni Mommy sila na raw ni Dad ang bahalang mag-asikaso sa paghahanap sa magulang nina Gorby. Pero hanggang ngayon wala pa ring balita.
Sa katunayan okay na din sa akin na nandito na muna sila. Napamahal na din kasi sa akin ang mga batang 'to. Para ko na rin silang naging kapatid. Hindi ko na muna iniisip na isang araw, aalis na sila at iiwan na kami.
'Kuya Gorby, ang daya mo naman. Balik mo yan sa akin.'
'Ayaw ko nga. Habol ka muna.'
'Kuya naman e. Isusumbong kita kay daddy.'
' Joke lang. Eto naman di na mabiro. Oh, ayan.'
Kung aalis na sila. Wala nang ganito. Wala nang maingay. Wala nang makukulit. Wala nang----
//BLAAAAG//
'LOLA. LOLO.' sigaw ng dalawang bata at nagtakbuhan.
'FERN. GORBY.' sinalubong naman nila ng yakap yung dalawa.
Ano na namang ginagawa nila dito?
'Mom. Dad. May balak ba kayong sirain yung pinto ko?'
'Sorry naman anak. Excited lang.' itong si daddy nahawaan na sa pagka hyper ni mommy.
'Exequiel anak. Na miss kita. Na miss mo ba ako?' niyakap naman ako ni mommy ng mahigpit at hinalikan sa pisnge.
'Mom, siyempre naman na miss kita.' nilingon naman ako ni daddy at sinamaan ng tingin. 'Siyempre ikaw din dad.'
'Kayo lang ba ang nandito? Asan si Mau?'
'Lola nasa school po si yaya Mau.'
'Opo Lola. May pasok raw po siya.'
'Oh, ganun ba?'
'So, bakit kayo nandito?' tanong ko sa kanila.
'Ayaw mo ba anak?' tanong ni Daddy habang naka-pout.
Dad, seriously? Nagiging madrama ka na rin katulad ni mommy.
'Nagtatanong lang po.'
'Business.'
Oh. Business. Akala ko magloloko sila rito.
'And bonding na din kasama kayo.'
/face palm/
BINABASA MO ANG
HELLO DADDY
Teen FictionAN: Will be updated soon. Thank you so much for reading and voting. You guys are the best!