Hello FOURTEEN
CLARK's POV
(Wow! First time to ah. Ms. Author habaan mo itong POV ko a.)
Nasa kusina pala ngayon sina Tita at Exequiel, naghahanda ng makakain namin. Ako naman at si Jeur, nandito sa sala. Kasama namin yung babaeng nakakita at tumulong kay Fern. Buti na lang talaga at hindi tuluyang nawala si Fern. Ang dami pa namang mga news ngayon tungkol sa kidnapping.
'Uncle Clark, we'll borrow your chellphone muna ah? Maglalaro lang kami cha room.' saad ni Gorby.
'Sure.'
I hate kids. Kaya nga ayaw na ayaw ko kina Gorby at Fern nung simula pa lang. Ayaw ko kasi sa mga makulit, magulo at lalo na ang maingay. Hindi nga ako nakikipag-usap sa mga pamangkin kong mga bata, even babies hindi ko kinakayang kargahin sila. First time nga siguro ito na meron akong nakasundo at nagustuhang mga bata. Si Gorby at Fern wala namang pinagkaiba sa ibang mga bata. Makulit, magulo at maiingay din sila pero ewan ko ba kung bakit naging magaan agad yung loob ko sa kanila at nagustuhan ko pa sila.
'Hoy Clark. Ang tahimik natin a. Hindi ka ba masaya na nakita na si Fern?' si Jeur pala.
'Siyempre masaya. Tahimik naman talaga akong tao a. Sa ating tatlo, ikaw lang naman yung maingay.'
'Oy hindi a. Ang tahimik ko kaya. Ako nga pinakatahimik sa atin e. Tanungin mo pa yung mga readers.'
'Asa ka pa.'
'Totoo naman e.' tumawa siya at napakamot sa batok. 'By the way, anong tingin mo sa kanya?'
'Kanino?'
'Sa kanya nga.' sabay nguso niya sa direksyon nung babae.
'Mukha naman siyang mabait.'
'Yun lang? Maganda din diba?' sabay taas baba niya sa kilay niya at ngumiti ng napaka lapad.
'Maganda naman lahat ng babae para sayo.'
'Hindi kaya.' ang bakla talaga nito. 'Clark, tanungin mo kaya kung anong pangalan niya.'
'Ayoko nga. Ba't di ikaw ang magtanong ikaw naman yung may gusto?'
'Nahihiya ako. Sige na Clark, tanungin mo na.' panay naman yung tulak niya sa akin.
'NAHIHIYA KA? E matagal ng makapal yang mukha mo. Tss'
'Clark naman. Sige naaaaa. Ngayon lang naman. Pleeeeees.' nagpa-cute naman yung loko.
'AYOKO NGA. Wag kang makulit.'
'Clark nama---'
'Ehem. Handa na raw yung lunch. Sumunod na kayo sa kusina.' biglang pahayafg ni Exe. Buti naman para tigilan na akong ng mokong na 'to.
'Tingnan mo Clark. Ang bagal mo kasi e.'
'Ako pa sinisisi mo. Upakan kita diyan e.'
Nasa hapagkainan na kaming lahat kasama na dun sina Gorby at Fern pati na rin yung babae.
'Oo nga pala hija hindi pa namin natatanong kung ano ang pangalan mo. Ako nga pala si Mandy. Tita Mands na lang for short.'
Napalingon ako bigla sa direksyon ni Jeur. Ang mokong ang laki ng ngiti. Malalaman niya na pangalan nung babae kaya ang saya niya.
'Ako naman po si Maureen Lucas. Mau na lang po for short.' sabi niya ng nakangiti.
'Hi Mau. Ako nga pala si Jeur.' pa-cute naman tong unggoy nato.
'Hello Jeur. Nice to meet you.' sabi niya ulit ng nakangiti.

BINABASA MO ANG
HELLO DADDY
Fiksi RemajaAN: Will be updated soon. Thank you so much for reading and voting. You guys are the best!